CHAPTER : SEVENTEEN

16.2K 612 65
                                    

Isla

"Monreal." malamig na turan nito sa likuran ko. Ramdam ko talaga ung itim na awra na pumapalibot sa kaniya miski ang mga co-professor niya ay nakatingin sa gawi namin na may takot sa mukha.

Atty. Almira Venice Cortez lang yan kinakabahan kayo? Mga mahihinang nilalang. Hindi naman siya nakakatakot ee, kahit magbuga pa 'yan siya ng apoy hindi naman nakakatakot.

I still don't know who is her husband. Dapat ko na bang ipahunting kela Pablo ang angkan ng Salazar?

Kaasar naman kasi eh! ako nalang dapat.

Sa dami dami niyang p'wedeng asawahin bakit hindi nalang ako? Maganda naman ako a? dagdag na cute pa, hindi na talaga siya lugi sa part na 'yon.

Mas bagay kung Atty. Almira Venice Cortez-Monreal oh diba mas maganda pa kesa sa Salazar ang dugyot!

"Monreal!" Napapitlag naman ako sa boses na iyon na sa sobrang diin at lamig kailangan mo magjacket. Kidding aside.

Nilingon ko ang likuran ko at isang attorney na masama ang tingin ang pinupukol sa cute kong pagmumukha.

What's her problem? Ang aga aga masyadong masama ang mood niya. Masasayang ang kagandahang taglay kung ayaw niya, ibigay niya sakin para naman magupgrade ang kacutan ko.

"Po?" I politely asked. I have My GMRC ako ang nagpatupad nu'n at kanang kamay ko si Yanna habang alagad ko ang dalawa.

"Move!" masungit na sabi nito atsaka ako inirapan. Aba! Maattitude ka Ma'am ha! Pero ano ibig sabihin niyang move?

"Ha?" takang tanong ko sa kaniya pero ito na naman siya, inirapan ako. Irap siya nang irap gusto ba niya sa ibang bagay tumirik mata niya pero ako pa rin ang rason.

"Fvck!" Mahina nitong mura na siyang kinatitig ko sa kaniya lalo. Gagi ang hot ni Ma'am kapag magmumura paano kaya kapag sa ano ay gagi mali. Behave behave!

"Ma'am bawal po bad words." Magalang ko ulit na ani sa kaniya.

"You're blocking the way so Move!" Nagtitimping sabi nito at tila stress na stress sa kacutan ko.

'yon naman pala ibig sabihin sorry na ha! Hindi naman kasi sinabi na gumilid ako ang sinabi lang move ee. Pasalamat talaga si Ma'am maganda siya naku naku.

Agad naman akong gumilid at pinadaan ang mahal na reyna. Nakakahiya naman kung haharang pa ang kacutan ko.

"Ayan naman po mahal na reyna." sabi ko na may halong sarkasmo at minuwestra ang kamay na parang isang alipin na ginagalang ang reyna.

Payag ako maging alipin basta si Ma'am ang aalipin sakin.

"Tss!" She hissed and rolled her eyes on me for the nth time. Namumuro ka na Ma'am ha! Patirikin ko yan lalo eh.

"Problema nito?" Bulong ko sa sarili.

"Tanong mo sa asawa mo." Pilosopo niyang sagot kaya napaamang ako ng sinundan siya ng tingn. Nagdire-diretso siya ng pasok sa faculty at pumunta sa may sarili niyang lamesa.

Pero may office naman siya ah? Ba't nandidito siya sa faculty? Lahat naman ng Professor may kaniya kaniyang office may faculty lang para siguro sumagap ng chismis.

Naiiling na umalis ako sa faculty at dumeritso na papunta sa room.

"Morning!" Bati sakin ni Dexter ang sikat sa room na'to. Alam kong may gusto sakin ito kasi kalat na kalat din. But bruh! Lason ang mga lalaki doon tayo sa sugar mommy.

Kailangan ko na talangang makahanap ng sugar mommy na magbibigay ng black card sakin masyado na akong poor ngayon. Sila Dad naman kasi ang higpit masyado pagdating sa pera na akala mo maumulubi na kami ee.

Marry me, Attorney (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now