CHAPTER : THREE

27.8K 810 233
                                    

Isla

"Mare naman, pahingi na kasi! napaka damot mo naman, alam mo bang hindi makakaakyat sa langit ang mga taong madadamot?" Kanina pa reklamo ni Yanna sakin dahil hindi ko siya binibigyan ng jollibee.

"Sino naman may sabi sa'yo na gusto ko sa langit?" Pang aasar kong tanong rito kaya mas lalong hindi mapinta ang mukha niya.

Paano ba naman kasi pagkagising ko kanina ung hita niya nasa dibdib ko kaya pala medyo nahirapan akong huminga. Eh daig pa ng isang hollowblocks ang hita niyan sa bigat.

"Ah ganu'n?" Taas kilay niyang turan at pinagkrus pa ang dalawang kamay sa may dibdib.

"Oo," Sagot ko sa kaniya at ngumisi rito, hindi ko rin kinalimutan na asarin siya sa pamamagitan ng pagwawagayway ko ng fries.

"Huwag kang hihingi ng carbonara na lulutuin ko mamaya. Akala mo ha!" Singhal niya sakin habang nakakunot ang noo at masamang tumitingin sa gawi ko.

Naiwan sa ere ang kamay ko atsaka tumingin sa kaniya na tila maamong tupa. Ibang usapan na kapag carbonara ang kalaban rito. Yanna knows how to cook carbonara kaya hindi ako magdadalwang isip na igive up ang jollibee para sa lulutuin niya.

"Ikaw naman Mare hindi ka mabiro, oh ito sayo na 'yang chicken joy na 'yan dalawang family meals naman binili ko eh." Binigay ko sa kaniya ung pagkain na siyang kinaningning ng mata niyang malabo pa sa inyo.

"Thankies Mare at dahil diyan magiging Lolo mo na si San Pedro." Sabi niya pagkasubo ng chickenjoy.

I scoffed and roll my eyes on her.

Mabilaukan ka sanang kumag ka. Charot.

"Basta ung carbonara ko later ha?" Pagkuwang tanong ko rito at inabutan ng drinks.

Marahan naman itong tumango habang patuloy na kumain.

Maaga pa naman para sa klase namin mamaya tsaka pasimula palang ang second semester kaya kokonti palang ang gawain bukod sa natapos ko na lahat ng requirements ko. Hindi ko na rin inabala pang asikasuhin ang pagreretake ng exam, bahala na kung magalit si Dad sa akin. I know of what things I am capable to do. Hindi naman ako makakahanap ng sugarmommy gamit ang grades o score ko.

But take note huwag maging kampante. Nasa second semester ang kalbaryo ng lahat ng estudyante. Diyan talaga kayo papatayin ng mga Professor, tatambakan ng mga gawain at papasok na naman ang mga paepal na minor subjects.

Nabaling naman ang atensyon ko nang may phone na tumunog kaya hinanap ko iyon, nasa taas lang ng kama ko. Si Yanna ay abala pa rin sa pagkain ng jollibee ng hindi niya man lang napansin na may tumutunog na. Mapapailing ka nalang talaga rito ee, basta may pagkain para bang wala ng pake sa paligid.

"Mareng knorr may tumatawag sayo, asawa mo ata 'yan o baka kabit mo." Tinuro ko pa sa kaniya ung phone niyang nasa lapag na nakacharge.

"Gaga! Wala akong kabit 'no. Baka bago ko pa magawa 'yon eh pinalayas na ako sa pamamahay namin." Pinuntahan niya naman ang phone niya atsaka ito sinagot.

Ngiting ngiti naman siya nu'ng sinagot niya ang tawag.

"Yes Mi Reina?" Rinig naming tanong niya at lumabas ng kwarto. Sus kilig lola niyo kunwaring inis na inis sa asawa dahil selosa pero gusto naman.

Bot na nga napakaUNDERstanding pa, nasa kaniya na lahat.

"Tayo kaya when?" Agad na nilingon ko si Yanna at binigyan ko ito ng ngiting nakakaloko.

Si Sierra naman ay tahimik lang na pinapakinggan kami habang tutok na tutok ito sa pinapanood niya na kung ano sa phone nito. Tipong napapakunot ang noo niya, tataas ang isang kilay at mapapakurot sa ilong niya. Itong side na 'to ni Sierra ang hindi makita ng karamihan ee.

Marry me, Attorney (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now