Sept

7 1 0
                                    


" Ha ? Ah oo sige kung ayon ang naplano." sagot ko agad dahil wala naman ako noong nagplaplano sila. I mean andito ako pero wala ang aking kaluluwa, lumulutang kung saan man ito dinala.


" Let's pack up na guys ?" hikayat ni Reena dahil kanina pa ito uwing-uwi. Naka-ayos na nga ang mga gamit nito at naghihintay na lang talaga na tapusin ito ni Mira.


" Thea i-ppm ko na lang sayo ang iba pang details ha ? Make a clean list out of it." Sabi ni Mira at tumango na kay Reena. Ibig sabihin free na kaming umalis ? Yes !


"Uhm Zai pwede ba sa condo niyo tayo magfilm ?" tanong ni Mira.


Wala naman siguro sa bahay si Jace kapag nagfilm kami ... Tinanguan ko si Mira at ngumiti. " Okay na may place na tayo ! " sigaw niya at umayos na ng tayo.


Sayang-saya na akong nagliligpit ng aking mga gamit ngunit naramdaman kong may tumapik sa aking balikat. Hindi ko na ito pinansin dahil sa pabango pa lang niya ay alam ko na kung sino ito. Nakaramdam naman ako ng pagkairita.


" Ano na naman ba Nikolai ?" pagsusungit ko dito. Kailan kaya niya makukuha ang mensahe na ayaw ko siyang makasalamuha ?


"Wala. Tara na. Tulungan na kita." Nginitian niya lang ako kahit sinungitan ko siya. Aba'y may sayad ang isang ito. Makulit siya ha.


" Kaya ko ang sarili ko. Umalis ka nga sa lalakaran ko." Tinulak ko siya at nagsimula nang maglakad palayo. Narinig ko pang tumawa si Thea dahil sa inasta ko. Masyado naman ata siyang masaya. Rinig ko ang mga yapak niyang palakas ng palakas. Shit ! Bakit niya ba ako sinusundan ?


Nilingon ko siya " Stop following m—" natigilan ako ng makita kung sino ang taong inaakala kong si Nikolai.


Enkanto ba ito ? Greek God ? Calvin Klein model ? Ewan basta kakaiba ang mukha niya. Makapigil hininga ang kanyang presensiya. Makalaglag-panty ang kanyang mga labing mapupula, ang mapupungay niyang mata na kulay green at kapag lalo mong tinagalan ang pagtitig rito ay para kang tatangayin kung saan man, at ang buhok naman niya parang after sex sobrang hot, kay tangos pa ng ilong niya.


" Oh my ..."


" Garter ?" aniya  habang magkasalubong ang kanyang mga kilay na lalong nagbibigay compliment sa kanyang nakakalunod na mata. His lips slowly turning into a smirk. I'm speechless as of the moment dahil itong lalaking ito na nasa harapan ko ngayon ay iyong lalaki din palang jerk sa Art Gallery.


Pwe anong gwapo ka diyan Celine !  Wake up ! Ayan gwapo ? Mukhang kuko lang 'yan.


Hoy hindi kaya ! Teka ano ba to para akong baliw na nakatayo pa rin ngayon tapos naglalaban ang pride ko at kalandian ko sa utak ko. Tama na at baka mapanisan lang ako ng laway dito.


" Garter ka diyan pwe ! Isaksak mo sa baga mo ! " gigil kong sabi sa kanya pero shet gusto kong bawiin. Sayo na itong panty ko oh ! Laglag na ay este pwe. Uuwi na nga ako.


I heard him chuckle that brought my senses again to back where I really was. Infront of this gorgeous scrumptious man, oozing of sex appeal.


" Miss bago ka magtaray diyan isara mo muna 'yang bag mo. Dahil sa katangahan mo mawalan ka pa." Utas niya at naghello naman sa akin ang kanyang sexy back. Natetempt akong haplusin man lang kaso pride beh pride. Iyon na lang ang meron ka sa ngayon, ay meron pa pala iyong hiyas ko.


Heto naman ako ngayon nakatingin sa kanyang likod na palayo ng palayo.


" Nag-enjoy ka naman sa pagtingin sa kanya ? " Ani Thea. Minsan talaga parang kabute ang mga kaibigan ko.


" Oo beshie ~" malandi kong sabi sa kanya.

" Ew naman. Beshie talaga ? Corny mo ha." Napatawa kaming dalawa at naglakad na ulit palabas ng academy. Rinig na rinig ang mga halakhak namin habang naglalakad pauwi. Pwede naman kaming magtricycle or jeep pero mas gusto naming maglakad.

" Kuyaaaa ! I'm fucking home !" sinuyod ko ang buong sala kaso wala akong nakita ni Anino man ng kapatid ko. Nakakafrustrate kasi gutom na ako. Pumasok na muna ako sa kwarto ko para magbihis.

" Ahhh ..."

Natigil ako sa pag-ayos ng gamit ko sa bag, ano na naman kayang pakulo ito ni Jace.

"Teka lang." kundi ako nagkakamali, boses 'yon ni Jace. Pero sino 'yung umungol kanina ? Nagdala na naman siguro siya ng babae.

Padabog kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at nagmartsa papuntang kusina. Not so suprisingly, I saw my brother with a woman, a different woman again. She was wearing a sparkly silver halter top partnered with a short black pencil skirt just above her knees, for her shoes she wore 3 inches black pumps and I'm guessing she bought it at Figlia. I saw her shoes before and It caught my attention.

" Ahem." Nagkunwari akong naubo para makuha ang attention nila and I did. All their attention focused on me. I saw my brother's lips turn into a smirk and the woman's face embarassed with a hint of disgust.


" Sister dear, mamaya kakain na tayo." Ani Jace habang nakatingin sa labi ng binibining nasa mga bisig niya.


" Sa labas na lang ako kakain. Mukhang busog ka na eh. Tignan mo magdedessert ka na." Tinalikuran ko na sila at naglakad papunta sa pintuan upang lumabas. Narinig ko pa ang malanding halakhak ng babaeng kasama niya. Ugh ...

" Miss isang Big Mac tapos large Fries then Chocolate Sundae." Iritado kong sabi sa isang cashier ng Mcdo.


Hindi naman sa nakakairita yung mukha niya pero medyo lang.Isa na rin sa mga rason kung bakit ako iritado ay dahil hindi nagluto si Kuya. Next time nga maglalagay ako ng schedule ng pagdala niya ng babae. M W F na lang. Para naman masarap ang makain ko tuwing Tuesday at Thursday.


" Ah ma'am ano po drinks  nung Big Mac ?" nakangiting tanong nung Cashier.


" Coke Large." Binigay ko na ang bayad ko at naghintay.

Atleast madaling dumating ang order ko at nakaupo na ako sa isang table na malapit sa glass window kumakain ng fries. Grabe natatakam na talaga ako sa Big Mac pero uubusin ko muna ang Sundae ko at Fries.


May kumakatok sa may glass kaso kiber lang ako. Mas lumakas yung katok kaya nilingon ko na. Oh my ... Bakit ngayon pa ?


MapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon