Chapter 09: Pain
She's freaking out, she's nervous as heck. Nababagabag siya, hindi niya makontrol ang kaniyang sarili. Nanginginig siya, nangangatog rin ang kaniyang mga tuhod. Para siyang manghihina at matutumba anumang oras. Hindi niya maiwasang mag-alala. Just hearing that the emperor is sick makes her ill.
Sa sobrang lalim ng pagmamahal niya sa Emperador ay hindi niya lubos maisip na makaramdam ito ng sakit. Kaya pala iba ang complexion nito, mukha itong maputla at sabog. May iba na pala itong dinaramdam. Georgia is silently praying and hoping that the emperor is fine.
She's almost leaping, her steps were larger than normal. Atat siyang makapunta sa silid ng Emperador upang matingnan ito. Pagkarating na pagkarating niya sa lugar ay napapalibutan na ang Emperador ng mga katulong, wala itong malay at maputla pa rin.
"Ano'ng nangyari?" Kaagad niyang tanong.
"Kamahalan," sinalubong siya ng mga katulong doon.
"Kamahalan!" Biglang sigaw ng isang lalaki, hindi niya iyon lubos na kilala ngunit ilang beses niya na itong nakita kasama ang Emperador. Siguro'y kaibigan ito ng emperor.
"Ano'ng nangyari? Tell me immediately." Buo ang tinig na sabi niya. She's asserting dominance, she's implying her power.
Kaagad namang sumagot ang matron sa palasyo ng Emperador. "Bigla na lang po siyang natumba at nawalan ng malay."
Sumingit naman iyong kaibigan ng Emperador. "He always tell me that his head hurts, your majesty." Bigla ay sabi nito. "Matagal-tagal na rin 'yon, sumasakit daw ang ulo niya, hindi ko naman inakalang ganito na kalala."
Kaagad siyang lumapit sa Emperador upang i-check ito. "Bakit daw sumasakit ang ulo niya? May sakit ba siya? Ano bang problema?"
Umiling-iling ang lalaki. "Ang sabi ng doctor ay wala naman siyang sakit. It's probably due to stress. But I think that's not it. I am a doctor myself, your majesty, but I suggest you look for another healer." Suhestiyon nito at nilingon ang kalagayan ng Emperador. "Effective daw ang mga albularyo. Siguro'y ipatingin mo na rin ang sitwasyon ng Emperador upang makasiguro tayo."
Huminga ng malalim si Georgia. "Oo, gagawin ko ang lahat para malaman kung bakit siya nagkakaganito. Suggest me a healer. No, tumawag kayo ng albularyo ngayon." Utos niya sa mga katulong na naroroon.
"May kilala po ako, kamahalan." Sabi ng matron.
Ganoon na lamang s'ya nakahinga ng maluwag. "Tawagin mo na siya ngayon din!"
"Masusunod po, kamahalan." Sabi ng matron at kaagad na umalis upang tawagin ang albularyo na tinutukoy nito.
"Galing na dito ang doktor ng Emperador at naparito na rin ako upang tingnan ulit ang kaniyang kalagayan. Kailangan niya lang magpahinga, magigising na rin siya mamaya. Hindi sa pinangungunahan kita, kamahalan, pero hindi na maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari sa Emperador." Sabi ng lalaki.
"Unang-una sa lahat, hindi siya ganito. Marami ang nagbago sa kaniya. This is something the doctor earlier can't explain, neither I. Everyone in the empire is scared of him because he was ruthless before, kaya nakapagtatakang bigla siyang bumait. Something is truly wrong, I hope you resolve this problem before it gets worse, your majesty." Dagdag pa nito na nagpakaba lalo kay Georgia.
Huminga siya ng malalim at muling tiningnan ang Emperador. "Akala ko'y ako lang ang nakapansin. Napansin mo rin pala ang bagay na 'yon."
BINABASA MO ANG
Taming The Emperor ✔️
Romance[ TAG-LISH ] It's always the concubine or the servant in a story who the Emperor defends. The story is rendered even more lovely when the Emperor chooses, out of great love for his concubine, to stand up for her against the Empress. Then, he devasta...