CHAPTER : TWELVE

16.5K 603 245
                                    

Isla

"Ma'am?" Tawag ko sa kaniya. Kanina pa ako tawag ng tawag sa kaniya pero ang lola niyo hindi ako sinasagot.

Naubos ko nalang ung donut na nasa lamesa kanina wala pa rin siya. Ang sabi iiwanan lang saglit pero maghigit kalahating oras na wala pa rin siya.

Naisipan kong umakyat sa second floor kasi du'n ko siya nakitang umakyat kanina. Nadaanan ko pa ung malaking portrait na may tela. I'm curious about it but privacy matters to me.

Pagkaakyat ko sa second floor ay mahabang hallway ang siyang bumungad sakin.

Ang laki naman ng bahay ni Ma'am. Jusq! Maliligaw ka rito kung baguhan ka, pero nasaan na ba si Ma'am nagugutom na naman ako.

Papakapalan ko na ang mukha ko at dito na makikain ng lunch. Bahala na si Batman.

Shuta.

"Mommy miss you too Nana." narinig kong boses ni Ma'am and I think nasa dulo ng hallway iyon nanggaling dahil may pintuan doon ang nakaawang kaya lumapit ako rito at sinilip kung nandu'n nga si Ma'am.

"Mommy, when will you come back here? I miss Momma too." I heard a cute little voice that can melt your heart by hearing it.

"Don't be sad, baby. Momma misses you too, okay?" Sabi ni Ma'am sa kausap niya sa laptop pero hindi ko kasi maaninag kung sino.

Kakasabi ko lang kanina na privacy matters pero ito ako ngayon nag aala aling marites. Pisti

Masyado akong curious nyeta.

"What are you doing here?" Nagulat naman ako nang nasa harap ko na si Ma'am na malamig na tingin ang binibigay sakin ngayon. Hindi ko rin mabasa ang expression niya dahil blanko talaga hindi gumagana utak ko.

"Ay Mommy!"

Hindi ko namalayan nasa harap ko na pala si Ma'am pambihira namang buhay.

"U-uh I've been wondering why y-you're taking s-so long, that's why I went h-here." Nyeta kinakabahan ako ngayon sa takot. Nagkandautal utal pa ako na hindi ko naman kadalasan na gagawa dahil ako Si Isla the cutieee.

"Were you eavesdropping?" Malamig niyang tanong at pinagkrus ang kamay kaya naemphasize ung ano niya.

"N-no po." Sagot ko sa kaniya at dahan dahang umatras dahil papalapit siya sakin. Pashnea!

"Really?" She looked at me with her disbelief looks before Cornering me in between her arms.

Ma'am 'wag ka nga baka agawin kita sa asawa mo. Pero kasi hindi ako ganu'n duh! Masasayang ganda ko kung magiging mang aagaw lang role ko sa buhay ko ngayon.

"Of course!" Mabilis kong sagot pero shemay hindi ako makaalis.

Masyadong pafall si Ma'am amp! Hindi naman kayang panindigan.

"Hmmmm......" She hummed and leaned closer to me.

Ma'am first kiss ko makukuha!

Papalapit na nang papalapit mukha namin ni Ma'am nang mabilis ako makaramdam ng sakit kaya napamulat ako ng mata.

"ISLA! Wake up geez!" Sigaw nang kung sino man at mabilis akong sinampal.

"O-ouch! What is that for?!" Naiinis na binalingan ko si Ma'am na ngayon ay nanlilisik ang mata na nakatingin sakin.

Siya pa 'tong may ganang mainis eh ako itong sinampal.

Hinimas himas ko naman ung kanang pisnge kong nasampal. Ang bigat ng kamay daig pa ang volleyball player sa sakit ng sampal sakin.

Marry me, Attorney (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now