Un

39 1 0
                                    

“ Okay Ma’am ! Sir ! This way please.”

Agad akong naglakad pagkarinig sa sinabi ng Tour Guide. Ang bilis naman nila ! Gusto ko pa i-appreciate ng matagal ang bawat beauty ng mga paintings dito sa Herrera & Fabré Gallery.

“ Zaira hurry up !” tawag sa akin ni Kuya Jace.

Na-invite lang naman ako ni Kuya na pumunta dito kasi hindi sila natuloy nung girlfriend niya.

Why ? They broke up. Why ? Hindi ko din alam. Ramdam ko ang inis ni Kuya dahil ang bagal ko. Ayaw niya kasing mahiwalay kami sa ibang pang mga bisita dito sa Gallery. Lalo na sa grupo kung saan kami naka-assign.

Kung tutuusin wala naman talaga dapat ako dito ngayon kasi dapat nasa birthday party ako ngayon ng bestfriend ko. Kaso mahal ko ang Kuya ko “ngayon” dahil brokenhearted.

Sineryoso niya kasi si Kristina. Kahit mas matanda siya sa akin ng 4 na taon walang akong pakielam. Once na may manakit kay Kuya, kahit lagi kaming nag-aaway, prinoprotektahan namin ang isa’t isa.

Napatigil ako dahil may bumangga sa akin mula sa likod.

“Ay sorry miss.”Agad naman siyang umalis at tumuloy sa kung saan man siya pupunta.

"Ang kupad mo kasi Zai. Bilisan mo naman. Para namang may prosisyon diyan. Tara na !” sabay hila sa akin ni Kuya papalapit sa mga ibang bisita.

Halata ang inis sa tono ng pananalita ni Kuya pero secretly, sinigaw niyan sa utak niya na, “ Ang tanga talaga ni Zai. Hindi man lang tumabi.” at kung ano-ano pang panlalait sa akin.

Napatigil ako bigla sa isang malaking painting. Nung una naguluhan pa ako kasi mukhang nakita ko na ito.

“ La Cartes ?” ( La Kar-tes)

“ La Cartes”(La Karts) napalingon ako kung nasaan ang pinanggalingan ng boses.

“Hmmm ? It’s a beautiful piece of art.” Aniya.

His tone was convincing, like he was trying to persuade me that it’s the most beautiful painting that there was but still I was not that convinced. It puzzled my mind so I faced the guy who was standing beside me, admiring the beauty of the painting.

He was wearing a pair of black leather boots just below his knees, a denim jumper that looks like it was designed and made only for him and a fitted v-neck white shirt under his jumper.

He had traces of different color of paint on his skin specifically on his hands and arms. His appearance gave me the idea of what a painter would look after finishing an artwork. Hmmm ... painter kaya siya ?

“Zai-- ! Uh ?” narinig ko ang boses ni Kuya Jace pero hindi ko siya nilingon. Patuloy pa rin ako sa pakikipagtitigan sa lalaking mala-pintor ang get up.

“ Miss, hindi ako yung painting pero as much as I appreciate that you’re staring at me” take note he emphasized the word staring.

“Tanggalin mo muna yung muta mo.” Kinindatan niya ako ... I stood there still looking at him. Para akong bingi. I didn't mind what he said kasi hindi pa nagsisink-in sa akin.

“ Alisin mo na.Nakakaturn-off” with that final statement tumalikod na siya at nagsimula ng maglakad palayo.

“ Pffft. HAHAHAHAHAHA !” umalingawngaw ang tawa ni Jace. Tinignan ko ng masama si Jace.

“Sorry po .. Sorry po talaga” yumuko ako dahil sa mga taong nakatingin sa amin at buti naman tumahimik na ang Kuya ko kaso tumatawa pa din.

“ Kuya Stop it !” saway ko sa kanya sabay hampas sa braso niya.

MapsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon