Chapter 29: Wish
Mataas na ang sikat ng araw, consistent pa rin ang Emperador sa pagbisita sa kaniya samantalang siya'y hindi na nakakapunta sa pavilion nito. Lately ay napapansin ni Georgia ang pagiging tamad niya, mabilis na kasi siyang mapagod at mapikon. Kakaalis lang nina Lord Malca at Lord Luthor sa kaniyang pavilion upang pag-usapan ang ilang papeles na nilalakad niya.
Napansin ng mga itong hindi raw maganda ang complexion niya, para daw siyang namumutla. Pa'no ba naman, araw-araw siyang nahihilo at hindi niya nagugustuhan ang amoy ng kaniyang silid. Para siyang masusuka kada kilos niya. Kaya nga pinatawag niya si Lord Luthor upang tingnan ang kaniyang kalagayan, ang sabi nito'y babalik ito upang ibigay sa kaniya ang resulta.
“Gusto mo bang mangabayo?” Kaagad na tanong ng Emperador pagkarating nito sa kaniyang silid.
Ganoon na lamang namilog ang mga mata ni Georgia. “Ha, ano? Hayop na ‘to!” Sagot niya.
Ngumisi si Alaric, tila nagustuhan ang reaksyon ni Georgia. “Bakit, wala naman akong masamang sinabi ‘di ba? I’m inviting you to join me ride horses, Georgia. Hindi mo naman yata kailangang turuan pa dahil magaling ka ngang mangabayo, ‘di ba? Sabi mo nga dapat marunong sumakay kasi hindi lang naman sa kabayo ang application ng pagsakay. Try mo nga sa’kin mamayang gabi, Georgia.” The Emperor teased making Georgia blush so hard.
Umakyat talaga ang dugo ni Georgia sa mukha at hindi niya iyon naitago kay Alaric. “Aba gago ‘to ah. Puro ka talaga kagaguhan Alaric. Alam mo itigil mo ‘yan.” Sabi niya na hindi makatingin ng deretso sa Emperador. Malinaw na malinaw kay Georgia ang mga katagang iyon, sinabi niya iyon sa concubine at talagang binabalik iyon ng Emperador sa kaniya. Lintek naman.
“Sabi mo magaling kang mangabayo, 10 out of 10. Sige nga, try mo sa’kin mamaya. Malay mo, i-rate kita ng sobra pa sa 10.” Sabi nito na may mapanlarong ngisi.
Kumalabog ang dibdib ni Georgia. “Tangi-” she was cut off when the Emperor talked again while frowning.
“Dapat ako ang magrerate sa’yo, hindi kung sino-sino.” Sabi nito na hindi maipinta ang mukha. She remembered sinabi niya noon na si Flavio ang nagrate sa kaniya para makalusot kahit hindi naman talaga. Dinibdib pala iyon ng Emperador, napaka-gago naman talaga ng isang 'to. “By the way, how did that fucking Flavio rate you? Don’t tell me nakita ka niyang mangabayo-” dugtong nito na agad ring pinutol ni Georgia para makaiwas sa possibleng pag-aaway.
“Aba tanginang ‘to, kasama ko ‘yon lagi mag horseback riding sa Astoria ‘no. Para kang gago kung ano-anong iniisip mong hayop ka.” Iritadong sagot ni Georgia, hindi na naitago ang pagiging palamura niya. Paano ba naman hinihila ni Alaric ang gahibla ng buhok na pasensya niya.
“Hindi mo maalis sa akin ang magselos, Georgia. Dapat ako lang lagi, ako lang dapat.” Mariin na sabi nito.
---♡---
Sa huli ay natagpuan na lamang ni Georgia ang sarili sa harap ng kaniyang kabayong si Bukirin. Hindi siya nakapalag sa Emperador, baka kapag hindi siya pumayag ay kung ano-anong gawin nito. Excited din naman siyang mangabayo sa totoo lang, hindi lang nabibigyan ng pagkakataon kasi grabe ang katamaran niya sa kasalukuyan. Nauna pa nga siyang sumakay sa kabayo kaysa kay Alaric.
“Tara, unahan.” Hamon niya sa Emperador.
Napangisi si Alaric at sumakay na rin sa kabayo niyang mamahalin. “I see, you’re challenging me, Georgia.”
Tumawa si Georgia at hinaplos-haplos ang kaniyang kabayo. “Mukhang maganda ang mood ni Bukirin, paniguradong mananalo ako.”
“Pero kapag nanalo ako, ako ang sasakyan mo mamaya, Georgia.” Panghahamon ng Emperador na muling ikinapula ni Georgia. Palagi na lang ata siyang nagba-blush, bumibigla rin kasi ng banat itong si Alaric, parang buang naman.
BINABASA MO ANG
Taming The Emperor ✔️
Romantik[ TAG-LISH ] It's always the concubine or the servant in a story who the Emperor defends. The story is rendered even more lovely when the Emperor chooses, out of great love for his concubine, to stand up for her against the Empress. Then, he devasta...