Chapter 17

1.6K 27 0
                                    

 **Bea’s POV

Pag tingin ko sa salamin gulat na gulat ako sa nakita ko,

“bumalik na ako sa dati” napahawak ako sa mukha ko at napangiti.

“ATE ATE,, YEHEY! Bumalik ka na, ang ganda ganda mo talaga” panay ang yakap sakin ni Nica.

“Anak” lumapit sakin ang ina ko?

“anak, I’m sorry”

Biglang nagbago ang expression ng mukha ko ng lumapit siya sakin.

“bakit mo hinayaang maniwala ako na anak nila ako, ngayo’t ikaw naman pala, na akala ko dati tita ko lang yun pal—“

“anak patawarin mo ako, hindi ko sinasadya makinig ka muna sakin anak”

“hija, Bea makinig ka muna sa ina mo” sabi ni tita Candice.

“alam niyo bang niloko niyo ako, at dahil diyan hindi ko magawang sabihin ang nararamdaman ko sa taong mahal ko dahil akala ko kapatid ko siya”

“anong ibig mong sabihin anak?”

“tita Yolanda” sabi ni Austine at lumapit sa tabi ko. “ang totoo po niya, matagal ko na pong mahal ang anak niyo, pero hindi ko lang po masabi, balak ko na po sana sabihin sakanya ang nararamdaman ko noong gumraduate kami pero doon ko din po nalaman na magkapatid kami, at dahil po doon tumakbo ako at dahil sa sakit na naramdaman ko naiwan ko si Bea mag-isa noon at hinabol naman niya ako, doon po siya nasagasaan ng habulin ako”

Napayuko si Austine sa mahabang sinabi niya, alam kong sobrang sinisisi niya yung sarili niya sa pagkamatay ko noon at hanggang ngayon sinisisi parin niya ang sarili niya.

“Hijo, patawarin mo ako kung dahil sakin sinisisi mo ang sarili mo, ako ang dapat na sisihin dahil kung matagal ko ng sinabi na anak ko si Bea hindi sana naudlot ang pagmamahalan niyo, hindi sana namatay noon ang anak k—“

“TAMA NA” sigaw ko at tuluyan ng napaiyak “ t-tama n-na, alam niyo bang nasasaktan ako pag naririnig ko ang mga bagay na yan, ikaw pala ang may dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng to, tapos ngayon babalik ka,”

“hija, anak patawarin mo ako”

Umiling iling ako at tumakbo palabas.

“BEAAA” rinig kong sigaw ni Austine. “BEA WAIT LANG”

Binilisan ko ang pagtakbo para hindi nila ako abutan, hinabol ako ni Yolanda pati na rin ni Austine.

Nakalabas na ako ng gate at tatawid na sana ako ng kalsada ng..

*BEEEP BEEEP*

Hindi ko inaasahang may mabilis na kotseng umandar ng patawid ko ng kalsada..

Parang de javu lang sakin..

“ANAKKKK”

“BEAAAA”

Rinig ko pa ang mga sigaw nila hanggang sa makalapit sila sakin

Ramdam ko ang pagbuhat sakin ni Austine,

Hindi na rin malinaw ang mga sinasabi niya gawa ng pagkahilo ko

At doon ako nawalan ng malay.

**Yolanda’s POV

I think this is the right time to tell everthing to Candice.

Hindi ko na rin kasi matiis ang ganito.

Matagal na akong nagtago sakanila

At malaki rin ang naging kasalanan ko sakanila lalo na sa anak ko.

Angel's Reincarnartion ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon