Trois

13 1 0
                                    

"Buksan mo yung pinto Thea" I looked at her intently.

"Teka bakit ako ? Diba bisita ako ?" aniya habang nakataas ang dalawang kamay na parang pinaparating na hindi dapat siya isali.

"Para walang away ako na lang. Mamaya mag-away pa kayo." sabi ni Jace at tumungo siya papuntang pintuan parang buksan ito.

Bumungad sa amin ang isang mestizong binata na nakangiti at may dala-dalang box ng pizza . Yes ! Dumating na yung inorder ko na pizza. I clapped my hands at tumayo na para bayaran ang inorder ko.

"Umorder ka ?" tanong ni Jace sa akin, takang-taka siya kung bakit ako umorder ng pizza.

"Eh kasi sabi mo kanina malalate ka dumating." I rolled my eyes heavenwards. 

Tumikhim si Pizza Boy. Now I had a good look at his face. Ang gwapo niya lang ha ! Cute pa ng ngiti niya. Kaya pala todo smile si Thea kanina. I smiled at him and he did the same. Wow ! Friendly din siya. Ayos to ah !

" Ah oo nga pala yung bayad. Wait lang ha ?" malambing kong sabi. Pumunta ako sa may sala dahil doon nakalapag ang wallet ko. I threw a glance at Thea and she mouthed  " Yum ! Yum ! ".She even winked at me. Napailing na lang ako. Kita mo itong babaeng ito, kanina broken hearted tapos ngayon para nakawalang aso sa leash. 

Bumalik na si Jace sa hapag kainan at prenteng nakaupo habang hinihintay ako. Hindi daw siya magstastart kumain ulit hanggat hindi ako nakaupo. Napaka-arte talaga ng kapatid ko.

" Eto na. Thank you !" Inabot na ni Cutie Delivery Boy ang pizza at binigay ko naman ang bayad ko sa kanya, all smiles pa rin siya kaya nakasmile din ako sa kanya. Nakakarefresh naman si Kuya.

" No, Thank you Ma'am !" sabay kindat sa akin at umalis na siya. Sinarado ko na ang pinto at inilapag sa may counter ang pizza. I joined Thea and Jace again. 

"So para saan nga ang Pizza ?" 

" Wala trip ko lang umorder Thea. Kumain ka na nga lang. Alam ko naman na gusto mo din ng pizza kanina kasi nakita kitang naglalaway sa commercial ng Shakeys." I stuck my tongue out at her just to piss her off.

"Hoy ! Hindi kaya. Huwag ka nga. Hindi ako naglalaway kanina ! Natatakam lang ako." Umiling-iling pa siya.

" Girls quiet. Tapusin niyo na ang pagkain niyo at nang mahugasan ko na ang pinagkainan niyo. Alam ko naman na magmomovie marathon kayo ngayon." We both looked at Jace smiling like idiots. He knew kung ano ang gagawain namin and definitely good mood siya ngayon.

Last time kasi kami ang pinaghugas niya ng mga pinagkainan. Nakakajirits lang si Kuya dahil ang KJ niya noon porket busy siya, he passed his duties. May schedule kasi kami niyan sa paghuhugas,paglilinis at paglalaba ng bahay.

Tumango na lang kami and then pinagpatuloy na namin ang pagkain.

-----------------------------------------------------------------

 " Big Hero 6 na lang kasi ang panoorin natin !" pilit ni Thea dahil hindi pa daw niya kasi napapanood iyon at ang cute cute daw talaga ni Baymax.

I looked at her with a smug face. Ayoko nga kasing Big Hero 6 dahil sawang-sawa na ako diyan ! Pauli-ulit ba namang panoorin ni Jace tapos hinihila pa ako kapag manonood siya. Nakakasura na. Kabisadong-kabisado ko na mga mangyayari. Umiling ako pero pinagpilitan niya pa din ang gusto niya. 

"Eto ! 22 Jump Street." Pinakita ko sa kanya ang DVD at nilakihan niya ako ng mata.

"Channing Tatum baby !" She threw a punch in the air. " YES ! Hotness overload. Suka na ng rainbows !"

"Kalma te." Sinalang ko na ang DVD sa Player.

Bigla akong nakaramdam ng malakas na hambalos ng unan. "Pillow FIGHT !"

Lumayo naman ako agad at binatukan siya. " Ano ka bata ? Pillow fight pang nalalaman dadalawa lang tayo. Umayos ka nga. Baka iba ang mahampas ko sayo eh."

" Eto naman oh minsan na nga lang magpaka-immature"  she pouted at me. I looked at her with disgust written all over my face.

"Pssh. Di mo kinaganda ang pagpapout. Umayos ka na. Ayan na malapit na magstart ang movie !"

"Yung pizza !" tinuro naman niya ang pizza na tahimik na nakalapag sa counter.

"Tsss. Kunin mo na. Ikaw may gusto diba ?" pagtataray ko sa kanya.

Tumayo naman siya at kinuha na ang pizza. Pagkabalik niya ay lumayo siya sa akin tsaka binuksan ang pizza. Kumuha agad siya at tinignan ako sabay kagat sa pizza. Aba nang-asar pa ang bruha.

" Nakakahiya naman sa bumili diba." tinaasan ko siya ng kilay.

" Oo nakakahiya nga eh. Ayan na sige kuha ka na. Mahiya ka ha ?" pang-aasar niya pabalik.

" Hahahaha para tayong mga shungaks. Lumapit ka nga dito sa akin !" tinapik naman niya ang upuan ng sofa.

Naka-upo kasi ako sa pang isahang tao na upuan tapos siya sa mismong sofa na mahaba. Ako pa talaga ang pinag-adjust ng babaeng ito. Nanood naman kami ng mataimtim. Tahimik lang si Thea dahil in na in talaga siya sa pagnood kay Channing. Fan na fan talaga siya, She even proclaimed that she is Mrs. Tatum. Lokaret lang diba ?

Nagring naman ang phone ni Thea sa kalagitnaan ang panonood namin. She looked at her phone and she didn't answer it. It just kept on ringing. Para siyang maiiyak na ewan. Siguro si Leandro ang tumatawag. Napailing na lang ako at hinug ko ang bestfriend ko.

" Akin na ang phone mo." binigay naman niya sa akin tapos binuksan ko at kinuha ko ang battery."Ayan nakapatay na ang phone mo. Di na magagambala ang panonood natin oh diba ?Tahan na Thea."

" Pero kasi Celina ang sakit. Marinig o makita ko man lang ang pangalan niya para akong sinasaksak paulit-ulit. Ang sakit na. Ayoko na. Eto na nga oh lumayo na ako. Hindi ko na kasi kinaya ang pagiging martyr dahil sa unang sabak pa lang wala akong dinalang armas sa labanan. Siya daw kasi ang magiging shield ko para hindi ako masaktan kaso siya pa mismo ang nakasakit sa akin. "

"Nauntog ka sa shield mo kasi tinilapid ka ng kalaban mo." I joked para naman tumigil na sa pag-iyak si Thea and luckily she chuckled.

" Gagita ka talaga. Oo na tanga na ako. Minsan kasi sa buhay kailangan mo magpadala sa agos." she wiped her tears.

" Kaya maraming nalulunod eh.Minsan din kasi sa buhay hindi lang go with the flow, kailangan mo din maging handa paminsan-minsan kasi hindi naman lagi alam mo ang papatunguhan ng isang bagay. Better be ready to get hurt because when you love it's not all about happiness, it's also filled with pain. One thing I learned from reading too much romance novels is that kakambal ng Love ang Pain." I tapped her back to make her feel at ease.

" Boys only want love if it's toture ~" Panira talaga ng moment ang babaeng ito.

"Walang connect." I threw a bored look at her. " Tara na nga manood na nga ulit tayo."

She faced me. I could tears building up her eyes, slowly ruining her mascara. "He's not worth the tears right ?" pinilit niyang ngumiti. She sounded as if she wanted to convince herself.

"He's surely not." I assured her.

MapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon