Six

7 0 0
                                    

" Anong sabi mo ? "

" Bakit ka nandito ? Hindi naman ito ang next class mo. Are you stalking me ? " Aniya at humakbang papalapit sa akin.

Imagination ko lang pala 'yong kanina. Naalala ko na naman si Miles, 'yong smile niya kasi parehas kay Miles, nakakagaan ng loob. Kailan kaya uuwi si Miles ? Bigla akong natauhan nang may kamay papalapit sa aking mukha.

" Huy ! Okay ka lang ? " Aniya at hinawakan ang aking mga balikat para yugyugin.

Tinulak ko siya palayo at humakbang pabalik. Nakita kong nagbago ang reaction niya at humalukipkip.

" Seriously, hindi ka ba magsasalita ? " Aniya halata ang pagkairita sa kanyang tono.

" Magsasalita ako kung kailan ko gusto. You're not anyone's boss and definitely not the boss of me." Pinanliitan ko siya ng mata at inirapan na nakapagpatawa naman sa kanya.

" Damn girl ! Ang init ng dugo mo sa akin. " pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok at umiling habang tumatawa.

I sighed at dumiretso na sa likuran. I saved 3 seats para kila Thea at ako naman ang nasa pinakagilid. Narinig ko ang mga hakbang ni Nikolai papalapit sa akin. Nilingon ko siya at inirapan. Ano na naman kaya ang problema nang isang ito ?

" This seat available ? " Aniya at ngumiti sa akin. Nang hindi ako nagsalita ay ngumuso siya at umiling.

" I'll take that as a yes." Umupo na siya sa harap ng aking upuan. Mukhang may binabalak siya dahil hindi maalis-alis ang kanyang ngisi.

"Okay guys group yourselves into five para sa video na gagawain niyo. I'll explain the details later." sabi ni Ma'am Brei at mabilis pa sa kidlat ay nagsitayuan ang mga kaklase ko para maghanap ng mga kagrupo.

Nagtinginan naman kaming apat at nagsitanguan. Kaso apat lang kami it means kulang pa kami ng isang member. Nagulat ako ng biglang tumayo si Nikolai at humarap sa aming apat. Ngumisi sa akin si Thea at kumuha ng papel para ilista ang mga pangalan namin. Ugh eto na naman siya, nang-aasar na naman. Tinignan ko si Nikolai na kasalukuyang nakaharap sa akin.

" Kulang pa ba- "

" Oo kulang pa kami ! Sa amin ka na lang Kolai ! Sigeee na !" sigaw ni Reena na may malapad na ngiti sa kanyang mukha.

" Ah Sige." tipid niya sagot rito at ngumiti. Kinausap niya si Thea para sabihin na siya na lang daw magpapasa ng papel kay Ma'am. Tinanguan naman siya nito.

Nakakapagtaka na parang ang tipid niya sa ibang tao tapos pagdating sa akin ay espesyal ang trato. Ayoko ng ganoon, may pinipili. Unfair na nga ng buhay tapos magiging unfair ka pa sa mga taong gustong lumapit sa'yo ? Madaming taong choosy sa mga gustong makasalamuha. Kahit ako minsan medyo choosy pero hanggat kayo ko ay binibigyan ko sila ng pantay na trato.

" Anong nakain ni Nikolai at bakit lumalapit sayo ?" rinig kong sabi ni Thea sa tabi ko, hindi ko siya nilingon. Patuloy lang siya sa paghihintay ng sagot ko. " May ginawa ka ba hmm ?" dagdag niya.

" Psh. Wala no." malumanay kong sagot.


"Sus maniwala ? Wala ka man lang sinabi ?" usisa niya


" Wala nga. Ang kulit mo. Mukha ba kaming close na close ? Tsaka kung close man kami edi matagal na din kayong close ni Nikolai." iritadong paliwanag ko sa kanya. Ayaw pa kasi tumigil. Nakakairita na.


" Sabagay ... Wow ha ang dali mo naman mairita. Mayroon ka ba ngayon ?" pang-aasar niya.


Akma kong hahampasin siya pero tinawanan niya lang ako. Ugh minsan talaga ang sayang lagyan ng packing tape ang bibig nitong si Thea. Umayos ako dahil nakita kong pabalik na ulit si Nikolai or Kolai as they liked to call him. Hindi naman porque famous siya sa campus namin espesyal na ang trato ko sa kanya. Respect is earned not given automatically.


Nagsimula nang bumalik sa ayos ang klase at nagsibalikan na din ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan. Mabilis ang naging daloy ng klase hangang sa mapansin kong uwian na pala.


"Lutang ka ata ngayon ?" sabi ni Reena.


" Hayaan mo 'yan Reena baka hambalusin ka niya bigla. Hahaha !" ani Thea


Tinignan ko ang room na halos wala nang tao maliban sa aming apat at itong lalaking nasa harapan ko. Nakangisi siya sa akin at heto naman ako iniirapan siya.


" Ano tara na at magmeeting na tayo tungkol sa pinapagawa ni Ma'am ?" yaya ni Mira sa amin.


" Saan tayo ?" tanong ko.


" Sa may garden na lang. Hapon pa lang naman" sagot ni Mira at nauna nang lumabas sa amin.


Tumungo na kami papuntang garden. Naiirita pa rin ako sa presensya ni Nikolai dahil ang feeling close niya. Ayoko pa naman ng ganoon. Kanina inakbayan niya si Thea at Reena, halos mangisay naman sa kilig ang dalawang ito at heto naman siya sa tabi ko ngayon. Ramdam ko na minsan nagnanakaw siya ng tingin.


" May galit ka ba sa akin Celina ?" aniya


" Wala." sumagot agad ako at binilisan ang paglalakad.


Sa wakas at dumating na din kami dito sa garden. Nagsimula nang maglabas ng mga notebook ang mga kasama ko. Habang ako naman narito lang sa isang tabi at handang makinig. Si Thea ang naglilista kung anong mga gagawin namin. Ginawa nilang leader si Mira kasi magaling ito at ang mag-eedit naman ng video ay si Reena at ako ...


" So that sums it up ? Okay ka na doon ha Celina ?" tanong ni Mira.



MapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon