12

645 15 0
                                    

Chapter 12

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang unang beses kong makita ang anak ni kuya kay Karen. Hindi ko alam kung saya o poot ba itong nararamdaman ko.

"Welcome... to the world, baby Rome."

Tiningnan ko ng diretso ang sanggol. Isa siyang biyaya para sa mga magulang niya. Pero para kay Lola ay isa siyang kasalanan. At para sa akin, isa siyang sumpa. Dahil simula nung dumating siya ay may nawala at ang daming nagbago sa buhay namin.

"Omg, ang cute! Anong name niya?" Masayang tanong ni Gracen nang makita 'yung picture ng pamangkin ko sa cellphone ko. Picturan ko raw kasi para makita niya.

"Rome," maikling sagot ko.

"Baka naman gusto mong buoin, Rose! Ibibigay mo first name lang?!" Inirapan niya pa ako. Tsk.

"Malay ko namang full name pala ang hinihingi mo!" Napairap din ako.

"Eh, ano nga ang full name?"

"Tristan Rome II Ybañez," sagot ko naman sa tanong niya.

"Wow!  Tinamad atang mag-isip ng pangalan 'yang kuya mo, ha!" Natatawang sabi niya.

"Hayaan mo, anak naman niya 'yon."

"Eh, ba't parang bitter ka? Gaga, pamangkin mo 'yon!" Siniko niya pa ako. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin dahil muntikan ng mahulog 'yung isang kwek-kwek ko. Sayang din 'yon kung sakaling mahulog.

"Hindi ako bitter," saad ko.

"'Wag ako, Rose! Alam kong may poot ka roon sa bata." Sabi niya, pinagpipilitan na ayoko roon sa pamangkin ko. "Pero tandaan mo, Rose, walang kasalanan 'yung bata. Napaka-inosente pa n'on."

"Alam ko naman 'yon, Gracen... Siguro, naghahanap lang talaga ako ng masisisi." Hindi ko pa nga rin siguro tanggap ang pagkawala ni Lola kaya hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako ng masisisi.

To: Noah
Maliligo na ako.

Nagtext ako kay Noah na maliligo lang ako bago kami umalis. Kakain kasi kami sa labas dahil monthsary namin ngayon. Nakakatuwa nga dahil ilang buwan nalang din ay mag-aaniversary na kami.

"Rose, pasuyo naman, oh! Pabantayan muna saglit si baby." Paalis na ako nang harangin ako bigla ni Kuya.

"Kuya, aalis ako." Sabi ko. Nakaharang siya sa akin habang hawak-hawak ang anak niya, umiiyak.

"Saglit lang, Rose. Naabusan kasi ng gatas si baby. Bibili lang ako!" Binibigay niya sa akin ang anak niya pero ayokong kuhanin ito.

"Nasa'n ba si Karen?" Takang tanong ko at hinanap pa ito sa paligid.

"Umalis, eh." Napairap ako.

"Umalis?! Hindi na kamo siya dalaga para gumala pa nang gumala! May anak pa kamo siyang padedehin!"

"Sandali lang ako talaga, Rose. Please." Binigay niya na sa akin ang umiiyak niyang anak saka nagtatatakbo palabas ng bahay para bumili ng gatas.

"Tumahan ka nga." Inis kong sabi sa sanggol pero patuloy pa rin siya pag-iyak, nakakarindi na!

Ano ang gagawin ko? Wala naman akong alam sa mga ganito!

Hinele ko nalang siya pero wala ring nangyari. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Nagwawala pa nga, eh!

"Shh, padating na ang Papa mo. Makakadede ka rin." Sabi ko habang hinele pa rin siya. Akala mo naman ay maiintindihan niya ako.

Ito pala ang unang beses na nakarga ko ang anak ni kuya. Hindi naman sa ayaw nilang ipakarga ito sa akin, kundi ayoko lang. Dahil ayoko.

Simbang Gabi (Occasion Series # 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon