Chapter 20: The Nobles
Finally! Pakiramdam ni Georgia ay nakawala s'ya sa selda sa salang hindi niya alam. Para bang nakalaya na siya sa kulungan. But not totally, because she has a sentry with her all along. Nanlilisik pa ang mga mata ng kaniyang bantay. Ano pa nga bang ini-expect niya? She said he could come with her and he literally did. Ngayon tuloy ay may gwardiya siya kahit saan siya magpunta at may nakamasid sa kahit na ano'ng ginagawa niya.
For real, what's wrong with the Emperor all of a sudden? What's the deal? This is sick and insane. The Emperor went berserk the past days, lumabas ang pagka territorial nito. Good thing Georgia has tamed the Emperor a bit, ngunit alam niyang hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Actually dalawa lang 'yan, it's either ganito na talaga noon ang Emperador at hindi lang maipakita sa kaniya o may tinatago itong plano. Whatever his plan is, hindi ito maganda sa pakiramdam ni Georgia.
She's wearing a very long attire to conceal the marks from being cuffed. The emperor himself put ointments all over the marks to avoid swelling. Hindi nga makapaniwala si Georgia na nag-insist ang Emperador na lagyan ng gamot ang mga marka. Para namang mapapatawad niya agad ang hinayupak. Hindi 'no, hindi lang siya pumapalag sa ngayon pero deep inside galit pa rin siya sa ginawa nito. The Caesars are really twisted, rinig rinig niya na ito noon at pinatunayan lang ni Alaric.
"Your majesty, are you seriously going to follow me all day?" Hindi na nakatiis si Georgia.
Umangat ang kilay ng Emperador. "I've told you clearly, Georgia. Do you want me to repeat what I've said?"
Nanahimik si Georgia. She doesn't want the conflict and tension to escalate. Ngunit sa pananahimik niya'y binalot naman tuloy sila ng matinding awkwardness.
"Aren't you busy, your majesty?" Biglang tanong ni Georgia sa gitna ng katahimikan habang naglalakad papunta sa hall ng palasyo.
"I'm done with my works." Mabilis na sagot ng Emperador.
"I see."
Napapalingon ang lahat na madaanan nila. Malamang siguro'y nagtataka ang lahat dahil magkasama sila ngayon 'e hindi naman sila noon nagkakasundo. Kung hindi pa kulitin ni Georgia si Alaric hindi talaga sila magkakasama. So Georgia can't help but be shocked of everything that's happening.
Naabutan niya sa hall ang kaniyang mga kaibigan. She saw relief in their faces. Malamang ay mag-aalala ang mga ito dahil ilang araw din siyang hindi nagparamdan at nagpakita. She wanted to hug them and say everything's fine. But before she could do anything, she felt a raging presence behind her. And of course, it's none other than the man who knows nothing but to get mad; the emperor.
"Your majesty!" Bati ni Lord Malca habang papalapit siya. "I haven't seen you around—"
Malumanay na kumaway at ngumiti si Georgia bilang pagbati na may matinding pag-iingat. "L-lord Malca."
Alam ni Georgia na naiintindihan na siya ng dalawa kaya naman kumalma rin ang mga ito at yumuko sa kanila upang magbigay galang lalo na sa Emperador. They probably know how possessive and territorial Alaric is and it's alarming. Baka nga nakasulat na sa history kung gaano kadamot ang mga Caesar.
"I see, your friends are here." Malalim na sabi ng Emperador. Georgia wanted to look back to see his reaction pero natatakot siya na baka hindi maganda ang timpla ng mukha nito.
"Greetings, your majesty." Bati ng dalawang binata. Hindi na sumagot ang Emperador kaya naman sumingit na si Georgia bago pa sila masunog dahil sa sobrang init at taas ng tensyon.
Ngumiti si Georgia at masayang ipinakilala ang dalawa sa Emperador. "Yes emperor. This is Lord Malca and Lord Luthor."
Nangunot ang noo ni Alaric. Doon pa lang ay kinabahan na ang lahat. Parang isang kuryente ang dumaloy sa katawan ni Georgia dahil sa reaksyon ng Emperador. Animo'y hindi ito natuwa. What the heck? Sa loob loob ni Georgia ay nagpapanic na siya.
"Emperor?" Pag-uulit ng Emperador sa pagtawag ni Georgia. Halatang hindi talaga natuwa.
Nalilitong kumurap si Georgia. Hindi ba sapat ang tawag na iyon sa kaniya? Nayurakan ba nito ang pagkatao ng Emperador? The pride of this man, fuck. Tumikhim siya at muling nagsalita, "Emperor Alaric."
"Hey." Malalim na tawag ng Emperador sa kaniya na nagpataas ng kaniyang balahibo. He faced her menacingly. "I'm habibi."
Ganoon na lamang nanlaki ang mga mata ni Georgia. Hindi niya rin naiwasang mamula. Parang dati lang ay pikon na pikon ito kapag tinatawag niyang habibi, ngayon nama'y nagagalit na kapag hindi niya tinatawag ng ganoon. This man is so twisted. Tuloy ay hindi niya alam ang mukhang ihaharap sa lahat.
"H-habibi, this is Lord Luthor. I've asked him to check on your health. Please give him a chance to look into your health. He's a good doctor." Pakilala niya sa kaibigan niyang doktor. "And this is Lord Malca, a good friend of mine as well."
"Yeah?" Ang tanging sagot ng Emperador, wala man lamang itong reaksyon sa sinabi ni Georgia.
Tumango si Georgia at ngumiti. "Yes. I grew up with him, I can assure you he's really good."
The Emperor's eyes narrowed and Georgia was taken aback. "How good is he for you to be so proud like that? And what's the purpose of the other guy?"
"Habibi," ani Georgia at awkward na ngumiti. Kung makapagsalita naman ang Emperador parang nirerefer lang ang mga kaibigan niya bilang bagay. She sighed and said. "I just invited Lord Malca to be with Lord Luthor since they wanted to visit me. After all, it's been so long since the last time we saw each other."
Muling naningkit ang mga mata ng Emperador. "How fucking long was it? You seemed to miss them a lot."
Wait, what's wrong with this man? Is he jealous? Dahil hindi na alam ni Georgia kung ano'ng klaseng reaksyon na ang ipinapakita ng Emperador.
"No, emperor." Agad na depensa ni Georgia.
Muli na namang nangunot ang noo ng Emperador. "Emperor?"
"Habibi." Agad na sagot ni Georgia bago pa tuluyang masira ang mood ni Alaric.
Huminga ng malalim ang Emperador at humarap sa dalawang kaibigan ni Georgia. "Fine, I'll let you observe my health. If you want you can join Lord Ethan, he's my doctor too. I assure you I'm fine. No matter how many poisons I drink, I won't die."
"Habibi!" Mabilis na singhal ni Georgia.
The emperor just rolled his eyes and started walking. "Shall we eat?"
"Whatever you want will happen, your majesty." Sagot ni Lord Luthor.
Nagsimula na silang maglakad sa hall ng Emperador upang kumain. Kabigla-biglang nag-aya itong kumain, hindi talaga makapaniwala si Georgia. Noon ay hindi man lamang siya nito saluhan kahit pa naroroon ang mga magulang niya. What's up with Alaric now? Sakto namang pagdating nila sa hall ay nakasalubong nila si Flavio.
"Geor— your majesty!" Agad na bati nito kay Georgia. Napahinto ang lahat at pinagmasdan siya ng tatlong lalaki sa kaniyang likod.
"Flavio! Lord Flavio, I mean!" Masigla namang bati ni Georgia at lumapit kay Flavio. Akma niya na itong yayakapin nang mapansin ang madidilim na aura ng kalalakihan sa kaniyang likuran, maging si Lord Flavio ay huminto rin.
"It's been so long! Parang ang tagal na nang huli tayong nagkita." Sabi ni Georgia habang tinatapik ang balikat ni Lord Flavio.
Tumikhim ang Emperador at kunot noo silang pinagmasdan. "Gaano ba iyon katagal para hawakan mo siya ng ganyan?"
Agad na kinabahan si Lord Flavio. "Your majesty! Spare me, I—"
Ngunit bago pa mauwi sa malalim na discussion ay sumingit na si Georgia. Hinila niya ang Emperador at inaya upang kumain. "Habibi, let's go eat and invite Lord Flavio. Please?"
The emperor is indeed weak when it comes to her. Wala man lamang itong pagaalinlangan na sumagot. "As you wish."
BINABASA MO ANG
Taming The Emperor ✔️
Romance[ TAG-LISH ] It's always the concubine or the servant in a story who the Emperor defends. The story is rendered even more lovely when the Emperor chooses, out of great love for his concubine, to stand up for her against the Empress. Then, he devasta...