Monday morning na late ako sa first period. Traffic kasi papuntang school. Nagmadali akong maglakad papuntang School Office para magsubmit ng letter dahil late ako. Nirerecord kasi nila lahat dito. Napakastirct nila when it comes to tardiness. Badtrip ! kailangan ko pa tuloy humiram ng notes sa mga kaklase ko. Buti na lang 3rd period ang long quiz namin. Sayang naman ang inaral ko kagabi.
Habang naglalakad sa hallway kitang kita mo ang mga estudyanteng malalakas ang loob magcutting. Tuwing umaga kasi onti lang ang nagcucut. Madalas nasa auditorium sila tumatambay. Iyong iba naman sa library nakikitulog, sa may garden pahiga-higa lang sa may grass, nagbrebreakfast sa cafeteria, at nakiki-internet sa may Computer Lab. Kapwa estudyante kasi ang nagbabantay sa Com Lab kaya parang Net Cafe iyon, well tuwing umaga lang naman. Madalas kasi magklase doon ang mga computer related subjects.
Hindi na ako aattend ng klase ni Sir Arqueza dahil mas mabigat na parusa lang ang darating kapag ganon. Napakaterror pa naman ng teacher na 'yon. The good side is kahit hindi ka matalino basta makita ka niyang masipag or nagsisipag ipapasa ka niya dahil naniniwala siya na dinadaig pa ng masipag ang matalino.
Kaya ayon halos nagpapalamangan ng kasipagan ang mga estudyante niya maipasa lang niya. Ang hirap din naman kasi ng subject niya, Chemistry, not really my forte ,most students find it hard although he is a great teacher.
Dumiretso ako sa labas, buti na lang hinahayaan kaming lumabas ng freely dito sa school. Dahil din kasi nasa labas ang Bookstore ng school namin. Luckily, sa tapat ng school namin ay may isang malaking coffee shop and YES diyan ako madalas magstay kapag may free cut.
"Good Morning Ma'am !" bati sa akin nung lady guard. I smiled at her at tinanguan siya. Medyo kilala na ako dito sa coffee shop na ito dahil dito kami naglalagi ni Thea.
"Hello Ms. Ferrer." bati sa akin ni Kuya Frei, ang barrista dito. I smiled at him. Quota na ako kakasmile ah.
"Ang aga mo ata dito ?" puna niya dahil madalas tuwing hapon ako dito naglalagi and rarely in the mornings.
" Nalate eh. Might as well enjoy it. Haha !" nilabas ko na ang wallet ko para magbayad.
" Traffic ? " tanong niya ulit.
" Yeah medyo kasalanan ni Kuya. Kung saan-saan pa kasi dumaan." explain ko sa kanya.
"The usual right ?" Tinanguan ko lang siya. He gave me a number at inabot na ang aking bayad.
I looked for my usual spot and to my avail it's empty. Kumuha muna ako ng straw and then I headed there pero pagkakita ko may naka-upo na. Kunot noo kong tinignan kung sino siya at mukang galing din sa Sol Vetierro Academy.
Who the heck is this ? Ugh ayaw ko naman umupo sa ibang place dahil ito ang pinakafavorite spot ko. Kahit may ibang naka-upo diyan basta may bakante diyan ako pwepwesto pwera na lang kung occupied na talaga siya by two people. I guess I have to share.
"Uhm hey pwede ba makishare ? Hope you don't mind." I asked politely.
Pamisteryoso naman si Kuya oh. Hindi mo makita ang mukha dahil nakacap siya tapos nakatingin sa labas. Sa may tabi kasi ng window itong Fave spot ko kaya marami ka talagang makikita at malilibang ka pa tapos nakatapat pa ito sa magandang garden ng S.V.A kaya ang ganda talaga.
Lumingon naman si Kuya at tinignan ako. Shet. Si Nikolai ito ah. Pinanliitan niya ako ng mata at hinead to foot. Yumuko ako dahil bigla akong nakaramdam ng hiya sa aking katawan. Bakit pa kasi nandito to oh ! Can't my morning get any worse ? (Actually better hihi)
" Sige okay lang. Upo ka na." he smiled at me. " Uy okay ka lang ba ?" tanong niya sa'kin. Medyo natulala kasi ako. Ang gwapo kasi ng mokong.
" Ah ... hahaha ! Oo noh okay lang ako. Salamat ha ?" Nagmadali ako umupo at inayos ang aking sarili. He was now facing me, all of his attention focused only on one thing and that's me.