Chapter 6
"Bakit ka ba nagmamadali? Gutom na gutom lang?" untag ni Danie kay Kaylene. Nakakapit ito sa braso niya kaya naman pati ang kaibigan ay walang choice kundi sabayan ang mabilis n'yang lakad.
Hinihingal na rin si Kaylene at pawis na pawis pa. Second floor lang naman ang inakyat nila ngunit nakakapagod pa rin 'yon para sa gaya n'yang hindi naman physically fit. Nakakapagod rin ang umiwas at mag-excuse me sa ibang mababagal na estudyante.
Mabilis na umaliwalas ang mukha ni Kaylene nang marating nila ang pwesto ni Ate Glo. The old kind woman who sells different kinds of merienda is located at the small corner beside their building's drafting room.
Nakaupo ito sa isang plastic na upuan. Sa harap at gilid naman nito ay ang dalawang maliit na mesang kahoy. Naglalaman iyon ng kung ano-anong pagkain. Mula sa chichirya hanggang sa kung ano-anong sandwich na may iba't ibang palaman.
Her cheese roll? Block buster!
Kaylene reached for her skirt's side pocket and got her coin purse. Naglabas na agad siya ng twenty-four pesos para sa dalawang pirasong cheese roll.
"Ay, wala na," ang sagot ni Ate Glo nang mag-aabot na sana agad siya ng bayad. Mukhang diskumpyado rin ito dahil wala na naman s'yang naabutan. "Inubos na agad nung isang lalaki."
Literal s'yang napahawak sa puso niya. Tapos sa tiyan. Nanlulumo s'yang tumingin sa iba pa nitong paninda kasunod kay Danie. She's hungry and the only thing she wants to eat right now is that cheese roll she's been thinking since last night!
Talunan silang umalis ni Daniella doon at umakyat na sa fifth floor. Sana pala bumili na lang siya ng tinapay sa canteen kanina. How is she supposed to learn when she's hungry and thinking of that cheese roll? Gustong-gusto niya talaga 'yon.
Nakasimangot s'yang pumasok ng silid nila at hindi 'yon nabura ng matatamis na ngiti ng mga kaibigang sumalubong sa kanila. Kumunot pa lalo ang noo niya at sinundan ang direksyon ng mga mata at ng mga ngusong itinuturo ng mga 'to.
Their eyes all landed at the desk of her chair.
Nang tignan niya ay may supot d'un na naglalaman ng limang cheese roll. Sa tabi n'un ay isang large cup naman ng iced milo—isa rin sa mga paborito niya. Nand'un rin ang isang papel. Binasa niya.
FOR KAYLENE ONLY, ang sabi.
Her eyes automatically scanned the whole room, in the left side she found a grinning Saturnino Serrano who immediately winked at her. Nanlaki ang mga mata niya at uminit ang magkabilang pisngi lalo na nang magsimula nang mag-malisya ang mga kaibigan niya.
Thank God their adviser arrived.
Inumpisahan niya nang almusalin ang mga ibinigay nito habang hindi pa nagsisimula si Sir Carbs sa homeroom period nito. She even shared some to Alastair ngunit tinanggihan siya ng katabi. Baka daw may magalit.
Nagkibit balikat siya. More food for her, then.
Naging magaan ang buong araw para kay Kaylene. Naka-survive siya sa iilang quiz at hindi natawag sa mga kinatatakutan n'yang recitation. It was good!
Hindi niya rin maikakailang nakadagdag d'un na hindi na siya naiilang sa mga nagbabagang paninitig ni Saturnino sa kaniya—thinking that he hates her.
Kaylene doesn't really care what other people's been thinking about her. She's also quite sure that they aren't even thinking of her or having a care about her.
The thing about being a teenager and in high school is she feels like people will only care about you if, 1. You're pretty, 2. You're rich, 3. You're famous, and 4. You're all of the above.
BINABASA MO ANG
Fierce Young Hearts
Teen FictionJuan Saturnino Serrano III, a privileged rich boy who gets away with everything, and Almira Kaylene Aguilar, an average girl. This is their story. *** Disclaimer This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents ar...