Chapter 16

1.4K 28 0
                                    

**Bea’s POV

Hanggang ngayon hindi ko parin akalin na naniniwala na si Austine na ako si Bea.

Alam kong gusto niyang malaman ang punot dulo nito.

Ang rason kung bakit nabuhay ulit ako.

At ang buong kwento, gusting gusto ko na sakanya ikwento ang lahat pero wala na rin namang saysay

Huli na ang lahat. Naniwal na sakin ni Nica patin na rin si Austine.

Pero paano naman sila tita at tito.

8 na ng gabi, at 4 na oras na lahat babalik na ako sa langit oh pwedeng maglaho na lang akong bigla.

Pwedeng maging aso nalang ako na palaboy laboy oh di kaya naman bumalik na lang ulit ako ng langit.

Kaya naman tumalikod ako ng sabihin ni Austine na ipaliwanag ko sakanya ang lahat.

Ang too niyan, naiiyak na ako! Sa sobrang pagpipigil hindi ko na nakayanan.

Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

“Bea, may problema ba?” hinawakan ni Austine mula sa likod ang magkabila kong balikat,

Naramdaman niya sigurong nanginginig ako dahil sa pagkakaiyak kaya naman humarap na siya sakin.

“oh, bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba, naniniwala na nga ako eh”

Pinunasan niya ang pisngi ko at bahagya akong niyakap.

Lalo naman akong napaiyak.

Panigurado mamimiss ko ang yakap na to, ang mainit niyang balat pati na rin ang malakas na tibok ng puso niya.

Sa oras na to, bakit kaya hindi ko marinig ang Diyos hindi ko na siya magawang makausap mula sa langit.

Wala na rin akong pakpak at halo.

Pero bakit nangyayari to? Ilang beses na rin akong muntikan madisgrasya pero sa pagkakaalam ko.

Binigyan ako ng Diyos ng proteksyon pero bakit? Bakit ito nangyayari sakin?

Hays….

“tahan na, iyakin ka talaga Bea” sinuklay suklay pa niya ang buhok ko.

Humiwalay kami sa pagkakayakap at hinawakan muli niya ang mukha ko.

“tandaan mo to, ano man ang problema mo sabihin mo lang sakin Bea. Promise makikinig na ako”

Humugot ako ng lakas para magsalita muli.

“p-ero huli na ang lahat, kahit sabihin ko pa sayo”

“Bea, walang impossible sa mundo, ikaw nga nabuhay yan pa kayang sinasabi mong huli na ang lahat”

“pero may limitasyon lang ako Austine”

“makikinig ako Bea, sabihin mo lang sakin lahat”

Kinurot niya ng bahagya ang ilong ko, at ngumiti.

Bakit ba pag kasama kita Austine nababawasan ang bigat na dinadala ko.

Lagi kang puso ng pag-asa at pagmamahal.

--

Nagsimula akong magkwento.

“makinig ka sakin mabuti Austine, nagsimula to ng mamatay ako at mapunta ng langit

Alam kong biglaan lahat ng nangyari, hindi man lang nagtagal kahit saglit ang buhay ko dito at sa langit agad ako napunta

Doon ko nakilala ang Diyos natin, mabait siya ng higit sa inaakala ko, lahat ng tao ay binabantayan at inaalagaan niya.

Angel's Reincarnartion ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon