**Bea’s POV
“arrgggh, ang sakit ng ulo ko” napabangon ako ng tumapat sakin ang sikat ng araw.
2 days nalang pala, habang tumatagal nararamdaman ko na ang kahahantungan ng misyon na to.
Wala rin naman naniniwala sakin eh, hindi sapat na si Danica lang ang naniniwala sakin.
“hays” napabuntong hininga na lang ako at nagsimulang mag-ayos ng konting gamit.
Tama ba tong gagawin ko? Sa isip isip ko.
Tamang bang sumuko na ako agad?
Pero hindi talaga sila naniniwal, kahit ano pang gagawin ko.
Siguro tama na nga lang na bumalik na ako sa dati, kung ano man maging plano ni Lord, tatanggapin ko.
--
Matapos kong ayusin ang gamit ko sa kwarto na to.
Naligo na ako at nag-ayos ng sarili.
Pababa na sana ako ng kwarto ko ng biglang bumukas ang pinto.
“Goodmorninig Ate Bea” nakangiting sabi ni Nica.
Habang may dala dalang tray ng pagkain.
“goodmorning bunso” tinawag ko siyang bunso kasi yun naman ang tawag ko sakanya dati.
Siguro masasaktan itong si Danica pag nalaman niyang hindi naman niya ako ate.
Hays.
“oh ate, san ka pupunta?” tanong niya at inilapag ang tray sa mesa.
“ah, eh ano wala lang.. hehehe”
“kala ko aalis ka ate eh, kain ka muna ate Bea”
Kinuha niya yung tray at sabay na kaming umupo sa kama.
“ikaw ba ang gumawa nito?” tanong ko kay Nica.
“opo ate, masarap ba?”
“hmmm,, pwede na pero medyo hilaw pa yung itlog pero matututo ka rin niyan”
“hehehe, alam mo ba ate si kuya ang nagdala sayo dito kagabi sa kwarto mo, san ba kayo galing?”
Nasamid ako sa sinabi niya.
*cough cough cough*
“ahh,, ano wala lumabas lang kami ng bahay tapos siguro nakatulog ako, he-he-he”
“ah ganun po ba? Ate alam mo nalulungkot ako” biglang sumimangot itong si Nica.
“bakit naman?”
“kasi hanggang ngayon hindi parin sila naniniwalang ikaw si Ate Bea”
Nalungkot ako bigla sa sinabi ni Nica.
Tinap ko naman ang likod niya.
“hayaan nalang muna natin sila Nica, mahirap kasi paniwalaan yung sinasabi ko eh”
Ngumiti nalang ako ng mapait.
“pero ate, bakit hindi mo maipakita sakanila yung pakpak mo?”
“sinubukan ko na yun, pero hindi na lumalabas yung pakpak ko”
“ano? pano naman nangyari yun ate?”
“hindi ko nga rin alam kung bakit eh, baka siguro may limitasyon lang ang pagiging Anghel ko”
“eh may halo ka rin ba Ate?”
“ako? Ahmm. Wala akong Halo kasi half Angel lang naman ako eh, pero may pakpak ako yun nga lang nawala na”
BINABASA MO ANG
Angel's Reincarnartion ( COMPLETED )
RomanceA typical love story slash fantasy that will surely keep your heart touched and make you even more in love because of the story of two crazy people. [Not literally crazy but it’s just an understatement] Find out how crazy this story is that will mak...