06

618 17 0
                                    

Chapter 06

Ikaanim na Gabi ng Simbang Gabi

Nagising ulit ako ng mag-aalas tres at nakita si kuya na palabas na ng bahay. Gaya ng ginawa ko nung isang araw, sinundan ko ulit siya ngayon.

Tatawagin ko sana siya ngunit ang bilis niya na namang maglakad. Nakasakay na agad siya ng tricycle. Tama nga ba si Noah? May part time job nga ba si kuya? Saan naman kaya? Anong klaseng trabaho?

"Hi, miss," nagulat ako dahil isang lalaki ang lumapit sa akin. Hindi ko siya pinansin at naglakad nalang pabalik sa bahay. Pero... sinundan niya ako.

Nakaramdam ako ng kaba at takot habang tumitingin sa paligid ko. Wala akong nakikitang taong dumadaan. Paano kung kidnappin ako nito? Edi wala makakakita?

Napagdesiyunan kong tumawid sa kabilang kalsada ngunit sumunod din siya sa akin. Natatakot na ako kaya tumakbo ako. Pero lahat ng kilos ko ay ginagaya niya rin.

"Noah!" Sumigaw ako dahil malapit na ako sa tindahan kung saan nagbabantay si Noah pansamantala. Sana lang ay naroon siya at narinig ang pagtawag ko sa kaniya.

"Noah..." Muling pagtawag ko kasabay ng pagbagsak ko sa lupa dahil natalisod ako. Napapikit ako hindi lang dahil sa sakit na nakuha ko sa pagkatalisod kundi sa takot din. Tumulo tuloy ang luha ko.

"Rose?!" Agad akong napadilat nang marinig si Noah. Mas lalong bumuhos ang luha ko nang makita siya. Nilapitan niya agad ako nang may pag-aalala saka lumuhod at hinawakan ang pisngi ko.

"Are you okay? What happened?" Sunod-sunod na tanong ko.

Napayakap nalang ako sa kaniya at sa dibdib niya nagpatuloy na umiyak, natatakot at nanginginig. Akala ko kung ano na ang mangyayari sa akin.

"Tahan na, nandito na ako," tinapik tapik niya pa ang likod ko. "Tahan na, Rose, tahan na."

Umalis ako sa pagkakayakap saka tumingin sa kaniya. "May... sumusunod na lalaki sa 'kin kanina. Takot na takot ako, Noah." Patuloy ako sa pagtangis habang nagsusumbong sa kaniya.

Niyakap niya ulit ako at pinatahan. "A-Akala ko may mangyayari... ng masama sa 'kin." Pagpapatuloy ko.

"Shh, nandito na ako, you're safe with me." Sabi niya saka ko naramdaman ang halik niya sa noo ko.

"Inabutan ako ng isang basong tubig ni Noah. Nandito na kami sa loob ng tindahan na binabantayan niya.

"Are you okay now?" Tanong niya.

Pinaupo niya ako para lagyan ng yelo ang paa ko. Makirot nga kasi ito dahil sa pagkakatalisod ko kanina.

"Hm. Salamat, Noah," sabi ko.

"Hindi safe na lumabas ng ganitong oras, Rose. Kahit umaga na, madilim pa rin at delikado. And I know you're worried about your kuya. Pero please, 'wag mo na munang sundan ang kuya mo. If you want, tawagan mo ako, sasamahan kita." Mahabang sabi niya, sinesermunan ako.

"Curious lang kasi ako kung saan siya nagtatrabaho." Nakatungong sabi ko.

"I know. If you're really that curious, just ask him directly kesa naman ang mapahamak ka." Hindi agad ako nakasagot. "Do you understand me, Rose?" Para ko siyang tatay ngayon.

Tumang ako. "Hm."

"Tara na, ihahatid na kita para makapagpahinga ka na." Sabi niya at tumayo na. Inabot niya pa sa akin ang kamay niya, aalalayan akong tumayo.

"Pero hindi ko kayang maglakad," sabi ko, nakanguso.

"Ipapasan kita."

"Mabigat ako, e."

Simbang Gabi (Occasion Series # 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon