Quick Notes.
Releasing 2 more. Happy Lunar New Year! 🐯
—————————
Lynn
T-Totoo ba to????
Inulit ulit kong basahin yung total at naka ilang manual compute na ako pero ganto talaga yung amount.. Hala wala akong pambayad!! Bakit ganito kataas?!
Dapat na ba akong mag text kay kuya? Or kina Marki or Sam?
Teka teka.. Hinde. Kasalanan ko to, ako dapat ang mag ayos. Walang mangyayare sa buhay ko kung lahat iaasa ko sa ibang tao.
Ok Lynn think.. sa ipon ko ngayon, mababayaran ko yung kalahati. Yung natira pwede kong i OT ng 1 buwan tapos magbabaon na lang ako ng food tapos-
"So.." I felt someone breathing on my neck. "..did you forgot how to read? Or how to breathe?"
Nagulat ako at lumingon sa kanya. "Ah.. sorry, nag cocompute lang."
Nandito kami ngayon sa labas ng payment booth. Dito kami pinapunta nung doctor after niya malagyan ng cast na need niyang suotin ng two weeks.
Syempre since kasalanan ko to, ako na ang nag offer magbayad. After makuha ang bill I think nag buffer ako sa shock.
"Para kang hihimatayin." she softly giggled. Even the way she laugh is pretty. "Also anong kino compute mo? Supposed to be andyan na ang breakdown diba?"
Umiwas ako ng tingin. Pano ko sasabihin na wala ako pambayad. "Ah eh.."
She's looking at me with suspicious eyes. Napatingin siya sa bill na hawak ko which I immediately hid on my back.
She sighed. "If wala kang pambayad, you could've just said so."
"M-Meron naman but.."
"But not enough?"
She's has this blank expression on her face. What is it, disappointment? Pity? 'Nagprisinta ka but wala kang pambayad' look?
Hayy.. I've never felt this embarrassed being poor before. Kasalanan ko kung bakit kami nasa gantong sitwasyon ngayon and di ko man lang magawang makabawi.
She lift my chin up with her finger. "Hey look at me. Don't worry about it, ako na."
Nagulat ako dun. "Ah.. h-hinde" This girl has no sense of boundaries. "Like I said, kasalanan ko to so-"
"Hay nako, I know that we'll circle back to this convo." Naupo siya sa waiting chairs sa likod niya. "Anyway ako na ang magbabayad because this.." she points out to me and her.. "this is taking some time."
"Huh?"
"Gusto ko na kasi talagang umuwi at maligo" She smiled at me. "A few hours ago my face is literally touching the street."
Napatingin ako sa suot niya, na cover na pala ng putik yung white long sleeves niya and bandang baba ng pants niya. Yung buhok niya din gulo na and medyo basa pa dahil sa ulan. She looked horrible pero pinagtitinginan pa din siya, lalo na ng mga guys dito.
Naguilty ako bigla. "Sorry."
"Urgh.. Kailangan ng matagal tagal na ligo para malinis lahat to. Plus may shoo-"
Bigla siya napatigil. After a few minutes, she raised her head and looked at me. Tapos tumingin siya sa kamay niya. Unti unti nagbago yung kanina pa niyang carefree face. Kanina pa siya chill, ngayon lang ba nag sink in lahat??
She stood up and looked at me seriously. Dahan dahan siyang lumapit sa ken. Every step she took, I took one step back hanggang sa maipit ako sa wall.
Her face is too close I can feel her breathing. She's inspecting every features of my face.
"I think it will work."
She's too close. "B-B-Baket.."
"I will pay." she said with a commanding tone.
I can't move. Para akong frog na tinititigan ng snake. Shet bibigay ata paa ko. I've never felt this intimidated before. "P-Pero.."
"If you're worried about the amount, don't. As you know, I come from a rich family." I look away. Kailangan kong mag gather ng courage to reply to her and I can't do that if she keeps staring at me. "Or is it because this is your fault and you feel guilty so gusto mong makabawi?"
I quickly looked at her, and she's tilting her head looking really confused. So inaantay niya yung sagot ko, and my voice still can't come out so I simply nod.
She smiled. "If yun lang pala then you can pay me back into some other way."
Bumalik ang tingin ko sa kanya. "Some other way?"
I flinched when I felt her hands on my shoulders. Her fingers slid down from my back, to my arms then all the way to my hands. I want to move away but I can't. Her face is literally inches from mine without breaking eye contact with me. She quickly took the paper I'm clenching for support the whole time..
Again, this girl has no sense of boundaries..
"I'll be taking this." showing me the bill she tucked behind her two fingers. Then naglakad papunta sa booth.
I exhaled. I just realized I was not breathing the whole time.
Is this how rich people react? How can they affect people like this? Kung ako kaya niyang i render speechless, pano kaya sa mga guys! Now I understood why guys flock to her, not just her looks but her whole personality.
"Oh and umm.." napatingin ako sa kanya. She's standing in the booth with her wallet open. "are you sure you're ok? You're turning red."
"Agh.." I waved my hand in disapproval. "H-Hinde, ok lang ako." just really intimidated and embarrassed..
"Parehas tayong nababad sa ulan so I thought you're not feeling well."
"N-No, ok lang ako." mas malala ka pa sa ulan to be honest.
She took out a card then signed the bill. Di na ako dapat ma surprise, I'm sure she has that much money at least. But still nakakahiya, naabala siya, na injured and now siya pa ang nagbayad.
Eh.. teka, sabi niya I can pay in some other way.
"Ok done." kinuha niya yung bill at nilagay sa bag. "Let's go." sabay naglakad papalabas ng emergency room.
"T-Teka.." she stopped and looked at me. "Sabi mo pwede akong makabawi sa ibang paraan."
"Yup, but wag natin pagusapan dito." she turned her back at lumabas ng emergency room.
I followed her sa labas. "S-San tayo pupunta?"
She didn't answer instead nag struggle siyang kunin yung cellphone niya sa bag dahil naka cast yung kanan niyang braso. She gave up and looked at me. "Can you book a grab?"
"Ah eh.." kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at pinakita sa kanya.
"W-Wah.. Seriously???" kinuha niya yung cellphone ko and pressed the keypad. "This is like dinosaur phone!! Ngayon lang ako nakakita ng hindi touch screen.. Narinig ko na to eh. Ito ba yung may snake??"
"O-Oo.." naintindihan ko yung gulat niya. Kahit sa mga mahirap na tulad ko, bihira na yung gantong phone. Actually may touchscreen ako sa bahay na binili ni kuya pero di ko naman kasi ginagamit and nasanay na ako dito. Text, tawag lang naman kailangan ko.
"So wala kang grab?"
Kinuha ko yung cellphone ko sa kamay niya and tinuro ko. "Mukha ba tong may grab?"
"This girl.." she shook her head then inabot sa ken yung bag niya. "Pakikuha na lang yung phone ko. I can still type with my right hand."
Binuksan ko yung bag niya and inabot sa kanya yung phone. "Teka, san ba tayo pupunta?"
She giggled habang nagtatype, I can see na naghahanap na lang siya ng driver and naka set na yung place. "Di kita kikidnapin, no matter how tempting that is now."
BINABASA MO ANG
The Day I Broke Her Arm
Teen FictionThe Day I Broke Her Arm || Taglish || GirlxGirl The aloof top student. The most famous girl in the campus. Two girls with different backgrounds and personalities figuring out new emotions that all started with a broken arm. == Status ? ONGOING Sl...