Pagkapasok na pagkapasok nila Jen at Jia, bumungad sa kanila ang may sakit na si Josh.
"Oh, anyare sayo?" inosenteng tanong ni Jen.
"😒'Ba, itanong mo pa saken. Meron kase yung may saket, lumingkis saken🙄"
"Luh, sinoo???"
😑 Nagtinginan silang dalawa kay Jen.
"Oh eh ba't mukang kasalanan ko pa???"
"Oh eh ba't parang ikaw pa yung biktima dito?" sagot naman ni Josh.
"Haha andaldal nyo ke-aga-aga..." sabi naman ni Jia.
"Ano nang gagawin mo kay Red?" tanong ni Josh kay Jen.
"Anong gagawin ko sa kanya?🤨" tanong naman ni Jen.
"Yung sa tanong nya ah bespren, papaligaw ka ba?" tanong naman ni Jia.
"Ummm... Aahhh... Hmmm...😥 Di ko din alammmm😭"
"Baka gusto mong daliang magdesisyon kung anong gagawen kase ayan na sya oh, padating na."
Lumingo sila Jen sa may bandang pinto at nakitang papapasok na si Red.
"Uy bespren itago mo ko!😰"
"San bespren? Sa palda ko?🤨"
"Ha???" napansin ni Jen na pumasok na si Red, "Haluh basta patago!"
"Oi bespren! Hala sya-"
"Hi," biglaang sulpot naman ni Red.
"Ah- Hello haha😅 May kailangan ka?" pasimpleng sabi ni Jia habang nagtatago si Jen sa palda nya.
Wag kayong mag alala, tagong tago din naman si Jen ng arm chair haha.
"Nakita nyo ba si Jen??? Parang naalimpungatan ko sya dito banda eh."
"Ah? Si Jen? Haluh wala sya dito, guni-guni mo lang siguro, oo☺️"
"Ah ganun ba??? Asan sya???"
"Aba malay ko... Check mo sa bag ko, baka nalimutan ko syang ilabas dun hehe😁"
"🤨" muka ni Red na di nakikipag biruan pero napagtripan ni Jia nang malala.
"Baka nandyan lang sa paligid ligid, hanapin mo na lang," sagot naman ni Josh nang... medyo matino(?)😅😂
Tumango na lang si Red at umalis na.
"Wala na ba sya???" bulong ni Jen sa loob ng palda ni Jia.
Inalis na ni Jia si Jen sa palda nya.
"Oo, wala na sya. Nagbibiro lang naman ako, di ko namang akalain magtago ka naman talaga dyan sa palda ko🤦🏻♀️"
"AHAHHAHAHAH Deserve /*cough /*cough" pang aasar ni Josh.
"WAHAHAHHHA Deserve mo din yan, adik." banat naman ni Jia.
YOU ARE READING
Message Me, "I Love You"
Historia CortaAng kwento na 'to ay tungkol sa isang high school student na nagngangalang Jen. A girl with a simple life, simple friends, and na nakaka-experience ng mga common things na na-e-experience ng mga high school students. Until one day, Jen received a l...