Chapter 02: Habibi

18.4K 460 30
                                    

Chapter 02: Habibi

Masigla ang sikat ng araw, animo'y sumasabay sa mood ni Georgia. Hindi mainit ang kaniyang ulo dahil ito na ang araw, ang simula ng kaniyang pagbangon. Ang ibig sabihin lang niyon ay panggagago at pangtatarantado sa Emperador. Hindi naman pwedeng siya lang ang agrabyado 'no, kaya naman sisirain niya ang maliligayang araw ng Emperador kasama ang paborito nitong concubine.

Hindi pwedeng umaga niya lang ang palaging masisira. Wawasakin niya talaga ang moment ng dalawa. Nagsumbong siya kay Flavio kagabi. Mabuti na lamang at maraming alam na kagaguhan ang kaibigan niya, hindi tuloy siya naubusan ng plano. At ang una niyang gagawin?

"Gumawa ka ng endearment niyo, tapos tawagin mo siyang gano'n."

"Sigurado ka na? Tell me the benefit." Sabi niya kay Flavio.

"Kamahalan, diyan magsisimula ang lahat, sa endearment. Masasanay siya, dahil sa pangtatarantado mo hahanap-hanapin niya 'yan kapag nawala ka na."

Umalingawngaw ang tinig ni Flavio sa kaniyang tainga. Kaya naman kaaga-aga, kahit hindi siya imbitado ay makapal ang mukha niyang pumunta sa silid ng Emperador upang bumati. Pinaghandaan niya na ang oras na 'to kagabi pa. Inilabas niya na lahat ng kaniyang pangangailangan; ang mga papel at ang singsing dahil alam niyang puputaktihin na naman siya ng Emperador. Para bang isang malaking kasalanan ang pagsulpot niya sa harap nito.

Pagkapasok niya sa silid nito'y masigla siyang bumati, mas maliwanag pa siguro siya sa sikat ng araw dahil nasilaw ang Emperador sa presensya niya. Nagtakip kasi ito ng mukha pagkapasok niya sa pinto.

"Good morning, habibi." Tawag niya at nakangiting lumapit hawak ang isang envelope.

Mas lumawak ang ngiti niya nang makita ang emperador na bagong gising. Ngunit may mask na kaagad ito at nakasuot ng roba, sayang hindi niya naabutan ang morning glory nito. Ay bastos, Georgia. Nahahawa na siya kay Flavio, kailangan niya na atang lumayo sa bad influence na 'yon.

As usual, he's looking gorgeous again wearing a silky luxurious robe. Nakalugay ang mahaba niyang buhok habang nakalagay sa mesa ang pin na sinubukan niyang kunin noon. 'Yan, dahil sa pin na 'yan kaya nagkanda leche-leche ang buhay niya. Nang dahil sa pin na 'yan, nabago ang ikot ng kaniyang mundo. She just shrugged at the thought and started annoying the emperor again.

"How was your sleep, habibi? Naghanda ako ng maraming pagkain para sa atin." Sinenyasan niya ang mga katulong na pumasok na bitbit ang kanilang umagahan. "Ako ang nag request ng mga 'yan, masasarap 'yan. For sure magugustuhan mo."

"What? Who are you?" Pikon na tanong ng Emperador kaaga-aga, tuloy ay nagmadali ang mga katulong sa pagaayos ng mesa dahil sa takot.

Nakangiti siyang lumapit at proud na inilapag ang envelope na naglalaman ng papeles tungkol sa kanilang kasal. "Ako 'to, ang asawa mo. Baka ako na 'to, duh."

Nagbuntong-hininga ang Emperador, animo'y walang nagawa sa kakulitan niya. "Did I invite you this morning, Empress?"

"No, I invited myself. Why? Hahanapan mo ako ng karapatan? I'm already giving it to you. Look oh, papeles. Oy ano 'to, singsing?" Sabi niya at inginuso ang mga papeles na inilapag niya saka ipinakita ang mamahaling singsing na may walong carat na red beryl. "Basahin mo. Patunay 'yan na mag-asawa tayo at may karapatan akong saluhan ka sa iyong pagkain. Pero dahil hindi mo ako iniimbitahan, ako na ang nag-imbita sa sarili ko. At least may kasama ka 'di ba, habibi?"

May kasama naman talaga ang Emperor kumain, hindi lang siya. Nakakapikon naman. At ganoon na lamang tumaas ang kaniyang dugo nang dumating na ang concubine.

"G-good morning, your majesty, the Emperor." Bati nito sa Emperador at gulat na napatingin sa kaniya. Yumuko rin ito sa kaniya at bumati. "Good morning, your majesty, the Empress."

She stopped for a moment to stare at her. Ah, kaya naman pala ayaw ng Emperador na kasama siyang kumain dahil may iba na itong inimbitahan. Aba, hindi siya papayag 'no, sisirain niya ang araw ng dalawa. Ito pala ang gusto nila ha. Bakit ba kasi nauso pa ang harem, bobo naman.

Mali talaga ang harem, hindi talaga dapat 'to nag-e-exist sa Imperyo. Nakakasira lang 'to ng relasyon. Kung mas mataas lang ang kapangyarihan niya sa Emperor iuutos niyang tanggalin na lang 'to. Baka kasi kapag inutos ng Emperor eh siya ang matanggal sa harem. Tangina namang buhay 'to oh.

"Wow, great! Mas masaya 'to, tatlo tayo. Sabi nga 'di ba? The more, the merrier! Tara na at kumain." Masigla niyang sabi. "Kayo, baka gusto niyong makisalo sa amin?" Anyaya niya sa mga katulong.

"No, no, your majesty. Please have a good meal." Sagot ng mga katulong at umalis na sa silid.

Huminga siya ng malalim at ngumiti sa dalawa. E 'di sila na lang na tatlo. Masaya 'to, tahimik at awkward habang siya'y masiglang lumalantak ng pagkain.

"Ehem, did you sleep well?" Tanong ng Emperor.

Nagkaroon ng matinding katahimikan sa silid. Hindi alam ng dalawang babae kung sino'ng sasagot. Napairap si Georgia. Asus, pasimple pa 'tong mga hayop na 'to. Siya na nga ang gagawa ng paraan, nahiya pa ang mga yawa.

She smiled at the concubine. "My lady, the emperor is asking. Ako na lang tuloy ang magtatanong, nahihiya pa siya eh at baka nahihiya ka rin. Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Tanong niya sa babae.

Nahihiya namang tumugon iyong babae. "Y-yes, your majesty."

Ngumiti siya at inabutan ng maraming pagkain ang concubine. "Kumain ka ng marami. Baka gusto mo nitong kinakain ko? Hindi naman ako madamot."

"No, no, you can have it, your majesty!" Sagot nito sa kaniya at ibinalik ang mga pagkaing ibinigay niya.

"No, it's fine. Sanay akong may kahati 'no," sabi ni Georgia na ikinatigil ng dalawa. "Oh, no offense. And don't take my words seriously, ganito talaga ako. Masanay na kayo, may mas lalala pa nga dito eh."

Hindi kumibo ang dalawa, pinagmasdan lang siya. Nagbuntong-hininga na lamang si Georgia at ngumiti. "Ano pang gusto mo? Nahihiya pa ata ang Emperador mag-abot sa'yo ng pagkain kasi nandito ako eh."

"That's enough!" Saway ng Emperador at tumayo. Mukhang nasira niya na kaagad ang araw nito. Operation success na kaagad, ang bilis pala nitong mapikon eh.

"Okay." Tanging sagot ni Georgia at kumuha ng sarili niyang pagkain. "E 'di eat well."

"Have a good meal, Empress." Sabi ng Emperador at hinila ang concubine, "let's go."

Nahinto sa paglantak ng pagkain si Georgia nang iwan siya ng dalawa sa silid. Tuloy ay naiwan sa kaniya lahat ng pagkaing ipinaghanda niya para sa Emperador. Frustrated niyang ibinaba ang kaniyang pagkain at pikon na umirap.

"Ay sus mga hayop! E 'di wow, ako na lang ang uubos nito. Sayang ng pagkain, mga bastos. Magutom sana kayo." Sabi niya at nagpatuloy sa pagkain. "Hindi ka na ulit makakatikim ng ganitong menu, ako mismo ang nag-request nito!" Sigaw niya sa Emperador na hindi na siya naririnig dahil umalis na.

At least, nasira niya na ang moment ng dalawa. Napikon niya pa ang Emperador. Ang saya pala ng ganito, 'yong hindi lang ikaw ang agrabyado. Mukhang nag-e-enjoy na si Georgia, ibig sabihin ay hindi dito nagtatapos ang lahat dahil marami pa siyang planong katarantaduhan.

Hindi pa doon nagtatapos ang pagtutuos nila ng Emperador. Hangga't wala siyang nakikitang progress, hangga't hindi pa ito nahuhulog sa kaniya, hindi siya titigil.

"Nasa akin ang huling halakhak." Sabi niya at muling nilantakan ang mga pagkaing nasa kaniyang harapan. "Eat well, self."

Taming The Emperor ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon