**Bea’s POV
Nagising na lang ako ngayong umaga na nasa bahay ulit ako.
Nakahiga sa dati kong kama at natutulog sa dating kwarto.
Nag unat unat ako at nag-ayos ng buhok.
“pano nga ba ako nakauwi dito?”
Napakamot nalang ako sa ulo ko habang nakatingin sa salamin.
“ahhh,, oo nga pala”
Si Austine sinundo niya ako kagabi, at.. at.. nakatulog ata ako?
Peri sino nagdala sakin dito?
Malamang naman si Austine dahil siya ang kasama ko kagabi.
Pero paano na ito pag nakita ako nila tita
Ano nalang ang sasabihin? Bakit ako nandito ulit?
Hays, limang araw nalang pero si Nica palang ang naniniwala sakin.
Nag tagal muna ako sa kwarto ko at nakahiga lang nagbabasa
“kaya ko to, may pag-asa pa”
Hanggang sa nakatulog na ulit ako habang nakapatong ang libro sa mukha ko.
Zzzzzzz…….
Zzzzzzz…….
--
**Austine’s POV
Anong oras na pero hindi parin lumalabas ng kwarto si Abe.
“ano kayang nangyari dun? 1:00 na aa”
Sunday nanaman, ibig sabihin dadalaw ngayon si Natalie sa bahay.
Tsk, ayaw ko na nga Makita ang babaeng yun dahil nasisira ang araw ko
Mabuti pang si Abe nalang ang kasama ko kahit makulit yun mas gugustuhin ko pa siyang makasama.
“tsk, kinakausap ko nanaman ang sarili ko” napakamot nalang ako sa batok ako at bumaba na sa sala,
Naabutan ko naman sila mama at papa, pati na rin si Nica na nag-uusap.
“hello kuya” bati ni Nica,
“mukhang ang saya mo ata” halata naman dahil panay ang ngiti niya.
“syempre naman kuya, kasi sabi ni ate Bea nung isang araw maglalaro daw po kami, tuturuan niya ulit ako manahi”
“Bea?” tanong naman ni mama.
“ah- eh- ang ibig ko pong sabihin Abe.. oo tama Ate Abe. Hehehe”
Ang weird ahh.. mukhang may kakaiba ata sa kapatid ko.
Parang may tinatago siya sakin..
“ano ulit ang gagawin niyo?” tanong ko naman.
“mananahi”
“mananahi? Marunong din siya nun tulad ng Ate Bea mo?”
Nakita ko naman na napakamot siya sa ulo niya at parang hindi alam ang sasabihin.
“ahh ano kasi, ahh oo yun nga marunong din siya manahi. He-he-he”
Ang wirdo na talaga ng kapatid ko nitong mga araw.
Imbis na Abe ang sabihin Bea ang nasasabi niya?
Ano ba talagang meron ha? Yun ang dapat ko ring malaman.
“ahh,, sigurado ka ba diyan ha?”
Waring parang naninigurado ang pagtatanong ko.
“o-oo n-naman kuya”
BINABASA MO ANG
Angel's Reincarnartion ( COMPLETED )
RomanceA typical love story slash fantasy that will surely keep your heart touched and make you even more in love because of the story of two crazy people. [Not literally crazy but it’s just an understatement] Find out how crazy this story is that will mak...