Chapter 10: May Sakit si Jen (Part 4)

13 1 0
                                    

Hindi na nila pinilit pakainin si Jen kaya pinahiga na lang nila sya sa kwarto nya, at dun na lang nagbantay si Josh habang naghuhugas si Jia.

Umupo lang sa sahig si Josh habang binabantayan si Jen.

Lumingon si Jen sa kung saan nakaupo si Josh, at tinitigan lang nya sya.

"Ummm... Baket???" tanong ni Josh pero di sya sinasagot ni Jen.

Bigla na lang bumangon si Jen dala dala ang kumot nya at biglang kumandong kay Josh.

"U-uy, ginagawa mooo???" hindi alam ni Josh ang gagawin nya kaya iningatan na lang nya si Jen para di masaktan.

Biglang nagpabigat si Jen at ginawang kutson si Josh.

"Hoy! Ba't sakeeen??? Sa higaan ka matulog!!!😭"

Nakatulog na si Jen pero walang lakas ng loob gumalaw si Josh kase baka magising si Jen at iyakan na naman sya.

Medyo mainit init pa din si Jen... niyakap sya ni Josh para di sya maglikot na matulog at di malaglag.

'Pfft- ambango ni Jen ket walang ligo😆... 😐😱 Hoy Josh, ammanyak grabeee'

Sinampal ni Josh ang sarili nya dahil sa mga inner thoughts nya.

'Kung ano-anong iniisip mo😖 Wag mong malaglag yang si Jen, makakatikim ka ng sapak kay Jia😒'

Medyo matagal na pero wala pa din si Jia.

'Jiaaaaa!!! Apakalaki naman ng tiwala mo sakeng bantayan si Jen😭😭😭 Isa pa 'tong si Jennnn!!! Di ba 'ko nagmumukang lalakeeee sanyo?😭'

Habang namamatay na ang kokonting sanity na natira kay Josh, dumating na sa wakas si Jia.

"Huy! Ano yan??? Anong ginawa mo???"

"Oh, ako na naman, ako na naman? Ba't kase ako pinagbantay mo dito?"

"Di ka kase naghugas😒"

"Eh di ka kase nagbantayy!!"

"Eh di ka nga naghugasss!!!"

"Ang ingay mo! Gusto mo bang magising toh?"

"Ahy, sorry na! Ang ano mo kase eh😤"

"Tulungan mo na akong ibalik toh sa kama nya ah."

"Ahy, teka."

Message Me, "I Love You"Where stories live. Discover now