Chapter 2
Ikadalawang Gabi ng Simbang Gabi
"Kuya, bakit ngayon ka lang?" Alas kwatro na ng madaling araw nang dumating si kuya. Halos nakatulog na rin ako kakahintay sa kaniya. Nagising lang ako nung tawagan niya ako para makapasok siya nang hindi nalalaman ni lola. Buti na nga lang din ay palaging mahimbing ang tulog ni lola.
"Matulog ka na. Mamaya nalang tayo mag-usap," pagod na sabi niya at umakyat na rin sa taas.
Kinaumagahan, nang bumaba ako ay nagsisimula ng kumain si kuya ng breakfast. Nang maupo ako sa tapat niya ay hindi niya man lang ako tiningnan o batiin man lang.
"Kuya-"
"Pasensya ka na kagabi. Pagod lang ako," sabi niya, inangat na ang tingin sa akin.
"Okay lang. Naiintindihan ko naman." Ngayon lang ata ako nakaramdam ng awkwardness sa pagitan naming dalawa.
Maagang umalis si lola dahil tinulungan niya 'yung kaibigan niya na magluto ng handa sa apo nito. Birthday kasi. Hindi na rin ako sumama at tumulong dahil antok pa talaga ako.
Christmas party din namin ngayon pero mas pinili ko nalang na hindi umattend. Wala naman kasi akong kaibigan at hindi naman ako mahilig sa mga ganoon. Ma-OOP lang ako.
"Anong regalo mo kay Lola sa pasko?" Kung hindi pa nagsalita si kuya ay manunuyo na ang laway ko rito. Siya lang ang nagtanggal ng awkwardness namin sa isa't isa.
"Hindi ko pa alam, e. Ikaw ba?" Balik ko sa kaniya.
Napaisip naman siya. "Baka sapatos nalang. Pang simba niya."
"Ay, oo, sira na kasi ang sapatos na pang simba ni Lola. Saan ka naman bibili, kuya? Sama ako!" Sabi ko, naeexcite. Mahilig pa naman ako sa mga ganito. Bibili ng mga regalo tapos ako mismo ang magbabalot.
"Sa mall ako bibili. Pupunta kami ni Karen sa mall bukas. Sama-"
"Hindi na pala ako sasama. May gagawin pa pala ako bukas," pagputol ko sa kaniya. Gusto ko mang sumama dahil minsan lang naman ako makapunta sa mall ngunit mas pipiliin ko nalang na manatili sa bahay kesa ang makasama si Karen.
"Damit nalang ang iregalo mo kay Lola para may maisuot s'yang bago sa pasko," suggest niya.
"Sige, maghahanap ako sa palengke!" Sa tuwing namamalengke kasi si lola, palaging kaming may pasalubong ni kuya na bagong damit o sapatos. Hindi niya kami nakakakalimutan palagi na ibili. Kahit wala siya basta lang ay mayroon kaming mga apo niya.
Pagkatapos ko maghugas ng pinggan ay naligo na agad ako. Pupunta kasi kami ngayon ni kuya sa school namin. Kukuhanin namin ang mga card namin. Hindi na namin sinama pa si lola dahil busy nga siya. Pwede naman daw na kami nalang ang kumuha.
"May line of 7 ka, kuya?" Napatingin ako sa kaniya nang makitang may isa siyang line of 7.
"Bakit? Pasado naman ang 78, ha!" Sabi niya, ginulo pa ang buhok ko.
"Pero-"
"Wow! Lahat line of 9! Ang galing naman!" Pinutol niya ako. Pero hindi ko na pinansin 'yon dahil manghang mangha siya sa grades ko ngayon. First time ko lang kasi na maka line of 9 sa lahat ng subjects. Palagi kasing line of 8 ang grade ko sa math dahil hirap talaga ako sa subject na ito. Kaya math palagi ang panira sa card ko. Kaya nakakaproud lang. Sa wakas, naka line of 9 din ako sa math!
"Anong gusto mong reward?" Sabi ni kuya, masaya para sa akin.
"Bawiin mo lang ang mababa mong grade ay okay na sa 'kin, kuya." Sabi ko. 1st year college na dapat si kuya ngayon. Ngunit dahil sa girlfriend niya, umulit na naman siya ng 4th year high school. Kahit kailan ay ayoko na talaga sa babaeng 'yon. Hindi maganda ang impluwensya niya sa kuya ko!
![](https://img.wattpad.com/cover/298337054-288-k383523.jpg)
BINABASA MO ANG
Simbang Gabi (Occasion Series # 1)
RomanceAng Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan. Pero paano kung sa pamamagitan ng simbang gabi, mahanap mo ang taong mamahalin mo habang buhay.