Chapter 7
Sa wakas ay nakahinga na ng maluwag si Kaylene matapos maisara ang pinto ng faculty room. Hindi niya akalain na fifteen minutes before five ay maipapasa niya na ang project. Akala niya talaga ay kailangan niya pang magmakaawa para lamang tanggapin ng guro 'yun.
All thanks to the man standing in front of her. Gusto pa sana s'yang samahan nito sa loob ng faculty pero ayaw niya naman mahuli na nagpatulong siya sa lalaki. Nagpatulong, meaning, ito na ang nagtuloy ng particular na cross stitch na 'yon para matapos niya na ang isa pang ipapasa bukas.
Kinakalampag niya pa ang tapat ng puso nang malingunan siya ng lalaki. Mabilis na gumuhit ang ngiti sa labi nito. He looked accomplished as well.
Nagsasayaw ang liwanag sa mga mata nito. "Tinanggap?"
Nakangisi na rin siya nang tumango rito. "Thank you!"
"No problem," anito tapos ay tinulungan siya sa pag-aayos ng kanyang full bangs. "Sabay ka na umuwi?"
Tumango siya. Magdidilim na kaya sa tingin niya ay mas mabuting sumabay na lang sa lalaki. Nagsimula na silang maglakad. Tinalunton nila ang daan papunta sa basketball court kung saan katabi lamang ang mga iilan pang naka-park na mga sasakyan. Hindi naman kasi lahat ng estudyante ay gaya nitong nakakapagmaneho na ng sariling kotse.
Mabilis lang ang naging byahe. Ang dating fifteen to twenty minutes kapag nagji-jeep siya ay naging humigit kumulang lang anim na minuto. Hindi na kasi kinailangan pang huminto sa mga sakayan at maghintay ng pasahero.
Sa mismong tapat ng gate ng apartment inihinto ni Saturn ang kotse nito. Hindi agad bumaba si Kaylene. Inabot niya ang bulsa at kinuha ang coin purse. Nagbilang ng barya.
"Thank you," aniya at may iniaabot kay Saturn.
Tinignan lang naman 'yun ng lalaki saka siya pinukulan ng masamang tingin. "Anong trip mo? Itago mo 'yan at 'wag mo akong asarin."
"Anong pang-aasar d'un?" bwelta niya naman. Nasa ere pa rin ang kamay. "S'yempre sa'yo ko na lang ibibigay 'to kasi hinatid mo pa ako pauwi."
"We're on the same way in case you didn't notice. Kahit hindi, sa tingin mo ba tatanggapin ko 'yan?"
"Ayoko lang dagdagan ang mga utang na loob ko sa'yo," kaswal n'yang sagot dito. She didn't know why Saturn's nose flared.
"Ano bang pinagsasasabi mo?"
Kumibit balikat siya. Ibinaling ang mga mata sa harapan nila saka muling sumandal. "Kilala ko ang mga mayayamang gaya n'yo," muli n'yang tinignan ang lalaki. "Lahat ng kabutihan na binibigay niyo ay may kapalit. Lahat negosyo. Lahat dapat may makukuha kayo pabalik. Business, right?"
Kahit anong pagtatago, hindi nakalampas kay Kaylene ang unti-unting pagbilis ng pagtaas-baba ng dibdib ng lalaki. Maging ang humihigpit na paghawak nito sa manibela ay hindi nakaligtas sa kaniya.
"Why are you so judgmental? Why are you so hard on people you don't know so well yet just because of your initial impression? Why do you put everyone in a shallow box with your own shallow label?"
Pakiramdam ni Kaylene ay parang may sumipa sa puso niya. Hindi niya alam kung dahil ba baka totoo naman ang sinasabi ng lalaki o baka dahil sa nakikita n'yang pait mula dito.
May kaunting kirot man nagpasya na lang na umiling si Kaylene. He will never understand because he is the one on the privileged side. "Hindi mo ko maiintindihan kasi sa'ting dalawa ikaw 'yung nasa panig ng mga nang-aabuso."
"What? You're impossible," napapagod na ito. He still looks like he wants to reason with her but it seems like he knows better already.
Hindi na kailangan pang paalisin si Kaylene. Kusa na s'yang nagbukas ng pinto saka mahinang nagpasalamat. Hinding-hindi talaga siguro sila magkakasundo ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Fierce Young Hearts
Teen FictionJuan Saturnino Serrano III, a privileged rich boy who gets away with everything, and Almira Kaylene Aguilar, an average girl. This is their story. *** Disclaimer This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents ar...