Chapter 15
Present
I wake up with a smile on my face. I even stretched my body as the sun shone through my window.
I woke up early today because I have a flight at 10 am. I'll have a long flight today.
I do some yogas and my 10 minutes workout everyday. Pagkatapos ay naghiwala lang ako ng mga prutas as my breakfast.
Pero napairap ako nang biglang may magdoorbell. And I already know what it is, food.
'Good morning. Eat your breakfast :))'
- CJS
After reading the sticky note, I crumpled it and threw it in the nearest garbage can I could find inside my condo. Napairap pa ako at napailing bago napagdesisyunan na maligo na. Malelate na ako!
"See you when I see you. Mamimiss kita, Rose!" Iyon agad ang bungad ni Lexi sa akin pagkarating ko ng headquarters namin. Hindi kami parehas ng flight ngayon. International ang flight ko ngayon samantalang siya ay domestic flight lamang.
Pero ilang araw lang din naman ay nagkita na ulit kami. Nandito nga siya ngayon sa condo ko para tulungan ako mag-impake. Ang sabi ko ay hindi na kailangan pero paladesisyon siya.
Bago pa nga siya pumunta rito ay may nakaaway pa raw siya sa parking lot sa baba. Inagawan daw kasi siya ng parking kaya inaway niya. Palaaway din kasi ang babaeng 'to!
Nagpumilit pa nga siyang sumama sa akin sa Cavite. Kaya ang ending, kasama ko siyang umuwi. Nagrent lang din kami ng kotse para may magamit kami habang nandito kami sa Cavite ng halos dalawang linggo. Mahirap kasing magcommute lalo na kapag may kasama kang maarte.
"Simbang gabi na pala mamaya. Sisimba ka?" Tanong ni Lexi sa akin habang inaayos ko ang mga damit ko sa cabinet. Tinitingnan ko 'yung mga dati kong damit na pwede ko pang magamit ngayon kahit pang bahay lang.
Sampung taon akong hindi umuwi rito sa Cavite. Halos lahat ay masisikip na sa akin. Wala na nga atang kasya.
"Bahala na," sagot ko. Pupunta rin kasi kami mamaya sa mall dahil nag-aaya siya na igala ko siya rito. Alam niya kasing dito ako lumaki. Pero ilang beses na rin naman siya nakakapunta rito sa Cavite. Pagkukwento niya lang. Tsaka kung maaga man kami makauwi mamaya, siguro ay makakasimba ako.
"Bahala na pero gusto?"
"Sinasabi mo?"
"Gusto mong magsimba para makita siya o ayaw mong magsimba dahil may iniiwasan ka?"
Nakatalikod ako kay Lexi pero napaharap ako sa kaniya.
I glared at her. "Kung magsisimba man ako, eh para 'yon sa paglilingkod ko kay Lord at hindi para magpapansin sa ex ko." Sabi ko sa kaniya at iiling iling na tumalikod ulit.
"Pwede naman both, 'di ba?" Humalakhak pa siya.
"Ewan ko sa 'yo, Lexi."
"Pero infairness ang gwapo ng ex mo, 'no? Tapos ang tangkad pa!" Nakaupo na ako sa sahig ngayon nang magsalita ulit siya habang nag-aayos pa rin ng mga damit. Nakitabi na rin siya sa akin. Kanina kasi ay nakadapa siya sa kama.
"Paano mo 'yon napasagot?" Tanong niya pa. Kumunot tuloy ang noo ko sa naging tanong niya.
"Anong ako? Siya ang unang nagkagusto sa 'kin. Love at first sight pa nga, eh!" Pagyayabang ko. Kasi 'yon naman ang totoo. Si Noah naman talaga ang unang nagkagusto sa akin!
BINABASA MO ANG
Simbang Gabi (Occasion Series # 1)
RomanceAng Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan. Pero paano kung sa pamamagitan ng simbang gabi, mahanap mo ang taong mamahalin mo habang buhay.