PE na ng klase nila Jen at nagwarm up sila sa court para makapaglaro ng badminton.
Naka by twos na ang upuan nila kaya sabi ni sir na yun na daw ang pair nila for warm up and sa laro.
1... 2... 3... 4... 1... 2... 3...
Mga number na paulit ulit na binubulong nang buong klase na parang mga bubuyog.
Pair ni Jen si Josh habang nachambahan ni Jia na maging kapair si Jace kase parehas na wala yung katabi nila.
"Oh, ikaw na naman?" panlolokong tanong ni Jace kay Jia.
"Baket mo kase pinuyat katabi mo? Sakin tuloy hulog mo..."
"Kelan?"
"Ha???"
"Kelan ako nahulog sayo?"
"Nahulog ka saken???"
"Ha???"
"Ano???"
"Yung nag usap kayo pero parehas kayong lutang..." sabi nung katabi nilang nagstre-streching.
"HAHAHAHA Lagut-lagutan kung tayo talaga magkatabi😆" sabi ni Jia kay Jace.
"Oo nga HAHAHAHA Tambalan ng mga lutang😂 Yung tipong pag may inannounce, sabay pa tayong magtanong ng 'ano daw?'😆😆😆"
Tapos na sa stretching sila Jen at Josh. Napansin ni Jen na nagtatawanan sina Jace at Jia.
"Uy... Tignan mo yun..." Pagturo ni Jen kina Jia at Jace gamit ng bibig at mata para hindi halata.
"Ang sweet nila noh???" bigkas naman ni Josh.
"Haha... Oo nga... Ang sweet nila..."
"Oo nga hahaha... Sana tayo den"
"Ha?"
"Ha? Ano? baket?"
"May sinabi ka eh, ano yun???"
"Ha? Sabi ko sana laro na lang naten penpendesarapen... Mas madali pa yah."
"😆 Bakit, di ka marunong badminton???"
"Ha! Sa sobrang galing ko, nabored na akong magbadminton... So basic😂"
YOU ARE READING
Message Me, "I Love You"
NouvellesAng kwento na 'to ay tungkol sa isang high school student na nagngangalang Jen. A girl with a simple life, simple friends, and na nakaka-experience ng mga common things na na-e-experience ng mga high school students. Until one day, Jen received a l...