CHAPTER : FIVE

19.7K 772 411
                                    

Isla

I'm here at the mall maghahanap ako ng sugar mommy este bibili ako ng panibagong damit na gusto ko. Hindi ko kasama ung tatlo bukod sa may Family dinner ang Asawa ni Eleanor syempre kasama siya dapat, Naks mabait na daughter in law kasi un. Si Yanna naman ay pinauwi ng Nanay Sa Greece at Si Sierra naman ay ayaw gumala at huwag daw siyang istorbohin. Napaka niya talaga.

Naglakad muna ako papuntang H&M para maghanap ng mga hoodies, that store is really recommended when it comes sa mga hoodies. Bukod sa mura na maganda pa quality.

"Monreal!" Kumunot ang noo ko nang marinig ko na may sumigaw ng apelyido ko.

Nagkunwari akong walang naririnig at mabilis ang lakad na pumasok ako sa store ng H&M at nagtago sa likod ng mga stands. Ayoko mag-assume na ako 'yong tinatawag, alam ko namang maganda at cute ako pero hindi ako assuming. 

Medyo lang.

"Where is she?" I heard a girl's voice around the corner. Tama nga ako, ako 'yong hinahanap niya but why? Parang hindi ko pa siya nakikita eh.

Panay lingon siya sa paligid, nagbabakasali na makita niya ako pero nagtago ako sa mga racks ng mga damit para hindi niya ako makita. Mabuti nalang at maliit siya.

"Shit nakatakas! Patay ako nito kay Madam." Madam? What the hell?

Nakita kong may hinugot ito sa bulsa at phone niya pala atsaka siya may tinawagan. Hindi rin siya mapakali at tila kinakabahan din dahil sa nanginginig niyang mga kamay habang dinadial ang kung sino mang tatawagan niya.

"Hello Madam," She said through the phone.

"N-nawala ko po sa paningin Madam s-sorry po," She stuttered as she kept trembling, which made me furrow my forehead in confusion.

Who is she talking ba?

"S-sorry po talaga M-madam!" Nauutal niyang sagot at nakita kong naiiyak na rin siya.

The fudge?

"O-okay po,"She said, then hung up the phone, and left after.

iyon na 'yong time na lumabas ako sa pinagtataguan ko at nagsimula nang maghanap ng mga hoodie na gusto ko. Sa sobrang abala ko habang sa paghahanap ay hindi ko napansin 'yong babaeng nabunggo ko sa likuran.

"I'm sorry Miss!" I apologetically said and looked at her.

But my eyes widened when I caught a glimpse of her. 

"You're not paying attention to your surroundings, Miss." Her cold voice sends shivers through my whole body.

I scoffed, ang taray talaga kahit kailan. Ganito ba talaga kapag mga abogado? parang araw araw may dalaw sa sobrang taray.

"I'm really sorry na nga diba?" Masungit kong tanong rito.

Tumaas ang isang kilay nito at pinagkrus ang dalawang kamay sa may dibdib kaya hindi ko maiwasan na mapatingin doon dahil sa nabibigyang diin ang hinaharap niya. "Is that even sorry?" She scoffed at me and gave me a death glare.

Nawala ang atensyon ko sa hinaharap niya dahil sa sinabi nito, this Attorney is really testing my patience, e wala ako nu'n in the first place.

"I said sorry na nga ano pa ba kailangan mo?" Ako ang top hindi ako p'wede magpaander kahit kanino.

"Where's you manners Miss Monreal?" She asked me sharply, her deadly eyes fixed on me with furrowed brows.

"Literally gone," I replied, which caused her to purse her lips into a thin line as her eyes started to flame with anger. It seemed like she wanted to devour me in any way possible.

Marry me, Attorney (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now