12 You're Sitting In My Seat

278 25 8
                                    

Lynn



"Cheers!!"

"C-Cheers.." I said lifting up my San Mig Apple.




Inamoy ko yung beer and took a small sip. Ang pait!! Nasan ang apple??? Wala ako nalasahan.

Seryoso, bakit andaming naaadik dito eh di naman masarap?

I sighed. Bakit ba kase ako nandito? Wala pang 5 minutes pagkapasok gusto ko na umuwi.

Parang ang rowdy ng place. Sa kabilang table may group ng mga lalaki na nasigaw ng 'Chug Chug Chug' habang tinutungga nung isang guy yung buong bote ng beer. Sa likod na table naman namin may nagtatawanan na group, which I remember some are from the basketball team ng College of Accountancy.

Andaming tao but everyone seems to know everyone here. Nagbabatian sila everytime magkabunggo or magka aninagan from another table.

Lahat din sila magaganda at pogi na mukha akong yaya dito.

Medyo madim yung lighting ng bar and may pinapatugtog sila na malalakas na sounds. May isang table sa likod may kung anong teapot na may tube na hinihigop nung mga nakaupo tapos may usok na nalabas.

Is that even legal???





"You ok Lynn?" tanong ni Marki sa tabi ko.

Bumulong ako sa kanya. "Is this really how we're supposed to spend our Friday night??"

She laughed. "Hindi palagi."

Tinapat niya yung bottle na hawak niya sa ken and I clinked it with mine. "And hopefully ito na ang last."

"Oh c'mon, nagsisimula pa lang yung party Lynn!" narinig ni Sam yung pinaguusapan namin at pumunta siya dito sa table and inakbayan kaming dalawa. "Marami kayong mamimeet tonight ok? New friends. New networks. Just have fun."

"Yup, tulad ko. Friends na tayo diba Ms. Top One." a guy on my left side said while smiling.



Nasa 7 kami ngayon sa table. May dalawang girls na matangkad na kaklase ni Sam and isang guy from COA volleyball team sa harapan namin. Sa kanan ni Marki is a guy from her class and sa kaliwa ko is isang guy na ka batch ko from another section.


Tinanggal ni Marki yung kamay ni Sam sa balikat namin. "Simula pa lang amoy chico ka na."

"T-Talaga??" inamoy niya yung sarili niya, then excused himself at tumakbo pa restroom.

"Tingnan mo to, lakas magyaya pero mahina naman talaga." sabi ni Marki.





Ganun ba yun, kapag nangamoy chico na ibig sabihin lasing na?

Never uminom ang kuya ko and thankfully wala namang mga lasenggo sa lugar namin or sa dinadaanan ko. So wala akong alam pagdating sa inuman.

Actually ito pa nga ang first time ko pumunta sa gantong lugar.

And I hate it.

Sabi ni Sam mild pa daw tong bar kasi yung mga may dance floor, yun daw medyo wild. So may mas malala pa dito??

I sighed. Anyway kailangan ko rin talagang pumunta dito one way or another.

Kaninang hapon after ng midterms nahuli kami ni Sam. Pauwi na dapat kami ni Marki pero eto, nayakad dito sa 'After-Midterm' party niya. Usually di ako sumasama. I think it's a waste of time. Which I still believe kahit andito na ako now.

Mag skip dapat ako but he mentioned ito yung party na pupuntahan ni June. And my part time job is to be helpful to her so eto ako ngayon.





The Day I Broke Her ArmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon