Chapter 16
"Tita, tita!" Nagising ako nang may tumawag sa akin at niyugyog pa ako nito sa balikat.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang pamangkin ko sa gilid ko, si Rome.
"Oh, bakit?" Inis akong tumalikod sa kaniya saka nagtaklubong ng kumot, inaantok pa. Masyado pang maaga para gumising!
"I'm hungry." Kinulibit niya pa ako.
"Bakit mo sa 'kin sinasabi? Magpaluto ka sa Mama mo!"
"She's not here."
"Baka namelengke lang 'yon. Hintayin mo nalang." Antok pa talaga ako dahil hindi na naman ako pinatulog ni Gracen. Buong magdamag ata kaming magkavideo call.
"Hayaan mo muna siya matulog, baby Rome. Halika, ipagluluto kita sa baba." Buti nalang talaga at nandito si Lexi. Niyakad niya na ang pamangkin ko sa baba at hindi na ako ginambala pa.
Nasaan ba kasi pumunta 'tong si Karen at iniwan ang anak niya ng wala man lang pagkain?!
From: Karen
Ikaw na muna ang bahala sa anak ko. May pupuntahan lang ako.Napasapo ako sa noo ko nang mabasa ang text ni Karen. Ano ako yaya? Bakit hindi niya nalang sinama ang anak niya? Parang kahapon lang ayaw niya akong palapitin sa bata. Tapos ngayon iiwan niya pa sa akin ang anak niya. Tsk.
Aalis pa naman kami ni Lexi ngayon! Pupunta kami sa Tagaytay. Ano isasama pa namin si Rome? Ang hirap-hirap nang may kasamang bata! Madami pa namang tao ngayon sa mga mall dahil magpapasko.
"Where are we going, Tita?" Tanong sa akin ng pamangkin ko.
"We're going to Tagaytay! Are you excited?" si Lexi ang sumagot.
"But I have to go in school today."
"Bakit? 'Di ba bakasyon n'yo na?" Takang tanong ko.
"Today is our christmas party, Tita." Mas lalo akong napaso sa noo ko. Bakit hindi man lang sinabi ni Karen? Bigla-bigla niya nalang iniiwan sa amin ang anak niya!
"Okay, then. Ihahatid ka na muna namin sa school mo at si Mama mo nalang ang magsusundo sa 'yo. Okay ba 'yon?" Sabi ko.
Umiling naman siya. "But Mama said, she'll go home at night."
"Saan ba kasi pumunta ang Mama mo at hindi ka isinama?" Inis na sabi ko.
"Rose." Sinaway agad ako ni Lexi.
"Dumalaw siya kay Papa po." Biglang sabi niya. "Ngayon po kasi ang anniversary nila." Nagkatinginan kami ni Lexi. Hindi ko alam ang patungkol doon. December din pala nung naging sila ni kuya. Hindi ko alam.
"Anniversary nga nila. Pero bakit aabutin pa siya ng gabi sa sementeryo?" Reklamo ko kay Lexi habang naliligo ang pamangkin ko.
"Hayaan mo na. Hindi madali ang mawalan ng asawa." Pagpapaintindi niya naman sa akin.
Rome was in 4th grade in grade school. He was a smart, calm and soft kid. Hindi siya katulad nung ibang mga bata na maingay o palaaway. Para siyang matanda na at alam na ang mga nangyayari sa paligid niya. Pero may pagkamadaldal pa rin siya katulad ni kuya.
"After your christmas party, we are going to Tagaytay. So, behave yourself and be quiet, okay? Magsasalita ka lang kapag tinatanong kita. Naiintindihan mo ba ako, Rome?" Bago kami umalis ay pinagsabihan ko muna siya. Ayoko ng makulit. Makulit na nga si Lexi, dadagdag pa siya.
"Opo, Tita," nakatungong sagot niya.
Rome was studying in private school. Ako ang nagpapaaral sa kaniya. And as her tita, may pera naman ako kaya sa private school ko siya napapag-aral. Kahit sabihin nating naiinis ako sa presensya niya, pamangkin ko pa rin siya at may obligasyon din ako sa kaniya. Hindi ako nakapag-aral sa private school kahit isang beses kaya simula nung mag-aral siya, pinili kong pag-aralin siya sa private school dahil ako naman ang nagpapaaral sa kaniya at kaya ko naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/298337054-288-k383523.jpg)
BINABASA MO ANG
Simbang Gabi (Occasion Series # 1)
Lãng mạnAng Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan. Pero paano kung sa pamamagitan ng simbang gabi, mahanap mo ang taong mamahalin mo habang buhay.