Deux

28 1 0
                                    

Akala ko nung una magagalit sa akin si Jace dahil nagtagal ako but instead he smiled at me and told me to not ever do that again. I was a bit taken aback by what he said until my gaze landed on the girl beside him.

"Ehem..." paranig nung girl sa tabi ni Jace. She snaked her arms around his neck then she whispered something to make him laugh. 

"Haha okay sige next time. Oh Zaira tara na."

"Oo na." agad akong sumakay at baka topakin siya at i-lock ang pinto ng sasakyan.

--------------------------------------------------

" And then sabi niya ... Tapos haha hindi din naman pala kasi ginawa ni ..." 

" Hahahaha ! Sobrang nakakatawa." Nginitian ko na lang silang dalawa kasi nakatingin sila sa akin.

"Oh bakit ? May problema ba ?" tanong ko naman.

Tsk ! Ang ingay nila. Nakakarindi ang malanding tawa niyang Neriza na 'yan, parang tawa ni Kris, Uhuh uhuh uhuh ! Iyong maarteng tawa ? Tinignan naman ako ni Kuya.

"Ano ? Kwentuhan lang kayo. Wala kasi ako dito. Tsk !" I rolled my eyes heavenwards then I continued listening to what song was on my playlist.

Tinigil naman ni Kuya ang kotse dahil naka-red sign. I looked at him as if I was really listening to what he was saying. Tumango lang ako ng biglang hilain niya ang earphones ko.

"Ano ba nakikinig ka ba sa'kin ?"

"Oo." Then he continued driving. The rest of the evening sila na ang magkasama and god knows what they're doing. They dropped me off sa harap ng building namin.

"Mag-order ka na lang o magluto. Gagabihin ako." Lumabas siya sa car niya at hinalikan ang noo ko. He smiled then patted my head. " See you later princess ! Maglock ka ng pintuan ha ?" paalala niya.

Tignan mo 'yun napakagulo. Sa una masungit then the next thing you know he's the sweetest brother ever.  Maayos niyang nagagampanan ang pagiging older brother niya slash father. Si Papa kasi nasa ibang bansa kumakayod ng lupa para lang magkapera. Isa siyang OFW and he works sa isang hotel. Isa din siyang Architect sa Europe. 38 years old palang si Papa, maaga siyang naging padre de pamilya dahil 19 palang kasal na siya kay Mama kaso namatay si Mama noong pinanganak niya ako.

" Bruha ! Buksan mo itong pintuan mo." Napalingon naman agad ako sa pintuan namin na kasalukuyang nakasara lamang. Sigurado akong si Thea iyon. Grabe ang lakas ng katok niya.

"BUKSAN MO NA ! Alam kong andyan ka ! Huwag mo ako paghintayin." Mukang masama ang timpla niya kaya naglakad na ako papunta sa pintuan para pagbuksan siya.

" Nakakahiya ka talaga. Uso mahinang kumatok. Nakakarindi ka ! Eskandalosa kang bruha ka !" Sabay hila sa kanya papasok kasi pinagtitinginan kami ng mga neighbors namin. "Sorry po sa ingay. Acting lang po niya 'yon. Pasensya na talaga" sabi ko sa mga taong nakatingin pa rin sa amin.

Pumasok naman agad si Thea pagkatapos kung humingi ng paumanhin sa mga kapitbahay namin. Feeling at home agad ang Impakta. Nagtataka namana ko kasi gawain lang naman niya 'yan kapag may nangyayaring di kanais-nais sa kanya.

Hinead to toe ko muna siya at ang bruhang ito tina-asan ako ng kilay. Nakaleather jacket aba eh ang init dito sa pilipinas.

" What brings you here Azelyn Kynthea Mendrez ? Lamig ha !" tinaasan naman niya ako ng kilay. Aba't nagmamataray pa talaga itong babaeng ito. Tinuro niya ang baso ko na may laman. 

"Kailan ka pa naging pipi ?" pang-aasar ko kaso tahimik pa rin siya at nakataas pa rin ang kilay. Kinuha ko namuna siya ng maiinom at makakain mamaya bumalik na naman sa may kitchen eh. She looked at me with a bored look. I glared at her in return. Kumunot naman ang noo niya. Ano kayang nilaklak ng babeng ito ?

MapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon