CHAPTER : NINE

17.8K 658 221
                                    

Isla

"Ma'am are you going to Tanan tanan na ba me?"

"You hila hila me kanina pa."

Hawak niya kasi ako sa kamay ngayon ta's kanina pa ako kinakaladkad papunta sa hindi ko knows na lugar. Nandito pa rin naman kami sa loob ng campus ta's iilan nalang ung mga estudyante nakikita ko kasi nga uwian na rin.

"Ma'am naman sagutin mo na kasi!" Pagmamaktol ko. Salita ako nang salita hindi ako pinapansin baka mamaya doppelganger na 'to ni Ma'am. Diba ganu'n kadalasan sa movie? Kapag hindi ka sinasagot baka mumu na.

"You're not courting me so why would I answer you?" She answered, stopped for a while, then looked in my direction.

Eh? Anong courting courting? Si Ma'am napaghahalataan na gusto ko siyang ligawan, akala mo hindi nagpahalik kani kanina lang ee. Doon siya sa ulupong na 'yon. Isa siyang taksil.

"Ma'am ang assuming mo naman ang ibig kong sabihin na sagot eh ung mga tanong ko kanina hindi ung sa ligawan thingy. Hindi naman halata na patay na patay ka na sakin ngayon Ma'am? Hindi pa kita napapakain ng specialty kong corn beef na may sabaw." Mahabang litanya ko at pinagsaklop ang kamay namin.

"Tsaka sino naman 'yong lalake na nanghahalik sa pisnge mo kanina? ni hindi ka nga umiiwas ee tapos ngayon manggaganiyan ka." May pagkamasungit kong turan sa kaniya at pinakatitigan ang mga daliri naming magkasaklop.

It fits perfectly. Marahan kong hinaplos ang kamay niya na may singsing na suot si Ma'am.

Napangiti ako ng mapait. The ring really suits her well, bumagay sa mga mahahaba niyang daliri.

She's Married.

"Okay. Let's go, cook for me then." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Hala seryoso?! Baka kapag natikman niya luto ko magkaroon bigla ng gayuma at mainlove siya sa'kin ta's pakasalan niya ako gan'un edi I do Father na ako agad.

"Ma'am joke lang baka Mainlove ka kapag natikman mo un." Natatawang sabi ko sa kaniya at pilit inaalis ung kamay ko sa kaniya para makaalis na pero hindi niya ako hinahayaan na makabitaw kaya lalo niya itong hinigpitan.

"Do I look like I'm taking jokes, Monreal? "She coldly said as her forehead creased due to my remarks, and her grip tightened.

"S-sabi ko nga!" Nasabi ko nalang sa kaniya at nagpatianod sa kung saan niya ako balak dalhin. Kahit sa langit pa 'yan este sa bahay nila.

Para akong bata na hila hila niya. Nakakainis kasi talaga 'yong agwat ng tangkad namin sa isa't isa, hindi ba dapat ako 'yong matangkad kasi ako ang magiging top niya? Gan'un 'yon diba?

Nang makarating kami sa parking lot ay walang imik itong pinagbuksan ng pintuan sa passenger seat at nang makapasok na ako ay siyang pagikot niya sa kabilang parte ng kotse niya at pumasok na rin sa loob, nakatuon lang ang atensyon ko sa kaniya hanggang sa napatingin siya sa akin at pinakatitigan.

Hindi ko alam pero para akong may mga paru paro sa tiyan sa hindi ko malamang dahilan, iyong mga titig niya kasi napakalalim at tila may mga gustong ipahiwatig sa akin pero para bang may pumipigil sa kaniya na gawiin iyon.

"Ma'am who's your husband?" Tanong ko para basagin ang namamagitan sa aming dalawa  kahit na ikakabroken hearted ko pa 'yan. Baka Isla 'to.

"Prefer not to answer your question." Napatiklop nalang ako ng bibig ng biglang nagiba ang hilatsa ng mukha niya, ang mga kilay nito ay magkasalubong at pansin ko ang paghigpit niya ng hawak sa steering wheel.

Nagmamaneho na siya ngayon at hindi ko mapigilan na mapatitig sa mga kamay niya na napakaeksperto sa pagmamaniobra ng kotse niya. Ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa steering habang kanan ay ginagamit niya para sa clutch.

Marry me, Attorney (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now