Chapter 17
"Kumapit kang mabuti sa Tita Lexi mo, Rome. Madaming tao, baka mawala ka pa," sabi ko sa pamangkin ko bago kami bumaba ng sasakyan. Nandito na kami sa may Acienda sa may bandang Silang, Cavite.
"Opo, Tita," sagot niya naman.
"Ba't kaya hindi tayo mag skyranch mamaya?" Sabi ni Lexi habang naglalakad kami papunta sa isang store outlet.
"Ano naman ang gagawin natin do'n?"
"Sasakay ng rides, malamang!"
"Hindi na tayo mga bata, Lexi." Napailing pa ako.
"Bakit? Pang bata lang ba ang mga rides? Tsaka ipasyal mo naman 'tong pamangkin mo."
"Hindi pa ba 'to pasyal?" Inis na sabi ko.
"Syempre 'yung mag-eenjoy siya."
"Bahala na kung makadaan. Traffic. Magsisimba pa tayo mamaya." Nauna na akong pumasok sa Crocs dahil may gusto akong bilhin dito matagal na. Hindi lang ako makabili dahil palaging out of stock.
Bumili rin si Lexi ng Crocs at mga Jibbitz. Magkaiba lang kami ng kulay na binili. Masarap kasi isuot ang Crocs sa paa, komportable. Lalo na kapag galing kami sa trabaho at magdamag na naka heels.
Pumasok din kami sa Mango at Terranova. Nakabili lang kami ng mga tops, pants, lalo na ang mga longsleeves, jackets, o mga coats na magagamit namin kapag may layover kami.
"May gusto ka bang bilhin, Rome?" Narinig kong tinanong ni Lexi ang pamangkin ko. Nandito naman kami ngayon sa Addidas.
"Wala po, Tita," sagot ng pamangkin ko habang nakaupo sa sofa, tahimik lang. Nagsusukat kasi si Lexi ng sapatos sa tabi niya samantalang ako ay nagtitingin tingin ng pwedeng mabiling sapatos. Hindi naman ako gano'n kalayo sa kanila kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila.
"Sure ka ba? 'Wag ka ng mahiya sa 'kin, ibibili kita. Marami akong pera." Natawa ako sa sinabi ni Lexi. Buti nalang talaga at nakatalikod sila sa aking dalawa.
"Thank you po, Tita, pero hindi ko naman po kailangan ng bagong sapatos." Pagtanggi agad ng pamangkin ko.
"Bibilhin mo lahat 'yan?" Nagulat si Lexi sa tatlong pares ng sapatos na nasa tabi ko, nakalagay na sa box at babayaran nalang.
My forehead frowned. "Oo, bakit?"
"Ang dami naman ata?"
"Ikaw ba ang magbabayad?" Pinagtaasan ko pa siya ng kilay. Walang masama if I will spoil myself. Pera ko ito at pinaghirapan ko kaya deserve kong bumili ng mga gusto ko. Tsaka, isa ito sa hindi ko nagagawa noon, ang buying expensive things.
"Sabay mo 'tong akin. Ilibre mo na ulit ako," nginitian niya pa ako. Tsk.
"I'm not your sugar mommy, Lexi."
"Yes, you are!" Napailing nalang ako. Nababaliw na ata siya. Pero sa huli, ako rin ang nagbayad ng sapatos na gusto niya. Napakabudol!
Habang naglalakad kami at tumitingin sa mga store o outlet na papasukan pa namin ay bigla akong siniko ni Lexi. Napatingin ako sa kaniya nang may pagtatanong. Tinuro niya naman 'yung store ng mga laruan gamit 'yung nguso niya kaya nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin.
Inirapan ko lang siya saka pumasok sa Guess. Bumili lang ako ng dalawang fitted skirt. Same design but different color. Ang cute kasi. At dahil hindi ako makapili kung anong color ang bibilhin ko, binili ko nalang parehas.
Hindi na ako nagtagal at lumabas na rin ako. Hindi kasi sumunod sina Lexi at 'yung pamangkin ko nang pumasok ako rito.
Nasaan na ba ang mga 'yon?
![](https://img.wattpad.com/cover/298337054-288-k383523.jpg)
BINABASA MO ANG
Simbang Gabi (Occasion Series # 1)
RomansaAng Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan. Pero paano kung sa pamamagitan ng simbang gabi, mahanap mo ang taong mamahalin mo habang buhay.