Chapter 3

9 1 0
                                    

Chapter 3

Umirap siya at tatalikuran na sana ang makulit na lalaki kaya lang nilakasan nito ang pagtawag pati na ang pag-pukpok ng barya. Kapag nagpatuloy ang salot ay siguradong pupuntahan iyon ng Mama niya. Hindi na nito kailangan malaman pa ang walang kwentang nangyayari sa pagitan nilang dalawa.

Kaylene growled in frustration saka nagdadabog na lumapit sa lalaki. Magpasalamat talaga ito na may bakal at screen na nakaharang sa pagitan nila kung hindi ay baka talagang nasapak niya na.

"Ano bang kailangan mo?" Mahina lang iyon ngunit madiin. Pinandilatan niya rin ito.

Siguro nga wala talaga itong modo. Sigurado naman s'yang alam nito kung bakit siya nagagalit pero talagang pinagtawanan pa siya. Kundi ba naman talagang walang hiya!

"Umalis ka na nga! Napaka peste mo!"

Saturnino bit his lower lip to stop himself from smiling a lot wider than he's actually doing.

"Hindi na kita ma-contact eh," nakuha pa nitong magkibit-balikat.

Mas lalong nainis si Kaylene. Tanga ba ang lalaki? Insensitive? O wala lang talagang pakealam sa nararamdaman ng iba kaya kung maka-arte ngayon ay parang hindi ito aware kung bakit hindi na siya nito ma-contact?

"Malamang," aniya lalo itong pinanlakihan ng mata. "Matapos mong gawin 'yon sa tingin mo ba gugustuhin ko pang kausapin ka?"

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Kinakausap mo ako ngayon."

"Ahhh!" ani Kaylene at tuluyan nang napasabunot sa sariling buhok. "Lumayas ka na nga d'yan at 'wag mo na akong kausapin kahit kailan!"

"Kaylene, sino ba 'yang kausap mo d'yan at ang lakas ng boses mo," narinig n'yang sigaw ng nanay niya mula sa sala nila.

Hindi niya ito matawag na living room dahil ang laman lang naman nito ay ang sala set nila a.ka. ang sira-sirang sofa, sira-sira na ring center table na gawa sa kahoy, at lumang TV.

"Wala, Ma," sigaw niya pabalik. "May taong grasa lang po! Pinapaalis ko na!"

Siya naman ang ngumisi nang makitang ang kulot naman ang napa-simangot ngayon. Kung papipiliin lang siya, mas gusto niya pa nga sigurong makausap ang taong grasa kesa sa lalaking ito.

Magsasalita pa sana ito ngunit umirap na lang siya saka mabilis na umalis doon. Tinawag niya rin si Bernie upang samahan s'yang lumabas. Isasara niya na lang ang tindahan para lubayan na siya nito.

O, mas maganda sigurong ipakagat niya na lang sa alaga ang lalaking ito. Too bad for that moment, she knows her Bernie is too sweet to do that.

Automatic ang pagtaas ng kilay ni Saturnino nang mamataan siya. Lumawak na naman ang ngisi sa labi nito. Hindi niya na lamang pinansin. Nang malampasan ay dali-dali n'yang isinarado at ikinandado ang bakal na nagsisilbing pinaka-pinto ng tindahan.

"Kaylene," tawag ng lalaki. Hindi niya ito pinansin. "Nagso-sorry na nga ako, ayaw mo pa."

Doon na siya humarap dito. Hindi makapaniwala. Ganito ba talaga ka-walang hiya ang isang 'to?

"Aba, talagang dapat kang mag-sorry 'no? Malamang! May kasalanan ka eh!"

"Pero sana makinig ka rin sa explanation ko, 'di ba?" katwiran naman nito na mas nagpa-init sa ulo niya.

"Desisyon ko na 'yon. At, desisyon kong 'wag makinig sa'yo. Pakialam ko naman sa mga bulok mong rason."

"Hindi mo pa nga naririnig ang dahilan ko, nanghuhusga ka na agad," sagot sa kanya ng lalaki. May bakas pa nang paninisi ang boses.

Fierce Young HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon