CHAPTER : ELEVEN

18.1K 618 75
                                    

Isla

Ang kacutan ko ay pakalat kalat na naman ngayon sa loob ng Malacañang. Sabi kasi ni Dad bisitahin ko daw siya kasi may ibibigay siyang regalo sakin. Dahil gusto ko gifts pumunta na agad ako rito tutal saturday naman na.

Wala man lang ako makitang sugar mommy rito kahit isa. Ano ba 'yan. Ayaw naman sakin ni Attorney kaya sige hanap nalang ako sugar mommy na iba.

Masyado na akong gipit kailangan ko na nang may magbibigay sakin ng black card.

Madamot rin kasi sila Dad eh sila ung tipo ng magulang na kahit mayaman ka alam nila kung gaano kaimportante ang sentimo ng pera kaya tamang 500 a day lang ako.

"Good morning, Miss Isla." Bati sakin ng secretary ni Dad na si Jonel Natividad.

"Good morning." Bati kong pabalik sa kaniya at tumango lang. Masyado akong gold para ngumiti sa ibang tao. May bayad kada ngiti.

"Where's Dad?" Tanong ko pa rito at papasok na sana nang pigilan niya ako. Kaya napakunot ang noo ko at ang kaninang pagpipigil na huwag siya samaan ng tingin ay nagawa ko na ngayon, kaya naman ay kita ko ang takot sa mga mata nito pero kasalanan niya iyon dahil ginagalit niya ang isang katulad ko.

"W-wait Miss!" Sabi niya at hinarangan ang pintuan ng office ni Dad.

Ano bang problema nitong lalakeng 'to?!

Huwag nila akong istressin ng maaga dahil masisira ang kacutan ko at magandang si Ako.Medyo pagod pa rin ako dahil sa nangyari nu'ng isang araw ta's kahapon shuta ang daming iniwang school works ang mga Professor namin. Nakakainis talaga hindi sila napapagod magbigay ng mga gagawin, hindi rin ba sila napapagod magcompute ng grades?

"Open the door now!" Maawtoridad kong utos sa kaniya pero umiling lang siya sakin at pilit hinaharangan ang pintuan na kanina ko pa sinusubukang buksan.

Dapat ko na atang idagdag sa mga ipapatumba ko ito eh. Kapag ako nainis tatawagan ko si Pablo. Sunod sunod itong umiling at kahit na nahahampas ko na siya ng hawak kong bag ay wala itong pakialam.

"Hindi pa po talaga p'wede Miss." Sabi niya pa at kinakabahang palingon lingon sa pintuan.

Huwag mong sabihin may babae si Dad?! Aba't! Makakalbo ko un kung meron man.

"Isa Jonel!" Nagtitimping sabi ko sa kaniya. Taena nito.

"Huwag mong sabihin may babae si Dad?!" Tanong ko at sinamaan siya ng tingin kaya naninigas na siya sa takot.

"M-miss hindi sa gan'un," Ani niya.

"Bubuksan mo o gusto mo makita na wala ka ng hotdog kinabukasan?" Pananakot ko lang un sa kaniya pero ang gunggong natakot talaga. Kahit naman na ayaw ko sa lalake, hindi ko naman kaya ang makakita ng literal na hotdog nila.

Naiinis na ako, gusto ko lang naman makuha 'yong regalo na ibibigay sa akin ni dad. "Isa Jonel bubuksan mo 'to o hindi?" Makamandag kong ani.

Hindi ito kumibo kaya naman ay napabuntong hininga ako at buong lakas siyang iniusog papaalis sa pintuan at hindi naman ako pumalya dahil ang patpatin niya. Agad ko namang hinawakan ang seradura at pipihitin palang sana ito nang may nauna na sa akin.

Isang babae ang unang bumungad samin na agad naman akong napatutop ng bibig nang makilala ko kung sino ang inaakala kong babae ni Dad.

Tanginuh! Madami talaga ang namamatay sa maling akala pashnea.

"A-atty. Cortez?" Kinakabahan kong tanong dahil sa tingin na bininigay nito sakin ngayon. Ibang iba ang tingin tipong mapapaluhod ka sa kaba.

The clicking sound of her heels can be heard around the area. Her stance screams power and authority right now. Hindi na siya ung Atty. Na nakilala ko. Nagbago na siya. Magsasadghorl nalang ako.

Marry me, Attorney (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now