Chapter 12
Their outing went well. Wala naman nang away na naganap sa pagitan nila ni Saturn. Panay na ulit ang dikit nito sa kaniya at kahit na madalas kausap si Ysabelle ay nahahanap niya ang mga mata nitong nakatitig pa din sa kaniya.
It comforted her.
Magkakasama nilang inihatid sina Grace at Ysabelle saka sila muling bumalik sa resort.
Ayaw mang aminin, gumaan ang pakiramdam ni Kaylene nang malaman na hindi pala mag-overnight si Ysabelle. It’s not that she doesn’t like the girl. In fact, she admires her!
Saglit niya din itong naka-kwentuhan, well madami naman sila sa kumpulan na iyon, pero talagang mabait ang babae. Malumanay itong magsalita. Kahit pa ang pagtawa ay napaka pino.
Kaylene can't help but wonder what went wrong with her and Saturn?
Ang alam niya ito lang ang naging girlfriend ng lalaki. Noong grade six sila hanggang third year high school? Last year lang! At ngayon mukhang magkakabalikan - kung hindi pa man talagang nagkakabalikan.
Nagku-kwento din naman sa kaniya si Saturn. Sa mga plano nito sa college, or mga random na bagay. Wala lang itong nababanggit tungkol sa lovelife. Hindi din naman siya interesado sa aspeto ng buhay na ‘yon ng lalaki. Noon.
Pagpasok ng Lunes ay nagsimula na nga silang mag-check ng final exam papers.
Nakahinga ng maluwag si Kaylene nang wala s’yang ibinagsak! Hindi man kataasan ang mga score pero wala s’yang bagsak o kahit pasang-awa man lang. Average score talaga.
Ang katabi niya naman ay madami na ang hanggang tatlong mali. Napaka tindi!
Matalino pala talaga itong si Kulot.
Mula grade school hanggang second year high school ay nasa First Section ito. Last year lang sa junior year nila at ngayong taon nawala doon. Minsan gusto n’yang tanungin kung anong nangyari kaso baka ma-offend ito.
Saka kahit naman hindi na ito First Section halatang-halata pa din na matalino nga ito. Hindi man ito mahilig magtaas ng kamay para recitation, lagi namang tama ang sagot nito kapag natatawag. Madalas din itong leader sa mga group activities at laging ang grupo nito ang may pinaka mataas na score pagkatapos.
Lumipas ang araw na halos nag-check lang sila ng papers. Nang pakawalan na sila ng huling teacher para sa uwian ay bumulong si Kaylene kay Saturn.
“Gusto mong mag-lugaw?”
Nilingon siya nito. “Gusto mo ba?”
Mas hininaan niya ang boses. Tinakpan niya pa ang bibig na nasa malapit na tenga nito.
“Tara. Ililibre kita. Pero lugaw lang ah! Sige, pati na soft drinks.”
Ngumiti ito. “Hindi mo naman ako kailangan ilibre. Sasamahan naman talaga kita.”
Kaylene waved her hand. Mahina pa din nagsalita.
“Hindi dahil d’un. Ililibre kita para congratulations sa matataas mong scores at thank you na din kasi tinulungan mo ko mag-review. Pero tayong dalawa lang muna ah? Wala akong panlibre sa kanila eh.”
“Tayo lang?” Lumawak ang ngisi nito. “Tara na.”
“‘Wag ka na mag-aya ah!”
Tumawa ito at mabilis na din nag-ayos ng bag. Siya din ay nagligpit na ng gamit. Nagpaalam na sila sa ibang barkada na mauuna na muna. Wala naman nang nagtanong. Nasanay na din yata ang mga ito na kung nasa’n siya ay nand’un si Saturn.
Maraming estudyante ang nagmemeryenda pagdating nila sa Lugawan. S’yempre may kabatian na naman ang Kulot. Sikat talaga.
Binulungan niya na lang na bantayan ‘yung mesa na patapos nang kumain ‘yung mga estudyante. Siya na ang nag-order.
BINABASA MO ANG
Fierce Young Hearts
Teen FictionJuan Saturnino Serrano III, a privileged rich boy who gets away with everything, and Almira Kaylene Aguilar, an average girl. This is their story. *** Disclaimer This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents ar...