" Zaira pahingi naman oh !" pagpupumilit ni Nikolai sa akin.
" Ayoko bumili ka ng sarili mong pagkain. Yaman-yaman mo tapos wala kang pambili !" litanya ko sa kanya habang kinakain ang burger ko.
Kinukulit niya ako dahil hindi ko siya binibigyan ng akin fries. Akala ko noong una soulmate ko na ang kumakatok sa window glass kaso eto pa lang kumag na ito. Di bale na lang marami pang pwedeng kumatok diyan.
" Bakit ka nga pala nandito ?" tanong ko.
" Nandito ako kasi sinundan kita. Balak sana kitang sundan gali---" dahilan niya kaso pinutol ko na ang sasabihin niya. Ano ? Sinusundan niya raw ako ? Ang isa sa mga kilalang-tao sa school ? Stalking Celina Zaira Ferrer ?
" Wow ano naman nakain mo at iniistalk mo ako ?" Lumapit pa ako para marinig ang bawat sasabihin niya.
" Well, ewan. Trip kita eh." Aniya habang kumukuha na sa fries na inorder ko. Well I don't care anymore about sa pagkain ko. Nakagugulantang naman ang mga sinasabi ni Kolai.
" Ano ?" at ngayon di na maipinta ang mukha niya. Parang pinipigilan niyang tumawa na ewan.
" Look Celina ..." he said seriously, reaching for my hand to entwine it with his. I don't know kung kikiligin ba ako o mandidiri.
" A ..." iniisip ko pa rin kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya but I would really like him to let go of my hands. Baka puro germs pa kamay niya. Habang sa kabilang kamay naman hawak ko ang burger ko at ngumunguya pa. Hindi naman required na magpakademure sa harap nito diba ? I can eat the way I like.
" I like you." Napatigil sa pagnguya sa narinig ko sa kanya.
" ANOOO ?!?!" napasigaw ako sa sobrang gulat. Napalingon agad ako sa paligid ko at nakita kong nakuha ko ang atensyon ng mga tao. Mabilis na gumapang ang hiya sa akin kaya napatungo na lang ako at sinamaan siya ng tingin dahil tawa na siya ng tawa.
" Nako pasensya na po. Babe tara na." hila niya sa akin palabas ng mcdo. Nako ! Di ko pa ubos yung fries sayang iyon.
"Hoy anong babe ! Hoy tigilan mo ako Trinidad !" pinipilit kong makalas ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay kaso mas malakas siya kaya hindi ako makawala.
" Bitiwan mo ako !" sigaw ko ulit habang nagpupumilit makatakas." Ayan na oh. Sige ano alis na ako." Paalam niya at mabilis na naglakad palayo sa akin.
Napanganga na lang ako at iiling-iling na napangiti. Ibang klase din itong si Nikolai. Ang lakas ng sapak niya sa ulo. After making a scene and dragging me out of Mcdo while lots of people are looking at us because of the commotion were causing, he just leaves. Just wow. Ibang klase ka Nikolai Evandro.
Nagring naman ang phone hudyat na tapos nang "kumain" ang aking kapatid. Agad ko namang kinuha ito sa bulsa ko at inend-call. Nagtext na lang ako sa kanya.
To: Jace GwapoA...
Napatigil ako sa pagtype ng message ko ng makita ko na bago na ang name ni Jace sa contacts ko. Pinakielaman na naman niya ang cellphone ko. Napailing na lang ako.
To: Jace Gwapo ( 0916XXXXXXX)
--------------------------------
Kumalma ka. Pauwi na ako. Nasa Mcdo lang ako.Then I pressed send bago pa tumawag ulit ang isang iyon. Di pa nakalilipas ang dalawang minuto ay agad tumunog ang cellphone ko tanda na nagreply na si Jace.
From: Jace Gwapo ( 0916XXXXXXX)
--------------------------
Okay sweetie, hurry up and go home baka mapahamak ka sa daan. Maraming tarantado sa gabi. Huwag tanga Zaira.
Napakahot-and-cold talaga ng ugali ni Jace. Minsan sweet na Kuya tapos minsan na super mean na Kuya. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Napakastrict sometimes then sasusunod super wala lang pake. It's still cool tho. He really rubs it in my face na may Kuya ako na nagwoworry at sigurado akong mahabang litanya na naman ang maririnig ko mula sa kanya pagdating sa bahay.
" Zaira naman ! Bakit ang tagal mo sa labas ha ? Mamaya mapahamak ka ! Sabi mo saglit ka lang. Sana tinext mo ako kung nasaan ka ng alam ko kung saan ka hahagilapin." Pangaral niya sa akin.
Halos mabingi ako dahil nakasigaw siya sa akin para namang napakalayo ko sa kanya. Nakaupo lang naman ako sa sofa namin at siya nasa harap ng Flat Screen TV palakad-lakad. Tanging ang coffee table namin ang nagsisilbing pagitan.
" Chill. Saya mo kanina. I didn't wanna bother you." Ani ko
" Pero Zaira naman !" at heto na naman siya.
" Okay I get it. Sorry na. I'll avoid doing that. Okay na tayo ? Good ?" nakangiti kong sabi sa kanya habang naglalakad para akbayan siya kahit kailangan ko pang tumingkayad dahil napakatangkad niya.
" Tsk. Sige na matulog ka na." I laughed secretly then I hugged him.
"Sigeee thank you. Goodnight !" malambing kong sabi habang nakayakap sa kanya at agad dumiretso sa aking kwarto.Pagkaupo ko sa aking kama agad kong binuksan ang Laptop ko at nag-open ng FB para icheck kung ano na ang balita sa aming group work. Buti na lang at kahit loko-loko ang mga kaibigan ko ay hindi nila maatim ang mababang grado. They have to have high grades. Because it's really needed daw para maging sucessful. Not all. Pressure galing sa mga parents pa nila.Buti na lang at napaka-understanding ni Dad.
May lumabas naman na notification;Nikolai Trinidad Confirm Ignore
Ay akala ko friends na kami sa FB, hindi pa pala. Sabagay wala naman akong pake sa kanya for the past years, kaya kinonfirm ko na lang ang kanyang friend request. Taray inadd ako ng pogi. Ew hindi pala pogi si Kolai.
Nikolai: Hi Zaira !
What the cactus ? Minessage niya ako ? Teka why am I shocked ba ?Me: Uh ?
Nikolai: Good Evening Zaira ! Thank you kanina.
Hindi na ako nagreply. Sineen ko na lang siya at naglog-out na. Nakaramdam na ako ng antok kaya't humiga na ako sa kama.