Prologue
"Ito lang ang dala mo?" Tanong sa 'kin ni Lexi habang inaayos ko ang mga gamit ko sa maleta. Bukas na kasi ang uwi ko sa Cavite. At kung maka-react din siya ay akala mo naman ay galing akong ibang bansa.
"Sampung taon kang hindi umuuwi sa Cavite. Miss mo?" Sabi niya pa saka ako siniko. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. Hindi na maubos ubos palagi ang sasabihin niya at parang may tinutukoy pa.
Oo nga pala. It's been ten years since nung nakipagbreak ako sa kaniya. And I'm not sure if I'm ready to face him. Ayoko siyang makita... Sana hindi ko na siya makita. At sana... hindi na magkrus pa ang landas namin.
"2 weeks lang naman ako sa Cavite," sagot ko. Hindi ko naman kailangan magdala ng maraming damit. May mga naiwan pa naman akong damit doon. Hindi ko nga lang sigurado kung hanggang ngayon ay naroon pa rin 'yon hanggang ngayon. Baka naitapon na ni Karen.
"Kung sumama kaya ako sa 'yo sa Cavite?" Suhestiyon niya. Tiningnan ko tuloy siya nang nakakainis na tingin. "Oh, bakit? Atleast kasama kitang magpapasko," dagdag niya pa, nakangiti.
Napairap at napailing nalang ako. "Limang taon na tayong sabay na nagpapasko, Lexi," sabi ko. Hindi ba siya nagsasawa? Oh, hindi niya man lang ba namimiss ang pamilya niya? Paano ba naman kasi, palagi kaming may flight kapag sasapit ang pasko at bagong taon.
"Bakit? Sawa ka na bang makasama ako magpasko at bagong taon?" Medyo humawak pa siya sa dibdib niya, nagdadrama na animo'y nasasaktan.
"Oo," sagot ko naman.
"Grabe siya, oh!"
Dahil makulit si Lexi, ayun sumama siya sa akin pauwi sa Cavite. Mas excited pa nga siya sa akin. Akala mo naman first time makakarating sa Cavite.
"Iba pala ang feeling maging pasahero at pagsilbihan ng kapwa nating cabin crew. Nakakatuwa," masayang bulong sa akin ni Lexi. Pinagtitripan niya pa nga 'yung isang kakilala naming flight attendant. Ang lakas talaga ng topak ng babaeng 'to!
Buong byahe ay hindi ako komportable. Hindi ko alam kung hindi lang ako sanay maging pasahero at wala man lang ginagawa kundi ang maupo. Nakakangalay din pala ang maupo nang halos ilang oras. Mas okay pa 'yung nag-aassist ako sa mga passengers.
O, dahil hindi lang ako komportable dahil sa kaba na nararamdaman ko. Ilang taon akong nawala. Iyong mga masasakit na alaala ko roon, onti-onti na namang bumabalik. Ayoko na sanang bumalik pa para makalimutan ko na ang nakaraan pero... wala, e. Kusa akong dinala ng mga paa ko rito.
"Ito lang ang uwi mo? Sampung taon kang hindi umuwi tas ito lang ang uwi mo sa amin?" Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwala sa inasta ni Karen, ang babaeng nabuntis ng kuya ko.
"Kapag hindi ako nagpapadala ng pera o ng kahit anong bagay, may nasasabi ka! Tapos ngayon pinasalubungan na kayo, may nasasabi ka pa rin?" Sinagot ko siya dahil imbes na magpasalamat siya, nagrereklamo pa siya!
"Sa susunod kasi kung uuwi ka, dami damihan mo na! Nagsama ka pa ng palamunin pansamantala!" Tumingin pa siya kay Lexi na nasa likuran ko. Nakakahiya talaga ang babaeng 'to! Hindi man lang ginalang ang bisita ko!
"Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita," mariin kong sabi.
"Hindi lang ikaw ang nagmamay-ari ng bahay na 'to, Rose. May hati rin dito ang ANAK ko!" Gusto ko nalang matawa sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya.
"Tama ka naman. Ako at ang anak mo lang. It means, hindi ka kasama. Kaya magpasalamat ka dahil kung wala ang anak mo, wala ka rin dito." Simula nung malaman ng mga magulang niya na buntis siya, ay pinalayas na siya sa kanila. Kaya rito na siya nakatira sa amin. Sa bahay ni lola na pinamana pa sa amin ni kuya.
![](https://img.wattpad.com/cover/298337054-288-k383523.jpg)
BINABASA MO ANG
Simbang Gabi (Occasion Series # 1)
RomanceAng Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan. Pero paano kung sa pamamagitan ng simbang gabi, mahanap mo ang taong mamahalin mo habang buhay.