Chapter 23: Set Up

14K 314 8
                                    

Chapter 23: Set Up

Hindi naman inakala ni Georgia na aabutin siyang gabi. Paniguradong hindi siya papayagan ni Alaric kapag nalaman nitong aalis siya kaya siniguro niyang bumyaheng gabi. When she was sure the Emperor is sleeping as the pavilion is already quiet, dumako na siya sa kulungan ng mga kabayo. Sa totoo lang ay kinakabahan siya, ngunit kung gusto niyang malaman ang lahat at madiskubre ang plano ng pamilya ni Annika tungo sa Emperador ay kailangan niya itong gawin.

Naaawa rin siya kay Annika. The concubine told her everything and asked for her help. She'd be a useless Empress kung wala siyang gagawin para makatulong sa mga nangangailangan katulad ng concubine na iyon. At isa pa'y gusto niyang matulungan ang Emperador bago siya tuluyang umalis. Inaayos niya na ang divorce papers sa tulong ng mga kaibigan niyang noble kahit na alam niyang malilintikan siya kapag nalaman ito ni Alaric. Pero buo na ang desisyon niya, napagod na siyang maghabol. Tama na.

Gayunpaman, sigurado siyang mahal niya si Alaric. Kaya bago man siya umalis o bago niya man tapusin ang papel niya nilang asawa nito'y gusto niyang makatulong sa pagresolba sa nangyaring panlalason dito. Hindi iyon dapat pinapalampas dahil naapektuhan ang kalusugan at ala-ala ng Emperador. Hindi iyon palalampasin ni Georgia.

"Kamahalan, saan ka pupunta? Sinasabi ko sa'yo, hindi ka papayagan ng Emperador! Bumaba ka riyan!" Isang tinig mula sa kaniyang likuran ang nagsabi. Paakyat na siya noon sa kabayo, nagulat siya kaya naman muntik na siyang mahulog, mabuti na lang at naagapan niya ang kaniyang sarili. Paglingon niya'y naroroon na si Flavio habang umiiling-iling at nakatingin sa kaniya. "Oh gosh, Georgia. Please listen to me, the Emperor will get mad!"

She sighed. "Flavio."

"Yes, your majesty?" Garalgal ang tinig nito, halatang kinakabahan. Paniguradong takot itong mahuli ng Emperador dahil malilintikan silang pareho.

"May pupuntahan ako." Sabi ni Georgia. "Huwag kang mag-alala, babalik kaagad ako. Sisiguraduhin ko lang na tama ang hinala ko. Pagbalik ko'y sasabihin ko lahat sa Emperador."

Umiiling-iling si Flavio. "Hindi ka papayagan ng Emperador."

"Alam ko kaya nga hindi ako magpapaalam. Kaya may dapat kang gawin." Dagdag niya.

Umangat ang kilay nito. "Ano?"

"Magdadala ako ng mga gwardiya. Siguraduhin mong hindi ako hahanapin ng Emperador. 'Pag hinanap ako ng Emperador, gumawa ka ng kwento." Sabi niya.

Halos namutla naman doon si Flavio. "Imposible. Paano ko naman gagawin iyan? Mawala ka lang nga ng ilang segundo sa paningin niya halos mabaliw na ang isang 'yon. Ay nako, Georgia! Maawa ka sa akin, bumaba ka riyan!"

"Ih!" Ani Georgia. "Ano'ng gagawin ko? May kailangan akong ayusin bago ko tapusin ang lahat!"

Kabado namang lumingon si Flavio. Sa oras na 'yon ay alam na ng lalaking wala itong magagawa upang pigilan si Georgia. Kapag kasi nagdesisyon ang Empress ay gagawin talaga kahit pa ikapahamak nito. Huminga na lamang ng malalim ang lalaki. "Basta huwag na huwag kang aalis na mag-isa. Pero naman kasi, sinasabi ko sa'yo, 'wag ka nang tumuloy sa kung saan ka man pupunta!"

"May kasama ako lagi 'no." Ani Georgia at nagsimula nang humakbang ang kabayo.

"Huh, sino?" Tanong naman ni Flavio habang iniikot ang paningin.

Umirap si Georgia. "Me, myself, and I. I'm never alone, you know."

Napakamot na lang ng ulo si Flavio. "Tama ka na, Georgia."

Alam rin ni Georgia na hindi basta-bastang makukumbinsi si Flavio. Kaya naman nauwi siya sa isang desisyon upang makaalis.

"Ganito na lang..."

Taming The Emperor ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon