25

769 17 0
                                    

Chapter 25

"Huhu aalis na si Rose at ang future inaanak ko mamaya."

Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw pero nandito na sina Noah sa bahay at syempre si Gio na number one buraot sa mundo. Umaakto pang umiiyak, nagdadrama. Tsk.

Si Clarence naman ay wala, may trabaho. Baka mamaya pa 'yun makapunta after ng duty niya. Ewan ko lang kung makakahabol pa siya sa paghatid sa amin.

"Mamimiss ko kayo," yumakap pa siya kay Justin bago sa akin pero irita ko siyang tinulak palayo.

"Napakadrama mo!" Akala mo naman ay hindi ako babalik!

"Baka naman kapag bumalik ka after 10 years ulit?" Biro niya, natatawa. Binatukan tuloy siya ni Noah.

"Si Lexi ang 'di na babalik," sabi ko. Ngayong na-friendzoned siya, panigurado 'di na 'yon sasama sa akin pagbalik ko.

"Tito Gio, bakit hindi nalang kayong dalawa ni Tita Lexi? Parehas naman kayong single," sumingit bigla si Justin sa usapan namin. Buti nalang at tulog pa si Lexi. Kahit sina Karen at Rome ay tulog pa, eh.

"Uy, hindi kami talo, 'no!" Tanggi agad ni Gio at umiling iling pa, medyo nandidiri.

"He's too loyal to his ex," sabi naman ni Noah na nasa tabi ko.

"Ikaw din naman, ha!" Natawa tuloy kaming lahat sa naging sagot ni Gio.

"Mana ka sa 'kin," kumindat pa sa akin si Noah. Napailing lang tuloy ako.

Handa na ang mga maleta namin ni Lexi, samantalang malaking backpack lang ang kay Justin. Nakalagay na rin ito sa compartment ng sasakyan ni Noah para mamaya ay aalis nalang kami.

May balak pa nga silang gumala. Sa Moa pa ata kami kakain ng lunch mamaya. Pauso kasi nito ni Gio. Gusto niya pa nga sa Tagaytay pero mapapalayo pa kami sa airport.

Bago kami magpunta sa Moa, pumunta na muna kami ni Noah sa Memorial Park para dalawin sina Lola at Kuya.

I'm just wearing a black high waited jeans and mint green front buttons knit croptop partnered with my favorite white sneakers from nike. And to my first ever purchased expensive and branded bag chanel.

Pagkalapag namin ng dala naming bulaklak ni Noah para sa kanila at pagkatapos magsindi ng kandila, umupo ako sa harapan ng puntod nila.

Hinaplos ko pa ng kamay ko ang lapida ni Lola saka ni Kuya.

Ang sabi ko pa naman ay hindi na ako babalik... But here am I, visiting them again with... my man.

Napangiti ako saka napaangat ng tingin kay Noah na nakatayo sa gilid ko. He smiled back and seat beside me.

"I missed them so much," I whispered.

"And I know they're misses you too so much," Noah hold my hand.

Pinakilala ko si Noah kina Mama at Papa pati na rin kina Tito at Tita. Sinabi ko rin sa kanila lalo na kina Lola at Kuya na nililigawan ulit ako ni Noah.

Alam kong magiging masaya sila at susuportahan ako sa kung ano man ang maging desisyon ko sa buhay. Alam kong malaki ang tiwala nila sa akin.

"Sakay tayong anchors away, Mom!" Hindi pa man din kami nakakakain sa buffet na kakainan namin dito sa Moa ay nagyayakad na agad 'tong batang 'to na sumakay ng mga rides.

Kanina pa nga sila ni Gio nagkakasundo. Pinag-uusapan na nila kung ano-ano ang mga rides na sasakyan nila.

Nasa van pa lang kami na pagmamay-ari ni Noah kanina ay ang iingay nilang dalawa. 'Yung gustong matulog ay hindi makatulog dahil sa ingay nila.

Simbang Gabi (Occasion Series # 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon