Cinq

7 1 0
                                    


" H-ha ? " Onti-onti kong nilingon kung saan nanggaling ang bosses at sumalubong sa akin ang nakakunot noong si Nikolai.

" Hoo busted." bulong ni Reena kay Thea. Sinamaan ko ng tingin si Reena pero hindi siya natinag, nginisian lang ako at umiling-iling habang natatawa.

" Kanino Celina ? " tanong niya ulit.

"W-wala. Ha ... haha. " I tried to laugh it way pero hindi siya nadala.

"Are you sure ?" mas lumapit siya sa akin mga ilang inches na lang ang layo namin.

Shit. This feeling, hundreds of girls would kill to be in my place right now. Tinatamaan ako ng nerbyos ngayon. Kung wala akong gagawin mapapahiya ako nito.

" Ooohh ... " kantyaw ng aming mga kaklase.

Grabe yung intense ng atmosphere. Ang lapit pa rin niya at taimtim siyang naghihintay ng sagot ko. Hindi ko na kaya. Tumikhim ako at tinulak ko palayo ang mukha niya, earning a few gasps from the audience.

" Grabe talaga si Celina. " rinig kong sabi ng isang kaklase kong fangirl ni Nikolai.

Umayos ako ng upo at kinuha ang notebook ko mula sa bag, acting like nothing happened. I glanced at Nikolai and my surroundings. Nakatingin pa rin sila sa akin. Inoobserbahan at hinihintay ang bawat galaw ko na gagawain. He laughed tapos may kinuha siya mula sa gilid ng bag ko. Tinignan kong mabuti at iyon ang sticker na tinutukoy ni Thea kanina.

" Iba ka talaga Ms. Ferrer. I'll just take this back." aniya at pinakita ang sticker na kinuha niya mula sa bag ko. Pumunta na siya pabalik sa whiteboard at nagsimula na ulit magsulat. Pailing-iling siya habang sumusulat. Rinig ang mga tawa niyang sinusubukang pigilan.

I heard my friends sigh in  relief. Ang intense nga naman kasi talaga dahil malaking gulo ito kapag may nakakitang ibang tao nito or mula pa sa section ni Nikolai. Lucky nga dahil most of my classmates ay kasundo ko.

" Kapag ikaw talaga napahamak Celina. Tsk !" sabi ni Mira.

"Oo na e-easyhan ko na nga po. Hindi na nga po." sabi ko at nagpatuloy na sa pagsusulat.

After an hour of pure silence natapos din ang pinapakopya ni Sir Bayani at umalis na si Ugok. Nagsigawan ang mga kaklase ko dahil break na namin. Naglabasan na sila at pumunta sa kanya-kanyang tamabayan. Tanging natitira ngayon sa room ay kaming apat. Biglang nagring ang phone ko. I looked at the caller ID to see Jace Panget. 

" Sagutin mo na yang tumatawag sayo. Ang ingay !" reklamo ni Reena sa akin habang inaayos ang bag niya.

" Tsk. Anong kailangan mo ?" bati ko kay Kuya.

" Wow mukhang meron tayo ngayon ha ? " asar niya mula sa kabilang linya. I can only imagine the face his making ang sarap batukan nito. 

" Wala. Bakit nga ? "

"Si Papa uuwi sa susunod na linggo. Magready ka ha ? Baka biglang tumawag 'yon at magpasundo sa airport.

 Huh ? Eh 'di ba sabi niya next month pa siya uuwi ? Anong meron ? "

Hindi ko rin alam. Sabi ni Papa ipapaalam daw niya sa atin pagkauwi niya. Sige bye na. " Binaba na ni Kuya ang tawag, nakaramdam ulit ako ng kaba. Baka may nangyaring masama kay Papa or baka nawalan siya ng trabaho ? Baka may sakit siya ? Baka hinuhuli na siya doon ? Sana naman wala lang.

"Problem ? Mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa Zai." sabi sa akin ni Thea at nag-offer sa kinakain niyang Nova.

Kumuha naman ako at inayos ang tayo ko. " Wala. Tara na sa cafeteria." 

MapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon