05

682 19 0
                                    

Chapter 05

Ikalimang Araw ng Simbang Gabi

"Sumakit daw ang tyan mo kagabi, Tristan. Ayos ka na ba ngayon?" Tanong ni lola kay kuya na nakahiga lang ngayon sa sofa at payapang nanonood ng teleserye sa telebisyon.

Napatingin naman sa akin si kuya, hindi ata inaasahan ang naging rason ko kay lola nang mawala siya kagabi sa simbahan.

"Oo, La, medyo humihilab pa nga rin ngayon," sagot niya at napahawak pa sa tyan. Pinigilan ko pa nga ang matawa dahil ang panget niyang umarte.

"Ito ang gamot, apo, inumin mo." Inabutan siya ng gamot ni lola. Mas lalo ko tuloy pinigilan ang sarili ko na matawa dahil iinom siya ng gamot kahit hindi naman talaga masakit ang tyan niya.

Sinamaan niya pa ako ng tingin. "La, hindi pa nakain si kuya. Masama 'yon baka mas lalo lang sumakit ang tyan niya," pagrarason ko para lang mapigilan ang pag-inom niya ng gamot.

"Oh, siya, sige, ihahanda ko na muna ang umagahan natin." Sabi ni lola saka bumalik sa kusina.

"Buti nalang talaga at nandito ako. Anong gagawin mo kapag nawala ako? Kawawa ka," sabi ko sa kaniya ng mahina, iyong hindi maririnig ni lola.

"Salamat, ha? Ang ganda ng rason mo." Sarkastiko niyang sabi. Tingnan mo 'tong mokong 'to! Tinulungan na nga pero hindi man lang magpasalamat ng sinsero. Nasaan ang hustisya?

"Kuya, nakabili ka na ba ng regalo mo kay Lola?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain kami. Umakyat kasi muna si lola sandali sa taas para kuhanin 'yung vitamins niya.

"Mamaya palang kami magmomall ni Karen," sagot niya. Bakit ganoon? Nawawala ako sa mood sa tuwing binabanggit niya 'yung girlfriend niya. Nakakairita!

"Okay."

"Ikaw ba?" Tanong niya.

"Baka mamaya rin o bukas," sagot ko saka pa kumuha ng kanin.

"Takaw!" Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya nagpatinag. "Baka hindi ka na magustuhan nyan ni Noah." Pang-aasar niya pa.

"Tigilan mo nga ako sa pang-aasar sa akin kay Noah, kuya. Hindi ko naman boy-" napatigil ako nang maalala ang nangyari kagabi.

"You're jealous, aren't you?" Napaawang nalang ang labi ko nang tanungin ako ni Noah. Pauwi na kami at ihahatid niya ako.

"Hindi, 'no! Bakit naman ako magseselos?" Tanong ko, nakataas ang isang kilay. "At kanino ako naman magseselos?" Dagdag ko pa. Pero imbes na sumagot siya ay nagkibit-balikat lang siya saka ako nginitian.

Wow, anong trip niya?

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?" Tanong ko.

"Do you think?"

"Oo!" Malakas na sagot ko pero ngumiti na naman siya. "'Wag ka ngang ngumiti!" Inis na sabi ko.

"Bakit naman?" Mas lalo pang lumawak ang mga ngiti niya sa labi.

"Ewan ko sa 'yo." Nauna na akong maglakad sa kaniya. Bahala siya dyan! Nakakainis!

"Hey, I'm just kidding! 'Wag ka ng mapikon." Hinabol niya ako.

"'Wag mo na nga akong ihatid!" Mas binilisan ko pa ang lakad ko dahil naiinis ako sa kaniya. Pero agad din akong napahinto nang maramdamang hindi na siya sumusunod sa akin.

Nang lumingon ako ay nakatayo lang si Noah, malayo na sa akin. Nagkatitigan lang kami saka siya nagsalita. "Ang cute mo kapag nagseselos." Sabi niya.

"Hindi nga sabi ako nagseselos!"

"Saan ka nagseselos, apo?" Napatakip agad ako sa bibig ko nang bumalik sa katinuan. Anong nangyayari sa akin?

Napatingin din ako kay kuya nang malakas siyang tumawa. "La, 'yung apo niyo-" sinamaan ko agad siya ng tingin. "Dalaga na," pagpapatuloy niya naman.

Simbang Gabi (Occasion Series # 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon