CHAPTER : SEVEN

19.5K 636 120
                                    

Isla

"Gaga Isla 'wag ka mag-two piece!"

"Tangina Eleanor isa ka rin, gaga 'wag kang mag-two piece. Mahal ko pa ang buhay ko at ayaw kong mapatay ni Ma'am dahil lang sa hinayaan ka namin magsuot niyan."

"Siraulo ka ba or what? alam mo namang beach 'to, alangan naman magpantulog kami habang lumalangoy." I said with a hint of sarcasm.

Kanina pa kami nag-aaway dito sa may cottage kung ano nga ba ang susuotin namin, nasa kabilang banda lang naman ang cr at ito nga ang nangyari sa aming tatlo nang makarating kami rito at ang overprotective nating greek ay umandar na naman.

Atsaka wala ring naman magagalit kung ibabalandra ko ang katawan ko, I achieved this body to show it off to everyone, not to hide it.

"Basta 'wag mga kumag kayo. Ayaw ko mapaaway 'no? Ilang buwan na akong walang training baka hindi ko sila masipa." Pagdadahilan niya pero tingnan mo naman ang gaga nakasuot rin naman ng two piece.

Pinagloloko niya ba kaming dalawa ni Eleanor? P'wes hindi ako natutuwa.

"No, I will wear whatever I want to wear." I said with finality in my tone and rolled my eyes at her, but Yanna, the competitive one, also rolled her eyes at me.

"Ako rin, ano pang silbi nitong katawan ko kung hindi ko naman maipapakita." Pag sang ayon ni Eleanor na nasa tabi ko at narinig nalang namin ang pagismid ni Yanna at padabog itong umupo.

"Then, don't blame me if you find yourself outside of your house once your wife knows about your outfit." Yanna said as she held her phone and kept tapping on the screen as if she were texting someone.

"Putangina mo. Ito na nga oh! Magpapalit na," Pabalang na naglakad si Eleanor sa may duffle bag niya bago ito may hinalungkat sa mga gamit niya atsaka dumiretso ng CR.

"Ikaw wala ka bang balak magpalit?" Tumingin sa akin si Yanna at tinaasan ako nito ng kilay atsaka nginuso ang direksyon ni Sierra kung saan payapa itong nagbabasa ng libro habang may kape sa may harap niya.

"No, let me wear this Mare." Pagpupumilit ko.

She heaved a deep sigh before walking near to my things and started rummaging through my bag. "Please Mare. Change your outfit, I know how much you love attention from everyone pero ayokong mabastos ka, this place isn't the place you can be safe with." Halata sa mga mata niya ang kaseryosohan kaya kahit labag sa loob ay nagpalit nalang rin ako.

Pagkatapos kong magpalit ay agad akong lumabas. Nakita ko pang nakasimangot si Eleanor habang katabi niya si Sierra na gan'un pa rin ang ayos.

I take a glance on Yanna, she also changed her outfit that made me at ease. Dahil siya mismo nagsabi na hindi nga gan'un kaligtas ang lugar na 'to and she is not going to change her outfit? it is unfair sa part namin kung hindi rin siya magpapalit.

"Tara na?" Aya ko sa kanila.

"Tara na!" Masayang sabi ni Yanna at tumakbo na sa dalampasigan, kasunod nito si Eleanor na masayang nagtatampisaw sa tubig. Napapailing nalang ako dahil napaka-isip bata talaga namin.

Nilingon ko naman si Sierra na ngayon ay naka oversized shirt at cycling lang.

"What about you Sierra Icey?"I asked her, and her cold eyes met mine as if she were throwing ice into my soul, sending shivers through my body.

"Nah, I'mma take care of our things nalang." She nonchalantly said.

Nagkibit balikat nalang ako at hinayaan siya dahil iyon naman talaga ang gusto niya, hindi siya 'yong tipo ng tao na mahihila mo basta basta. She prefer silence kaya hindi ko alam kung bakit nakakatagal siya sa amin, e bunganga palang ni Yanna na akala mo nakalunok ng microphone sa sobrang ingay at syempre dadagdag kami ni Eleanor sa ingay.

Marry me, Attorney (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now