Kinabukasan, ineexpect na ni Jen na may mahuhulog na naman sa locker nya na letter at yun nga ang nangyari.
Pumunta sya kina Josh at Jia na nag aabang sa upuan nya.
Binuksan na ni Jen ang letter at nagsimulang basahin ulit ito para sa kanila.
"E-ehem ehem ito na," pagtikhim ni Jen.
"Adik na drama epeks bespren, atat na kame ni Juswa."
"Juswa ka ng Juswa dyan, Joshua kase yun. Baket, Juniper ba tawag mo kay Jen???" reklamo naman ni Josh.
"Hinde," sagot naman ni Jia, "Bespren kase tawag ko dyan, di mo ba narinig kani-kanina lang na-"
"Dear Crush!!!" pagputol ni Jen sa usapan nila.
Nagtinginan silang tatlo sa isa't isa at narealize na masyadong malakas boses ni Jen, kaya pinaupo nila sya sa sahig at doon nagbasa si Jen.
"Anyways haha," pagtuloy ni Jen, "Dear Crush, baka napansin mo na na galing sa net yung first letter ko para sa'yo."
"Ahy oh??? Di ako updated sa mga uso... Di ko nanotice😅😂" banggit ni Jia.
"Kahit na mukang insincere yung letter na yun, wala pa ding nagbabago sa pagtingin ko sayo... Kase lagi kitang tinititigan."
"Wahahahahhaha stalker yarn"
"Gusto ko nang lumapit sayo, sa totoo lang. Pero pano kung madulas pa ako, masabi kong ikaw talaga yung gusto ko?"
"Punasan naten sahig para walang madudulas."
"Alam kong never in your life na manonotice mo ako, kaya nagpapapansin ako sayo gamit ng lumang method na 'toh."
"Sad boi😂"
"Ang harsh naman, Jia." pagtanggol ni Josh sa sulat.
"Ikaw ang dahilan kung bakit ako pumapasok, bukod sa baon, pero ayun nga."
"Luh, babanat na nga lang, binawi pa 😂😂😂" sarcasm all the way para kay Jia.
"Sana mapansin mo na ako. Mula sa iyong future ka-ibigan, Jasper (The Friedly Ghost)"
"Hayst, pagka yan naunahan ng iba, iyak ang bagsak nyan. Ayaw pa kaseng magpakilala nang seryoso eh tsk tsk" tumayo na si Jia sa upuan ni Jen at umupo sa armdesk.
"Malay mo naman play safe. Ikaw nga di ka makaamin kay Jace na crush mo sya eh." banat naman ni Josh.
"Luh! Pano mo nalaman yuuunn???"
"Secret~"
Umupo na si Jen sa upuan nya at pinapakinggan na lang ang banatan nina Josh at Jia nang biglang dumating si Red na parang nag-aalangan.
"Jen..." umiiwas ng tingin si Red.
Nagtataka ang tatlo at tinitigan lang sya.
"Mmm???" sagot naman ni Jen.
"Ah.... Pede ka ba mamayang uwian??? May..." huminto si Red.
"May...?" tanong naman ni Jen.
"May... Mag- ahhh... May gusto lang sana akong sabihin sayo... Kung ayos lang?"
"Ahhh... Hmmm... Siiigeeehhh(?)"
Tumango si Red at saka umalis.
Nagtinginan ang tatlo sa isa't isa, sabay pagkibit ng balikat.
YOU ARE READING
Message Me, "I Love You"
Kısa HikayeAng kwento na 'to ay tungkol sa isang high school student na nagngangalang Jen. A girl with a simple life, simple friends, and na nakaka-experience ng mga common things na na-e-experience ng mga high school students. Until one day, Jen received a l...