Chapter 8: May Sakit si Jen (Part 2)

16 0 0
                                    

Kakagising ni Jen at masakit ang buong katawan nya. Mula sa ulo hanggang sa kuko ng hinliliit na daliri nya sa paa. Nabangga nya kase yun, wag nyo nang alamen.

Anyways😂, maagang umalis ang Dad ni Jen at medyo naaalala nya na nag ba-bye sya. Pero di nya talaga sure kung totoo yun or nananaginip lang sya😂

Nakatulala si Jen sa orasan at tinitignan kung late na ba sya sa klase or maaga pa. Madilim sa kwarto nya kaya di nya sure kung am ba yun or pm.

Di nagtagl, nalimutan na nya kung bakit sya tumitingin sa orasan at bigla nyang napansin ang cellphone nya na maingay.

"Hello???" paos ang boses nya at sumasakit ang lalamunan.

Di sya makapgpokus sa kausap nya kaya nagsabi na lang sya ng kung ano.

"Hmmmm??? Uloooo..."

Di nya pa rin naiintindihan yung kausap nya. Naiirita na si Jen kase di na nya alam nangyayare.

"Masakeeeeet huhu😭 ang ingay mo, wag mo kong kausapeeennnnn," binaba na nya ang tawag at saka humiga.

Di nagtagal, nananaginip si Jen na nagpupukpok ang hukom gamit nung martilyo sa hukuman. Nagising sya at napansing yung pintuan pala nila yun.

Pinuntahan nya ito na may dalang kumot.

*\knock knock

Binuksan nya yung pinto sabay sabing, "Who's there?"

Nagtinginan si Jia at Josh at sabay na bumalik ang tingin kay Jen, "Kame," sabay nilang sabi sa kanya.

"Kame whoo???" makikita sa muka ni Jen na mukang di pa talaga sya gising.

"Bespren, anong kamehu? kameha yun, kame-hame-haaaaaa... Ok???"

"Ooooookkkkkk..."

Nagtawanan si Josh at Jia kase alam nilang mauuto nila si Jen sa dahil sa kalagayan nya

Message Me, "I Love You"Where stories live. Discover now