Chapter 12

1.4K 30 0
                                    

**Bea’s POV

Agad akong umalis ng bahay ng may dumating na maganda babae sa bahay nila Austine.

At nagulat ako ng tinawag pa niyang babes si Austine

Ibig bang sabihin nito may girlfriend siya? bakit hindi ko man lang nalaman.

Umalis ako ng bahay para magpahangin, mag isip isip!

“hays, hindi ko na ata kaya, kahit anong paliwanag ko mukhang hindi naman sila makikinig sakin”

Bigla nalang may pumatak na luha sa mga mata ko.

“lalo na siguro si Austine, hinding hindi na niya ako paniniwalaan”

Bumuntong hininga na lang ulit ako nang maalala ko yung misyon ko.

Ilang araw na lang,, ilaw araw na lang ulit ako dito sa mundo.

Pwedeng bumalik ako sa heaven oh kaya naman manatili ako dito sa mundong ito pero nasa ibang kaanyuan ulit.

Tuloy tuloy na yung pagbagsak ng mga luha ko,

Hindi ko na mapigilan yung sakit na nararamdaman ko, susuko na ba ako?

Hihinto na ba agad ako? Hays.

“hindi ako pwedeng sumuko, dahil mahal kita Austine”

Agad kong pinunasan ang mga luha ko at naglakad lakad ulit.

Kung saan saan ako nakarating, hanggang sa madaanan ko yung park na dati naming pinaglalaruan ni Austine.

“naaalala ko nun nung mga bata pa tayo, crush kita nun eh, yung mga oras na hindi pa natin alam na magkapatid tayo, pero sa totoo lang hindi naman talaga, akala mo lang yun”

Hehehe, nakakatawa nga naman! 8 ako nun at siya naman 10, inamin kong crush ko siya yun pala crush rin niya ako.

Yan yung secret namin noon ni Austine, nahihiya kasi kaming aminin.

Kaya naman dahil dun gumawa kami ng hang gestures namin sa tuwing magkikita kami.

“hays, hindi ko naman yun nagawa kanina dahil dumating yung gf ni Austine”

Naupo na lang muna ako sa swing at nagpahangin.

“brrr,, ang lamig”

Sa tagal kong nakaupo, bigla akong napaisip

Wala bang nakakakilala sa katawan na to? Simula kasi nung nakatungtong na ulit ako sa mundo gamit ang katawan na to

Never pang may bumati sa katauhan na to, hindi kaya sa ibang lugar nakatira ang babaeng ito?

“hay, ang weird naman hindi ko na dapat isipin yun, makauwi na nga”

Mag gagabi na kaya napagpasyahan kong umuwi na.

Nang makadaan ako sa same street na pinuntahan ko kanina, may nakasalubong akong 4 na lalaki.

Dalawang naka cap at yung dalawa naman naka jacket.

Mga mukhang kabayo sila, promise!

“sorry Lord, nakapamintas ako” bulong ko sa sarili ko.

Bigla naman may lumapit sakin, yung pinakamukhang kabayo sakanila.

Siguro ito yung tinatawag nilang leader..

“bakit po?” magalang kong tanong.

“miss, huwag mo na akong I-po, ang ganda mo pa naman”

“oo nga, at ang kinis mo pa” dugtong pa nung isa.

“ano bang kailangan niyo sakin?” natatakot ko namang tanong.

Angel's Reincarnartion ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon