Chapter 16: Hometown

16.4K 478 40
                                    

Chapter 16: Hometown

Maaliwalas ang sikat ng araw. Marahan itong dumadampi sa kaniyang mukha. Tatlong araw ang byahe ni Georgia mula sa Caesar empire patungo sa dati niyang tahanan; sa Amata. Dahil mabilis ang karwahe na kaniyang sinasakyan ay madali siyang nakarating. The sweet scent of fresh air is nostalgic, para siyang maiiyak sa pamilyar na amoy na kaniyang kinalakihan.

She's back at her hometown, she's back at the palace. She arrived unannounced kaya naman gulat na gulat ang lahat sa kaniyang pagdating. Literal na naalarma ang palasyo. Ang buong akala niya'y siya ang mamumuno sa mga taong naririto at papalit sa kaniyang ama ngunit nabago ang direksyon ng kaniyang buhay nang napangasawa niya ang tagapagmana ng Caesar empire.

Kaya ang magiging sunod na tagapagmana na ng Imperyo sa Amata ay ang magiging ikalawa niyang anak. Ang panganay ay mananatili sa Caesar empire at ang ikalawa ay sa Amata. So she need to bear children as much and as soon as possible. Ngunit mukhang imposible iyon dahil baog daw ang Emperador. At mas imposibleng may mangyari sa kanilang dalawa. Kanino na lang kaya maiiwan ang Imperyo?

Hindi siya nagpaalam sa Emperador dahil wala pa itong malay nang umalis siya, nakatanggap naman siya ng sulat na gising na ito at kinakailangan niyang bumalik sa lalong madaling panahon. Balak niyang manatili sa Amata ng isang linggo ngunit mukhang hindi iyon mangyayari dahil kinakailangan ang kaniyang presensya sa kabilang Impyero kaya uuwi siya kaagad.

Kapag nagawa niya na ang pakay niya'y agad siyang babalik.

"Oh my darling! You're here!" Bungad ng kaniyang Ina pagkapasok niya sa hall ng palasyo. Sinalubong siya nito ng yakap at halik.

"Behold, the Empress of Caesar empire has arrived!" Anunsyo sa palasyo. Gusto niya sana'y tahimik lamang ang kaniyang pagbisita ngunit mukhang imposible dahil kulang na lang ay ipaalam sa buong mundo na nasa Amata siya.

"Darling, my beautiful daughter! How are you, my dear? How was your trip? Are you tired? Are you hungry?" Bati ng kaniyang Ina.

Masigla niya itong binati pabalik. "I'm fine, mom." Lumingon siya sa Emperador na papalit sa kanila, ang kaniyang ama; "Dad."

Tumango ang kaniyang ama. "Alam ba ang asawa mong naririto ka?"

Natahimik bigla si Georgia. Nagdalawang isip pa siya kung magsisinungaling siya dahil baka magalit ito ngunit sa huli ay sinabi niya ang totoo. "H-hindi po. He's sick and I'm here for his sake. Babalik lang din ako agad sa Imperyo kasama ang mga kaibigan kong doktor at abogado."

Tumaas ang kilay nito. "Oh, why? Is the emperor sick?"

"Yes he is." Sagot ni Georgia at tumango.

"But why would you come all the way here just to seek for your friend's help?" Tanong ng kaniyang ina.

"Mom, I grew up with them so I know their capabilities." Sabi ni Georgia.

"And why would you need a lawyer?" Ang kaniyang ama naman ang nagtanong.

Dumagundong ang kaniyang dibdib, hindi niya alam kung paano sasagutin ang bagay na 'yon. She stuttered; "We uhm, have something going on in the empire and I have to consult my friend with something para hindi ako magkamali. Para na rin po makabisita rito."

"Gusto mo muna bang magpahinga?" Biglang singit ng kaniyang ina at inalalayan siya sa kaniyang silid.

"Yes please. Naikot ko na ang palasyo and I surely missed everything here." Sabi ni Georgia at yumuko sa kaniyang ama bago nagpaalam.

Dumiretso sila sa dati niyang silid. Talaga namang nakakamiss ang lugar.

"Go and bear a child already para naman may tagapagmana na ng trono dito." Pagbibiro ng kaniyang ina.

Taming The Emperor ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon