Epilogue
Umalingawngaw ang tinig ng pagsakit ni Georgia sa buong silid. Sobrang lakas ng boses niya, kung pwede lang magtakip ng tainga ay ginawa na ni Alaric. Wala na kasi itong ibang binanggit kung hindi ang pangmumura at paninisi sa Emperador. Georgia is on verge of passing out and Emperor Alaric is about to pass away as well because of the tension and Georgia's painful grip. Kanina pa ito nakahawak sa buhok niya at baka talaga makalbo na si Alaric, walang biro. Manganganak na kasi si Georgia.
"Ahh, hayop ka talaga Alaric! Hindi kita mapapatawad dahil binuntis mo ako!" Sigaw nito, dumagundong ang tinig nito hanggang sa labas ng nakasara nilang silid. Naroroon ang lahat ng doktor, maging ang mga kaibigan ni Georgia ay naroroon din; sina Lord Luthor, Lord Malca, at Lord Flavio.
"Oh my goodness, Georgia. I'm nervous too, okay? Please calm down, mauuna pa yata akong himatayin kesa sa'yo." Sabi ng Emperador habang pinapakalma ang asawa.
Ngunit pagalit na sumigaw si Georgia. "Paano ako kakalma na demonyo ka? Ang sakit manganak, mamamatay na yata ako sa sakit!"
"Fuck, don't say that!" Garalgal ang tinig ng Emperador. Wala siyang sinusukuang laban, kahit na abutin siya ng taon sa gyera ay hindi siya magpapatalo. Ngunit isang sigaw at higit lang ni Georgia sa buhok niya'y talagang nanghihina siya.
"Ah ganon? Minumura mo na 'ko ngayon dahil hindi kita masapak? Humanda ka lang talaga Alaric, hinding-hindi mo na 'ko matitikman ulit!" Sigaw nitong muli.
Namula naman doon si Alaric. "Oh my goodness! Goodness gracious, my wife!" Nakakahiya na sa paligid ang mga lumalabas sa bibig nito but that's Georgia and Alaric can't help but smile. Damn, he's so in love. Kahit na siguro isumpa siya ni Georgia at pagmumurahin sa harap ng mga tao'y ngingiti pa siyang parang baliw.
"Tama lang yata na mag-away kayo, nakakalimutan niyang manganganak na siya. Palabas na ang ulo ng bata." Sabi ni Lord Luthor at sumang-ayon naman ang kumadrona.
Ganoon na lamang namilog ang mga mata ni Georgia at sa isang iglap lamang ay muling naituon ang atensyon nito sa sakit ng kaniyang panganganak. "Ano? Palabas na? Oh my gosh, it hurts! Aahh, ang sakit—"
Nanginig naman ang Emperador. Kung pwede niya lang kunin ang sakit na nararamdaman ni Georgia ay ginawa niya na. "Just breathe my wife, okay? Hinga ka lang—" paalala nito ngunit mabilis ring pinutol ni Georgia.
"Halika nga ditong putangina ka!" Galit na sigaw ni Georgia at hinila na naman ang Emperador. Nang lumapit si Alaric ay walang pasabi at walang awa nitong hinila ang buhok ng Emperador. Kasabay ng pag-ere ni Georgia ay ang pagsabunot niya kay Alaric.
Kinabahan naman ang lahat doon lalo na ang mga gwardiyang nagmamasid at nagbabantay sa kanila ngunit sumenyas ang Emperador sa harap ng lahat na maayos lang siya na hindi naman totoo dahil kaunti na lang ay mapuputulan na siya ng ulo dahil sa lakas ng paghila ni Georgia.
"His majesty!" Takot na sabi ng kumadrona.
Sumingit naman si Flavio. "Hayaan niyo! Diyan siya humuhugot ng lakas!" Sabi nito at tumango naman ang mga kaibigan ni Georgia.
"Hayop ka, Alaric! Sabi mo mahal mo 'ko!" Patuloy na sigaw ni Georgia. Hindi pa rin lumalabas ang bata, nahihirapan talaga siya. Masyado bang mataba ang bata? O baka naman hindi lang ito isa!
"Kaya nga kita binuntis 'di ba?" Sagot naman ni Alaric.
"Oh my gosh!" Bulyaw ni Flavio sa usapan ng dalawa. "Go, ere, Georgia. Umere ka lang!" Sabi pa nito.
Umirap si Georgia at malakas na umere saka pinagmumura na naman ang kaniyang kaibigan. "Tingin mo madaling umere, Flavio? Alam mo hayop ka rin eh, kasalanan mo talagang hinayupak ka. Sabi mo baog 'tong isang 'to, tingnan mo't inanakan na nga ako!" Ani Georgia at bumwelo ng sigaw. "Aaaahhhh!"
BINABASA MO ANG
Taming The Emperor ✔️
Romance[ TAG-LISH ] It's always the concubine or the servant in a story who the Emperor defends. The story is rendered even more lovely when the Emperor chooses, out of great love for his concubine, to stand up for her against the Empress. Then, he devasta...