CHAPTER : EIGHT

19.7K 694 146
                                    

Isla

It's been one week ago since the boracay events. We are back to school works and damn! Ang daming bungad sa amin. Maparesearch, activities, quizzes at kung ano ano pa. Banned na rin 'yong mga ulupong na 'yon doon sa resort at pinablotter na rin namin dahil mga kupal sila e.

Prente lang akong nakaupo ngayon dito sa loob ng classroom, katabi ko naman si Kailey na abala sa pakikipagusap sa mga kalandian niya. Ganiyan 'yan uunahin pa ang mga kausap niya kesa ang mag aral. Nagtataka na nga ako rito na para bang wala siyang pake sa grades niya.

"Good morning everyone get one sheet of paper we were having a quiz." Agad kaming tumahimik nang marinig namin ang malamig niyang tinig na nagbibigay kilabot sa amin ngayon pero ang nakapukaw sa akin ng pansin ay 'yong ipapaquiz niya kami ngayon.

Lunes na lunes may quiz?! Tanginang 'yan.

Samu't saring reklamo ng mga kaklase ko ang naririnig ko ngayon.

'Hala gagi! Hindi ako nakapagbasa!"

'Pakopya ako Bes!'

'Pisti yawa ni man. Waay gid naghambal si Ma'am!'

'Wish me luck p're.'

Buti nalang naka advance reading ako. Just in case na dumating 'yong ganitong situation at ito nga, tsaka hindi ako sanay na hindi ako nakakapagbasa ng libro.

Ang mahalaga ngayon prepared ako.

#prepared

"Kingina mare, pakopya ako ha?" Sabi ni Kailey na natataranta na ngayon sa tabi ko.

Napairap naman ako sa kaniya.
Inuuna kasi mga lalake kesa mag aral. Sabi nga nila aanhin ang ganda kung bobo naman. Ni hindi niya nga magalaw mga libro namin na makakapal eh.

Kasing kapal ng mukha ng mga balak lalandi sa future sugar momma ko.

Subukan lang talaga nila makikita nila ang ganti ng isang api.

"May I remind you, no cheating. If I catch you cheating, there will be a punishment. Are we clear, class?" Sabay sabay kaming nagsitanguan dahil sa boses nitong kumukulog. Shuta kung sino man ang nagpabwisit sa abogadong 'to sana matapilok siya mamaya.

"Yes Miss."

Maya maya ay nagsimula na naming sagutan ang answer sheet na binigay ni Ma'am at talagang mahihirapan ka.

Nakapagbasa naman ako pero number one palang mapapa 'huh?' ka nalang.

"Yawa ano sagot sa number eleven?" Mahina akong natawa kay Kailey na ngayon ay hindi na alam kung ano isasagot. Ayan kasi.

Marahan ko naman siyang sinipa sa paa nang makita kong nakatalikod sa gawi ko si Ma'am.

"Oh!" Tsaka ko pinakita ung sagot sa eleven agad naman nagbunyi ang gaga dahil du'n pero hindi lang 'yong number eleven ko ang kinopya niya kundi lahat.

Tangina nito ee masyadong makapal ang mukha.

Ngunit parehas kaming napapitlag nang marinig ko ang boses ni Ma'am na tila nagbabadyang maghasik ng kadiliman.

"Miss Monreal." Madiin niyang tawag sakin.

Shit! Nahuli kaya ako? Shuta.

"Y-yes M-ma'am?" Kinakabahan kong tanong pagkatayo ko.

Ramdam ko ang panginginig ng mga binti ko dahil sa tindinng mga titig na ibinibigay niya sa akin. Hindi ko alam kung saan ko na ibabaling ang tingin ko para maiwasan ang mga mata niya na para bang gusto akong lunurin ng mga iyon. Kung sa pagmamahal naman niya edi go ako kahit lumuhod pa ako para sa kaniya.

Marry me, Attorney (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now