Chapter 11

4 0 0
                                    

Chapter 11

Naging mapayapa naman ang byahe, sa tingin ni Kaylene.

Dahil madami sila sa sasakyan at nagmamaneho naman si Saturn wala din silang pagkakataon para mag-usap. O, hindi naman sila naging obligado mag-usap.

Medyo matagal din silang tinanong ng kung ano-ano ng papa ni Grace bago sila pinakawalan. Basta daw hindi ito mag-oovernight at kailangan nasa bahay na bago mag-ala syete ng gabi. Alas dos y media na at mabuti na lang nasundo na nila ang iba pa bago dito kaya didiretso na sila sa resort.

Alas tres y media ng hapon sila nakarating doon.

Mumurahing resort lang naman 'yon pero dahil estudyante pa lang malaki na din ang impact nun sa ipon ni Kaylene. Okay lang. Minsan lang naman.

Si Saturn ang nagpaluwal ng para sa entrance fee nilang lahat para sa resort. Sisiguraduhin n'yang mababalik ang pinaluwal nito mamaya pagkatapos ng ambagan.

Sure kasi si Kaylene na sariling pera ni Saturn iyon. Nalaman n'yang tumatao pala ito bilang gasoline boy sa isang gasolinahan na pag-aari ng ama tuwing weekends. Not really the kind of rich boy she judged, huh.

Medyo nawala sa mood si Kaylene nang mamataan si Marcus at Aaron. Invited nga din pala ang mga ito dahil barkada pa din naman ito ni Saturn. Nandun din sina Benedict, Raphael, Gabriel, Lemuel, Benjamin, at David. Hindi niya gaanong ka-close ang mga ito pero ang iba naman ay naging kaklase niya na noon.

Kasama rin nila ang mga boyfriend ng kan'yang mga kaibigan.

Ipinagkibit-balikat niya na iyon kaso lang parang may dumagan sa dibdib niya nang makita ang bagong dating. Kulay cream ang hanggang tuhod na dress na si Ysabelle. Maganda din ang puting sandals nito. Sa balikat nito ay ang itim na bag.

Mabilis itong kumaway sa gawi nila kahit kausap nina Jai.

Lumapit ito sa kanila at agad na kinuha ni Saturn ang bag nito. Agad n'yang naalala na gan'on din ito sa kan'ya kanina. Tama siya. Nothing's really special about her...

"Thank you sa pag-invite sa'kin," anito malawak ang ngiti na nakatingin kay Saturn. Bumaling ito sa kaniya. "I hope it's okay?"

Napaawang ang labi niya. Bakit naman hindi magiging okay? Obvious ba siya?

"Ay, oo naman," aniya nang makabawi. "The more the merrier!"

Tumawa ito at bumalik ng kwento kay Saturn. Um-exit na siya.

Ang saya... nilang dalawa.

Humalo siya sa mga kaibigan at tumulong sa mga nag-iihaw. 'Yung iba nagsimula ng maglangoy. 'Yung iba naman ay nagse-set up na ng videoke. May mga boys din na bibili lang daw ng yelo.

Bumulong sa kaniya si Raphael. Magka-klase sila nung freshman year. Hindi niya namalayan na katabi niya na ito. Masyado yata s'yang busy magnakaw ng sulyap.

"Okay ka lang?"

Tinignan niya ito at bahagyang nginitian. Ni hindi niya magawang i-stretch pa ang labi para sa mas makatotohanang ngiti.

"Oo naman. Sana lang hindi ko masunog itong barbecue."

Tumawa ito at marahang nag-paypay sa tabi niya. Nagpasalamat na din siya na kinakausap siya nito. Parang nakaka-fresh sa pakiramdam ang mababaw nilang mga topic. Joker din si Raphael kaya naman panay ang tawanan nila.

"Ayan... totoo na ang mga ngiti mo. Kanina ka pa nakabusangot."

Medyo naestatwa siya nang marahan at mabilis nitong kinurot ang pisngi niya. Gwapo din si Raphael at laging naka-ngisi. Kung ang magkapatid na Saturn at Alastair ay madalas maipagkamali na mas mature kesa sa tunay na edad dahil sa tangkad at tikas, itong si Raphael ay high school heartthrob talaga ang appeal.

Fierce Young HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon