Chapter 5

4 1 0
                                    

Chapter 5

Napakamot na lang sa ulo si Saturnino nang sunod-sunod na tumunog ang doorbell sa gate nila. Isa-isa niya pang tinignan ang mga kasama kung may tatayo ba sa mga ito. Wala. Abala ang mga kasambahay na kasama niya sa panonood nang pang-hapong drama sa TV.

Wala naman s'yang problema doon pero medyo nakuha na rin siya ng nadatnang eksena mula nang bumaba siya rito kanina. Muntik na kasing mabaril ang bidang babae. Dalawang magkasunod pa bago niya iniwan ang ice cream na kinakain saka pinuntahan iyon.

Halos mapa-arko ang kilay niya nang makita kung sino ang nasa kabila noon.

Si Kaylene.

Medyo nag-alangan siya kung lalapitan ba ito o hindi. Baka galit pa rin ito at sungitan lang siya. Napagtanto n'yang sanay naman siya kaya lalapitan niya na lang. At least makakausap niya ito.

Gaya nang inaasahan ay magkasalubong ang mga kilay nito. Nagpapaypay rin gamit ang kamay habang hinihipan ang bangs nitong natatakpan ang noo. Tumatagaktak ang pawis nito pero hindi niya alam kung bakit parang ang cute noon sa paningin niya. Saturnino unconsciously smiled at the sight of his neighbor.

Hanggang balikat niya lang ito. Kung gugustuhin niya ay pakiramdam niya kaya niya rin itong buhatin dahil sa nipis ng katawan nito. Mapusyaw ang balat at itim na itim ang hanggang siko nitong buhok na madalas na naka-tirintas. Itim na itim rin ang bilugang mata, minsan mukha itong multo o 'di kaya ay anime—depende kung anong emosyon nito. Kapag tumatawa, anime. Kapag galit, mukhang pwede na sa horror movie.

Napailing siya sa naisip. Ayos lang sa kanya ang masinghalan na naman nito basta makausap niya lang? Nagtataka na talaga siya.

Sanay naman s'yang hindi kinikibo ng kapit-bahay at sa totoo lang ay wala naman s'yang pakealam doon. Noon. Ngunit isang araw ay para bang bigla na lang s'yang na-curious sa dalaga. Kung bakit? Hindi niya alam. Ni wala rin s'yang idea kung kailan ba nagsimula.

Mabilis itong lumingon nang nakaka-ngilong tumunog ang bakal na gate nila. Hinila iyon ni Saturnino upang magkaharap na sila. Nakitaan niya ito ng gulat at bahagyang pagkabalisa pero mabilis nitong naitago iyon. Imbis ay lalong nagsalubong ang mga kilay nito at dumungaw pa sa balikat niya.

"Wala si Mr. Serrano?"

Pumamulsa siya sa tapat ng babae. Kilay naman nito ang umarko at ipinagkrus ang mga braso sa dibdib. Tumaas ang isang sulok ng labi niya.

"I am Mr. Serrano, too," presko n'yang turan.

Pumalatak ito at umangil. "Pero hindi ikaw ang Mr. Serrano na may-ari ng bahay na inuupahan namin. Kung wala ang tatay mo, babalik na lang ako."

Bago pa man ito tuluyang makalayo sa kanya ay humakbang na siya at mabilis na humarang sa harapan nito. Napangisi siya nang mabilis na makakuha ng reaksyon. Pwera na lang sa pagmumura na mabilis ring kumawala sa mga labi nito.

Hindi niya talaga makuha kung bakit kailangan magmura ng isang tao—lalo na kung babae. Hindi ba nito alam na ang pangit tignan at pakinggan 'yun? Self-expression? Ang dami-daming paraan para ipahayag ang sarili. Isa pa, hindi ba 'to nahihiya sa pagmumura gayong nag-aaral ito sa paaralan nila?

"Umalis ka nga d'yan," singhal nito at akala mo kung sinong malaki ang katawan kung hawiin siya.

"Pwede mo naman hintayin si Dad sa loob," mungkahi niya. Humaharang pa rin sa daraanan nito.

"Ba't ko naman gagawin 'yon?"

Nagkibit balikat siya dahil wala s'yang maisagot. Saka niya lang narealize na ang weirdo nga ng suggestion niya. Bakit niya ito inaaya sa loob ng bahay nila? Lalampasan na sana talaga siya nito pero muli n'yang hinarangan.

Fierce Young HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon